Chapter 37

667 31 1
                                    

After namin kumaen ng lunch ay umuwi na din kami ni Kelsey. Nang sumakay ako sa sasakyan ay nakatulog na nga ako sa biyahe. Kaya naman hindi kami nagkaron ng pagkakataon na magusap.

Kailangan ko lang palang huwag magparamdam dito para hanapin niya rin ako. Alam ko naman hindi pa kami totally okay pero nagpapasalamat pa rin ako dahil magkasama kami ngayon dito sa condo niya.

Nauna na siyang pumasok sa kwarto para magbihis sumunod na rin ako kaagad dahil gusto ko na rin makaligo para makapagpahinga na ako ulit.

Ng lumabas siya ng walkin closet niya ay nakabihis na siya ng pambahay. Ako naman ay kumuha ng tuwalya at pumasok na sa cr. Mabilis akong kumilos at lumabas ng banyo.

Agad akong sumampa ng kama. Habang wala pa si kelsey. Siguro ay nasa labas siya.

Feels so good to be home, bulong ko sa aking sarili. Nahiga na ako sa malambot na higaan. Namiss ko dito.

Magbubukas palang ako ng tv ng pumasok si kels na may kausap sa kanyang phone.

Sinundan ko lang ito na bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha. Lalo tuloy siyang gumanda. Ang sweet lang niya kung ngumiti. Naupo ito sa tabi ko at nagcross legs pa. Oh my kelsey lalo ko tuloy siya na miss. Kahit kasama ko siya ngayon ay namimiss ko pa din siya. Weird.

Sa halip na magbukas ako ng tv ay hindi ko na ito tinuloy dahil siya na lang ang pinanuod ko. Kung paano bumuka ang kanyang bibig. Kung paano niya ikumpas ang kanyang kamay na halatang nageenjoy siya sa kausap niya. Kung paano nito kagatin ang labi. Kung gaano siya kadalas pumikit. Just by looking at her calms me.

Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon ko lang narealize na hinding hindi ko pala kayang mawala siya sa akin. At lalong hindi ko kayang makita siya sa piling ng iba. And i wonder if she feels the same thing to me.

Naputol ang pag mumuni muni ko ng maramdaman kong dumikit siya sa akin. Hindi ko na namalayan naibaba na pala niya ang cellphone niya.

Nakaupo ako sa kama at nakasandal sa headrest ngayon habang nakasandal naman siya sa aking balikat. Parang lalabas ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Napapikit na lang ako dahil sa nararamdaman kaba ngayon. Parang bumalik yun pakiramdam ko nun una ko siyang makita. Nuong una ko siyang makasama at makayakap.

" Hon what are you thinking?"

Dinilat ko ang aking mata. Nakatitig pala siya sa akin ngayon.

I just want to feel this moment. Now I'm really sure na si Kelsey ang babaeng pakakasalan ko. No doubt about it . Mali pala ako ng sinabi kong hindi pa ako ready para sa kanya. Dahil ayoko ng magaksaya pa ng panahon. Sisiguraduhin kong hindi na siya mapupunta sa iba. Mahirap na at baka kakahintay niya sa akin ay sumuko na siya. I will not risk it. When you found someone dapat hindi mo na ito pakawalan pa. Don't miss the chance ika nga nila.

" Hon!" she snapped at me.

"Hmmm?"

" may problema ka ba?"

" Wala namiss lang kita love" niyakap ko siya at binigyan ng halik sa noo. Sinuklian din naman niya ito ng mahigpit na yakap.

" I love you so much hon. Im sorry for acting childish. Sorry kung natitiis kita." sincere na sabi niya.

" I love you too. I will love you always babe. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa susunod na habang buhay kelsey" im getting emotional here.

" owww napaka sweet naman ng baby ko" sabay pisil sa aking ilong.

Minsan panira din ito ng moment eh.

Kinabig ko siya at masuyong hinalikan sa kanyang labi. Slow and passionate. I want her to feel how i love her.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon