Chapter 34

723 32 5
                                    

Alex pov

Nasa mall kami today ni Kesley habang ako ay bagot na bagot na nakasunod lamang sa kanila ng mga kaibigan namin.

Christmas is very near. Puro kantang pang pasko ang maririnig mo sa paligid. May malaking Christmas tree sa gitna at puro Christmas decoration kahit saan. This is my favorite time of the year. Season of giving, recieving, food, bonuses, gastos at kung ano ano pa. Tipong yung mga tao lagi sinasabi wala silang pera pero kapag pasko parang palaging may pera at kung ano ano ang binibili, puno ang malls at market.

Balak ko  mag celebrate ng holidays sa probinsya namin pero hindi ko pa ito nasasabi kay kels. Siguro one of these days ay aayain ko siya kung pwede siya. Sa isang taon namin magkarelasyon ay dalawang beses pa lamang siya nakapunta sa amin. Wala naman kasing pasyalan don kaya hindi rin kami nagtatagal.

"hey hon!" sabay hatak sa damit ko ni kelsey naiwan na kasi ako sa paglalakad.

Ayoko talaga ng nagsshopping kasama sila. Urggg. Pumasok kami sa isang sikat na shop ng designer clothes . As usual ano pa nga ba ang ggawin ko magaantay na naman akong matapos sila ni anne at lisa sa pamimili. Mas gusto ko pang umattend ng carshow kesa dito at magbitibt ng mga paperbags ng kung ano anong binili niya. But of course hindi ko yun pwedeng sabihin sa kanya or I'll be dead.

"Rie aren't you going to buy anything?" tanong sa akin ni anne. Gusto ko sana ikutan ito ng mata but its too gay for me haha. Umiling lang ako sa kanya. Hindi naman ako nagsusuot ng dress.

" are you gonna sit there hon? Why don't you join us come on?" aya sakin ni kels.

" okay" bilis ko kausap di ba? Haha ayoko na lang makipagtalo. Last time kasi na naghintay ako sa kanya ay bigla na lang siyang tinopak dahil lang sa babaeng tumabi sa akin. Sometimes i can't understand her mood. May times na sobrang selosa niya, minsan naman parang wala siyang pakielam sa akin. But I'm not complaining.

Nakabili na din kasi ako ng mga pang regalo sa probinsya saka mga gamit ko kaya naman napilitan lang talaga ako sa lakad na ito.

Pinapanuod ko lang si kels habang abala siya sa pamimili. She's really not a fan of tshirts and jeans. Karamihan sa damit niya ay puro dress, dress, at dress ulit.

" What you think mas okay to?" she's now facing me habang hinihingi ang aking opinyon sa tatlong damit na hawak niya ngayon.

" hmmm masyado daring yan eh" sagot ko dito. She raised her eyebrow sa sinabi ko dito.

" okay I'll buy all of these" saka niya ako tinalikuran ulit. Napailing na lang akong sumunod sa cashier.

Matapos ang kanilang pamimili ay dumiretso na kami sa isang restaurant para sa dinner.

"Hay salamat makakaupo din" sabay stretch ko ng binti.

"Pagod much e?" tanong ni lisa

"yeah nakakangalay" sagot ko dito pero tumawa sila ni anne.

" How bout us naka heels pa, hindi ka pa nasanay rie? " sabay ni Anne i just shrugged.

"What's your order hon?"

" Gusto ko ng karne babe I'm starving"

Pagkatapos sabihin ang inorder ay umalis na ang waiter.

" So anong plano niyo sa Christmas break?" tanong ni anne sa amin

"I haven't talk to raine bout it, she's so busy nowadays we barely see each other. Hindi ko na nga alam kung anong ginagawa niya" sagot ni lisa dito.

"Baka nasa kabet no rie?"

"Aba malay ko" sagot ko agad dito.

"Di ba kayo lagi magkausap? Anyways  san kayo sa pasko?"

To Love AgainWhere stories live. Discover now