Chapter 30

715 29 1
                                    

Monday night na ngayon at ang bilis lang ng panahon. Bukas ay pabalik na kami ng manila.

Buong weekend ay sinulit namin sa pamamasyal at pagkain ng kung ano ano pakiramdam ko nga ay nadagdagan ako ng timbang.

Nandito kami ngayon sa hotel room at inaayos na ang mga gamit namin para bukas. Hangang ngayon ay sariwa pa din ang nangyari sa amin ni kelsey actually panaginip ko pala. At after ng halikan namin sa bar nuong friday night ay hindi na ito nasundan. Sinermunan pa nga niya ako kinabukasan non na hindi na daw ito mauulit pa kesyo bago pa lang daw kami at kung ano ano pa. At sinabi pa niyang wag ko na daw siyang hahawakan pa maliban sa kanyang mga kamay. Grabe noh. Hangang panaginip na lang ata talaga ako.

Pero kahit ganoon ay masasabi kong naging masaya ang vacation namin na ito. Lalo ko pang nakilala ang mga kaibigan niya at napalapit na rin ako sa mga ito. Unti unti ay kaya ko nang sakyan ang mga trip nila sa buhay.

Handa na akong matulog kaya naman umakyat na ako sa kama. Si kelsey naman ay nasa banyo pa at naliligo.

Dilat na dilat ang mga mata ko ng makita ko siyang lumabas ng shower room. Nakatapis lang siya ng towel at tumutulo pa ang basang buhok. Tila naman naging miscroscope ang aking paningin na tila pati pag agos ng tubig mula sa kanyang buhok papunta sa mukha na tumulo sa kanyang clevage. Sana tubig na lang ako. Haha Napalunok ako at namula. Gustuhin ko man umiwas ng tingin ay hindi ko magawa. Kung bakit kasi hindi pa siya agad nagbihis sa loob.

Gusto niya ba talaga akong akitin? Nakakainis.
Mayron naman robe sa loob ni cr.

Gusto ata niya talaga ako magdusa.

Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay inirapan niya ako. Narinig ko pa ang huli niyang sinabi bago siya tumalikod at kumuha ng pang tulog.

" manyak"

Isa siyang tukso. Tumalikod na din ako sa kanya at nagbalot ng comforter matutulog na lang ako kesa mabitin sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto ay hindi naman ako dalawin ng antok kaya naman bumalikwas ako at kinuha ang phone ko. Si kelsey naman ay tapos ng magpatuyo ng buhok kaya naman umakyat na siyang kama at pinatay ang ilaw.

Naglaro na lang ako ng mobile legends. At hindi ko na namalayan ang oras. Nabigla pa nga ako ng lumapit ang mukha niya dahil sinilip niya kung ano ang aking ginagawa.

Halos magkadikit na ang aming mga labi ng lumingon ako sa kanya.

" Aren't you going to sleep? Maaga ang flight natin tomorrow"

Dali dali akong umusod at halos mahulog ako sa kama sa aking ginawa. Kailangan kong dumistansya sa kanya para mapigilan ko ang aking sarili. Hindi ako maaring mahulog sa tukso.

" Matutulog na ako" at saka ko tinago ang phone sa bedside table.

Siya naman ay parang wala lang na bumalik sa pagtulog. Pinilit ko na lang pumikit at huwag na magisip pa. Dito na ako inakay ng antok.

7am pa lang ay nakalapag na kami sa Airport sa manila. Bukas ay back to reality na naman ako. Back to work.

Kumaen muna kami ng breakfast at nagpasya ng bumalik sa kanya kanya namin bahay.

Kasalukuyan akong nagdadrive pa quezon city para ihatid si kelsey sa kanyang condo. Hindi na ako umakyat sa parking sa itaas.

" Bye babe" sabi ko dito matapos kong maipark ang sasakyan sa tapat ng entrance lobby ng building hindi kasi siya sa akin nakaharap kungdi sa phone nito na kanina niya pa hawak.

" bye" maikli niyang sagot sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanyang inaasal.

" what's with that face?" tanong niya kaagad sa akin siguro ay nabasa niya ang pagkainis ko.

To Love AgainWhere stories live. Discover now