Chapter 47

726 38 5
                                    

Kelsey's Pov.

Agad agad akong pumasok sa loob ng aking condo after kong magpaalam kay alex. Abot abot ang kaba ko at the same time ay masaya ako.

I know i did what is right. Iniisip ko na lang yung sinabi sa akin ng mga kaibigan ko na if we're really meant to be, fate will bring us back together.

Hindi ko alam ang mga nangyari sa kanya ng nakalipas na buwan but i think she already accepted everything. I salute her for that. What do i expect she's alexandra the girl i love.

It's Sunday. Gumagawa lang ako ng lesson plan and nagccheck ng ilang files when i heard a buzz on my door. I'm not expecting someone at this time. Sino kaya iyon?

I lazily get up from my sofa at naglakad para tignan kung sino yun nag do-doorbell. Binuksan ko ang pintuan ng kaunti sapat lang para masilip kung sino ito.

And I'm surprised to see Alex. Omygod what she's doing here? Agad akong nagpanic dahil hindi pa ako nagsusuklay. I don't want her to see me like this. Wala sa sariling naisara ko ng malakas ang pintuan.

Nagulat ako sa aking ginawa kaya binuksan ko itong muli ng maluwang.

" Ah eh galit ka ba?" nahihiyang tanong niya.

" No,no, nagulat lang ako" sagot ko agad dito.

Alanganin naman siyang ngumiti. Habang ang isang kamay ay nasa kanyang batok nakita ko naman nilabas niya ang isang kamay sa likuran na may hawak na kumpol ng bulaklak.

"Ah, eh for you." she shyly said.

" Pasok ka." saka ko inabot ang bulaklak. I think my face is so red right now. Omg!

" Nagising ba kita?" tanong ni alex bago umupo sa sofa.

Nakakahiya talaga. Maybe she thought na kagigising ko lang dahil sa itsura at suot ko ngayon. She can't even look at me straight. Oh great! I'm still on my nighties kaya pala!

"Ah hindi naman wait lang magbibihis lang ako." hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad akong pumasok sa aking kwarto.

Kung bakit ba kasi hindi pa ako nagbibihis ay wala naman akong gagawin at tinatamad talaga ako. Hindi pa nga ako nakakapag luto for lunch eh.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng walkin closet ko. I don't know what to wear! Omg kelsey kalma!

Bakit ba kasi parang ang ayos ayos niya today? Fresh na fresh. Ang bangong tignan. Parang may date na pupuntahan!

Kumuha na lang ako ng kahit anong tshirt at short at mabilis na nagpalit ng damit. Nakakahiya talaga baka isipin pa niya na inaakit ko siya kanina.

Inabutan ko siyang nagpipindot sa phone niya. Umangat naman ang tingin niya sa akin ng lumabas ako ng kwarto.

" Mukhang naabala kita sorry kung bigla bigla akong nagpunta ng walang pasabi."

"No it's okay hindi naman ako busy." sagot ko. " Ano nga palang ginagawa mo dito?"

" Ano kasi eh, ahmm ayain sana kitang kumain sa labas, if okay lang?"

Wow that was fast. Alex na alex ang galawan. Kaya pala may pa flowers pa ang loko.

" It's okay but now na ba? kasi magpeprepare pa ako."

" Yeah take your time antayin na lang kita dito. " she gave me her sweet smile. How i miss those smile.

"Okay nood ka muna baka mainip ka e." inopen ko ang tv saka bumalik sa aking kwarto.

Mabilis akong nagshower dahil baka mainip na siya sa labas. Although dati naman ay sanay na siyang matagal akong gumayak e hindi naman siya yun alex na yun.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon