Chapter 53

631 31 1
                                    

Alex Pov.

Feels like heaven, this place is a paradise on earth. Kahit san ako tumingin ay puro wow ang gusto kong sabihin sa ganda ng mga nakikita ko ngayon. Breath taking views, the landscape and mountains na balot pa ng yelo.  Probably this is the best vacation of my life. Parang mapupuno na nga yung gallery ko sa dami ng pictures na kinuha ko dito.

"Parang gusto ko na lang dito tumira". bulong ko sa aking sarili

" We can live here if want". i heard kelsey whispered to me. Magkatabi kasi kami sa upuan ngayon kaya kahit bulong lang yun aking sinabi ay dinig pala niya.

Kanina nga lang ay dumating kami sa St. Moritz at namasyal dito. Hindi ko nga maramdaman ang pagod kahit kagagaling lang namin ng matagal na biyahe sa ganda ng lugar. 

"Akala ko sa panaginip lang to mangyayari thank you for this kels eto na yung pinaka magandang birthday gift na natanggap ko my whole life". i sincerely told her. At alam ko naman hindi rin biro ang perang ginastos niya para dito.

"It's nothing alex, all the best for you". nakangiting sabi sakin habang hawak ang isang kamay ko. Kelsey's looking at me intently, kitang kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya sa akin. What did I do good to deserve her?

Naglalakad kami ngayon papunta sa hotel na aming tutuluyan dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naglalakad kami ngayon papunta sa hotel na aming tutuluyan dito. Gabi na pero maliwanag pa din ang paligid, hindi na rin naman ganon kalamig ang klima dahil wala naman ng snow na nalalaglag mula sa itaas,  saka sa kapal ng suit kong suot ay imposibleng lamigin pa ako.

Nandito na kami sa loob ng aming suites, bukas na din ang heater kaya pagod na nagalis na ako ng suot, medyo mabigat din kasi iyon. Gusto ko na nga din mahiga upang makapag pahinga, maging si Kelsey ay kakikitaan na din ng pagod dahil dumiretso syang bathroom at nagpalit na agad ng damit. Nakatapos na din kasi kaming magdinner kaya naman parehas kaming inaantok na.

"Hon clean yourself so you can take a rest na". dinig kong sabi niya ng sumilip ito sa pinto ng cr.

Bukas ay birthday ko na. Sobrang saya ko hindi lang dahil nandito ako sa Switzerland pero dahil sa kasama ko ang babaeng mahal na mahal ko. Kung pwede nga lang mag propose na ako ulit sa kanya dito ay ginawa ko na.

Nasa malalim akong pagiisip ng lumabas na pala ng cr si kelsey at nakapagpalit na ng pang tulog.

Kaya naman kumuha na din ako ng issuot ko at nagbihis na din ako matapos maglinis ng katawan.

Paglabas ko ng cr ay nakahiga na si Kelsey.

"You're tired". Sabi ko sa kanya habang naupo ako sa gilid ng kama, pero hindi naman siya sumagot.

"Come here". aya niya sakin at nilahad ang braso para yakapin ako agad naman akong sumunod.

"Advance Happy Birthday Hon!" she greeted me. Nakatingin lang kami sa isat isa, nanatili akong hindi nagsasalita dahil hanggang ngayon ay overwhelmed pa din ako sa nangyayari.

To Love AgainWhere stories live. Discover now