Chapter 17

694 29 1
                                    

(Head over heels playing on stereo)

Something happens and I'm head over heels
I never find out until I'm head over heels
Something happens and I'm head over heels
Ah, don't take my heart, don't break my heart
Don't, don't, don't throw it away...

Hindi ko na muna tinignan ang phone ko at nagfocus na lang sa pagdadrive baka mamaya ay mabanga pa ako kakamadali ko. Mabilis akong nakarating sa building ng unit ni kelsey at pumasok sa lobby. Natatandaan ko pa naman kung ano yun unit number nya.

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang 8th floor. May ilan ilan pa din naman tao dito pero kaunting kaunti na lang. Paglabas ko ay naglakad ako sa hallway at huminto sa unit nya.

Huminga ako ng malalim at saka nag doorbell. Nakakailan pindot na ako ay wala pang lumalabas. Teka nasa bahay ba siya? Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at binuksan ito, magcha chat sana ako sa kanya ng biglang bumukas ang pinto ng condo nya.

And there she is the goddess of beauty na bumaba sa lupa. Nakatitig lamang kami sa isat isa at walang nagsasalita. How can she manage to be beautiful like this? Or lasing lang ako. Nakasuot lang siya ng puting lace na nighties ngayon at kahit madilim ay kitang kita ko ang kanyang mukha at katawan. And i badly need to breath bakit parang biglang nawalan ng hangin sa paligid. Pinagpapawisan na ako kaya naman pumasok na ako sa condo nya kahit hindi pa siya nagsasalita.

Nagulat pa siya sa ginawa ko ng isara ko na ang pinto. Bakit siya lumalabas ng pinto ng ganyan ang suot? Hindi nya ba alam na delikado yun para sa kanya? Paano kung rapist ako? Tssk. Gusto kong matawa sa naiisip ko ngayon.

" what are you doing here?" Tanong nito na parang natauhan. Mejo hoarse pa ang boses na parang galing sa pagkakatulog.

" Coming for you" tumaas ang kilay nya sa sinagot ko. Halos matawa din ako  dahil medyo double meaning pala yun.

" di ba sabi mo punta ako dito?" Paguulit ko dito. Wala akong balak makipagsungitan sa kanya ngayon matapos nya akong puyatin dapat ay natutulog na ako eh.

" i dont remember telling you to come here" paulit nyang sabi.

Hindi ko na siya pinansin at naupo na lang sa couch.

" what do you want?" Diretsong tanong ko dito. Alam nyo naman kapag lasing diba. Buti nga at napipigilan ko pa ang sarili ko na hindi siya halikan ngayon. Inaakit nya ako ng sobra.

Siya naman ay parang walang alam na nakatingin sa akin ngayon. Hindi ako makapaniwala after ko magdrive dito sasabihin nyang hindi nya ako pinapunta dito? Taena nman oh....

" are you serious? You come here in the middle of,,, no no no its already dawn." galit na sabi nito.

Ako naman ay napatingin lang sa kanya ng hindi makapaniwala. Really??? Kaya nilabas ko ang phone ko at pinakita un mga msgs nya sa akin.

Antok na antok na din ako ngayon. Pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong yakapin siya sa oras na toh.

" i forgot my phone sa table, sa bar ni raine kanina. Maybe its her, that bitch is playing again" mahinang sambit nito.

Hindi ko na siya tinignan muli dahil baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Nawala na lahat ng inis ko at napalitan iyon ng init. Lalo pa ng maramdaman kong umupo din sya sa sofa malapit sa tabi ko.

Umusod ako papalayo sa kanya. Narinig ko naman sinabi nya kung gusto ko ba ng maiinum she's asking me water or coffee pero hindi ako nakasagot kaya tumayo na siya at dumiretso sa kitchen.

Pagbalik nya ay may dala na siyang mainit na kape. Kape na naman? Hindi na ako nakapag reklamo dahil hangang ngayon ay hindi ko pa din siya pinapansin. Inilapit nya ang tasa ng kape sa akin pero lumayo lang ulit ako sa kanya.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon