Chapter 46

680 39 1
                                    

  *follow your heart* - kat
(happy 61 months)



I  hate myself.

What really happened to you alexandra? Hindi makapaniwalang tinignan ko ang sarili sa salamin.

I gently trace my fingers sa mga peklat sa aking balat. Mula sa aking tagiliran at likod na bahagi ng aking katawan hanggang maliliit na tahi sa aking ulo at kilay. Yun iba dito ay galing na yung iba naman ay sadyang malalalim na hiwa.

Himalang nabuhay pako. I can't imagine na nahulog ako mula ikatlong palapag na gusali. Buti buo pa ang mga buto ko sa katawan. Napapailing na lang ako sa aking naiisip.

Nagbihis ako at nagpaalam kay Louise na siya muna ang bahala dito.

Sumakay ako ng sasakyan at nagdrive patungo sa aming probinsya.

Hahanapin ko si Cath. Aalamin ko kung ano ang lahat ng nangyari. Alam kong isa siya sa dahilan kung bakit naging ganito ang buhay ko ngayon.

Ang alinsangan ng panahon. Dati naman ay sanay ako sa ganitong init.

Dumating ako sa lugar kung saan kami lagi nagkikita ni Cath. Dito ang aming meeting place.

Pumasok ako sa masikip na rough road . Mabuti na lamang at malalaki ang gulong ko kung hindi ay tiyak na mahihirapan akong makarating dito.

Hindi pa man ako nakakarating sa kanilang bahay ay natanaw ko na agad ang kanyang ama. Walang pinagbago ang suplado nitong mukha.

Agad akong bumaba ng sasakyan at binati ang matandang naglalakad.

"Xandra?" saad ng ama ni cath.

" Ako nga po tito kamusta po kayo?" pagbati ko dito.

" Ah eto maayos naman. Teka bakit napadpad ka dito? Ilang taon na rin ang lumipas ah."

" Oo nga po gusto ko po sana makausap si Cath nandiyan po ba siya?"

" Si cath ba? Hindi mo ba alam na may asawa na siya? Don na rin siya tumutuloy. " labis naman akong nagulat sa aking nalaman.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. My heart is aching pati na rin ang aking ulo.

Hindi ko na nahingi ang address na kanyang tinutuluyan dahil hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang pumapatak sa aking mata.

Why I'm suffering like this?

Akala ko pa naman may makukuha akong sagot kapag nagpunta ako dito.   Mali na naman ako. Maybe i should move on and leave the past behind. Tulad ng mga sugat ko sa katawan na unti unti na ring naghihilom.

Hapon na ng makabalik akong maynila. Hindi ako umuwi sa aking bahay bagkus nandito ako ngayon nakaupo sa lobby ng building kung nasaan ang unit ni Kelsey.

Nagtatalo ang utak at puso ko.

Pupuntahan ko ba siya? Pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Pero gusto ko siyang makita.

Napahilamos ako ng aking mukha. Argggg!!

" Battling with your inner self again alex?" my heart beats fast. Ang boses na yun.

Napaangat ako ng tingin sa kanyang maamong mukha. Her eyes looks tired. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Maayos naman ang kanyang damit but her hair is a mess. But still gorgeous.

" What are you doing here?" she ask me again.

Nakatayo lang siya sa harap ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at magsumbong sa lahat ng nangyari sa akin.

To Love AgainWhere stories live. Discover now