Chapter 42

608 29 11
                                    

" We're not done yet alex" sabi niya ng makapagpark ako ng kotse. Parang gusto ko na tuloy umuwi sa sarili kong bahay ah.

Nang makapasok sa condo ay agad kong pinasok ang gamit niyang dala at iba pang pinamili. Hapon na ng makauwi kami at mamaya lang ay hapunan na.

Pumasok ako ng cr at naligo. Paglabas ko ay inabutan ko naman siyang nagluluto ng dinner.

Napakaganda talaga ng future wife ko. Sobrang swerte ko talaga sa kanya.

Matapos kumain ay ako na ang nagasikaso sa kitchen siya naman ay dumiretso sa kwarto para maligo.

Nanuod muna ako ng tv dito sa sala dahil maaga pa naman para matulog. Kinuha ko din ang phone ko at nagbasa ng kung ano ano.

Hindi ko namalayan nakatapos na pala si kels sa paliligo at nandito na siya sa tabi ko.

" Hon what are you doing here bakit hindi ka pa pumapsok sa kwarto?"

"Manunuod muna ako babe, masyado pang maaga para matulog." paliwanag ko. At isa pa ay gusto ko rin umiwas sa kanya para hindi na ako tanungin ng kung ano ano.

"Where are you watching on your phone?" pagtataray niya. Bakit ba ang dami niyang tanong ngayon.

Lalo akong nagulat ng hindi siya pumasok ng kwarto at tumabi pa sa akin sa sofa.

" Bakit hindi kapa magbihis?" tanong ko sa kanya dahil nakaroba lang siya ngayon. Malay ko ba kung anong suot niya sa loob non.

Tinaasan naman nito ng kilay. At nagpatuloy sa pagsusuklay ng kanyang mabangong buhok.

" We need to talk. Isipin mo na lang na nasa hot sit ka tonight hon" she gave me a smirk. Nakakatakot.

" A-Anong paguusapan natin babe? Tungkol sa kasal ba?" hindi ako mapakali sa upuan. Kung kanina gusto kong manuod ngayon ay gusto ko na matulog.

" All about you hon, naisip ko lang na we're getting married and i have a lot of questions on my mind na i think you need to answer with all honesty. "

" Ah sige hehe but i think i need a beer wait lang babe" hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at mabilis akong tumayo.

Ano kayang itatanong niya? Baka naman after nito ay hindi na niya ako pakasalan. Hirap pa naman lusutan ng mga tanungan niya. Hayss

Kumuha nga ako ng beer in can at saka bumalik sa upuan.

" Maglalasing kaba?" nakataas ang isang kilay na tanong sa akin ni kelsey.

" Haha pampalakas ng loob babe gusto mo?"

" Nah, I'm going to ask na" sayang kala ko lulusot tssk.

Nagsalin ako sa baso ng beer at nilagyan ng maraming yelo. Habang naghihintay ng judgement day.

"Did you ever cheat on me?" grabe halos mabilaukan ako sa tanong niya. Bakit napaka straightforward niya? Alam ko naman pranka sya but to ask me that kaharap niya lang ako.

How could i honestly answer that baka saksakin niya ako ngayon. Inubos ko ang laman ng baso.

" Babe anong klaseng-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng itaas niya ang isang kamay niya.

" just answer me hon yes or no?!"

" Teka lang naman babe wala bang explanation? Panong cheat ba yan?" halos mamutla ako dito

Pinanliitan naman ako lalo nito ng mata.

" Alexandra just answer my fucking question will you?"

To Love AgainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt