Chapter 29

605 28 7
                                    

" Oh andiyan na pala si rie, laro na tayo" sabi ni gigi.

Kaya nagstart silang kumuha ng boteng wala laman at inayos ito sa lamesa.

"Dating gawi walang kj girls ha!" sabi raine at nagpaikot na ng bote.

Bakit feeling ko sumikip yun couch.

Hnidi ako makaupo ng maayos.

Huminto ang ulo ng bote sa tapat ni gigi. Ibig sabihin siya ang pipili kung truth or dare. Samantalang ang nagpaikot ang maguutos or magtatanong dito.

"okay gigi babe truth or dare?" nakangiting tanong ni raine dito.

"Truth" mabilis na sagot ni gigi. Parang hindi naman siya nagisip sa sagot niya.

Habang naghihintay ng tanong ay lumapit si kesley sa akin at may tinanong.

" San ka galing bakit ang tagal mo?" Usisa nito sa akin

" sa labas" tipid kong sagot dito. Pero parang hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko.

" Akala ko your using comfort room?" may diin ang mga tanong niya sa akin

" Madaming tao eh kaya naisip ko na lang lumabas." pagdadahilan ko dito. Binabasa niya ang aking mga mata kung nagsasabi ako ng totoo. Half naman sa sinabi ko ay totoo.

" anong ginawa mo sa labas? "tanong ulit nito.

Balak kong sabihin na lang ang totoo. Saka sa pagkakaalam ko ay alam naman naman na niya na dati na akong nag ssmoke.

" nagyosi" sagot ko ulit dito

Hindi na niya ako kinausap after non pero narinig ko ang mahihina niyang mura. Mukhang galit na talaga siya at nagtitimpi na lang.

Hindi ko na narinig kung anong tanong at sinagot ni gigi. Pagtingin ko sa kanila ay nagtatawanan na lang sila.

Turn na ni gigi magpaikot ng bote. At sakto huminto ito sa akin. Napalunok ako ng laway. Nagisip akong mabuti kung truth or dare ang pipiliin ko. Mas mahirap pala ito sa inaasahan ko

" hey rie chill ka lang it's just a game" sabi ni lisa sa akin

" rie truth or dare?" si gigi

Lahat sila ay nakatingin sa akin.

" Dare" matapang kong sabi

" yown that's ma men rierie" proud na proud na pumapalakpak pa.

Napatingin ako kay gigi na ngayon ay nakangisi sa akin.

" hmmm okay rie go to that bar stool and wait for the 1st person who will talk to you and ask her/him for a kiss, except for the bartender ha and remember not kiss sa noo or kiss sa pisngi. It should be a deep kiss. Torrid kiss or whatever you call it"

Hindi na ako nagulat sa inutos nito sa akin. Tulad nga ng sabi ko dati ko ng alam ang mga nangyayari sa loob ng bar at lahat ng ito ay hindi na bago sa akin. Nuon nga ay binigyan ako ng dare ni sir jayson na maguwe ng babae. Natawa ako sa naalala.

" hihintayin nyo ba ako or tuloy ang game nyo?" Tanong ko dito

Lahat naman sila ay nagulat sa tinanong ko. Akala siguro nila ay magrereklamo ako sa simpleng dare na iyon.

Tatayo na sana ako ng hawakan ako ni kelsey sa kamay. Akala ko ay pipigilan ako nito pero binigyan niya lang ako ng wipes. Natawa na lang ako sa inakto niya.

" rie we'll wait for you" sigaw ni isabelle sa akin. Binigyan ko siya ng thumbs up.

Lumapit ako sa bar counter at naupo dito. Nagorder ako ng isang margarita sa bartender at inabot nito sa akin.

To Love AgainWhere stories live. Discover now