Chapter 8

772 36 0
                                    

Tanghali pero hindi pa din ako nagbabangon sa higaan. Bukod sa masakit ang ulo ko sa puyat at hangover ay tinatamad talaga akong bumangon.

Alas tres ng madaling araw na ako nakauwe dito sa apartment.

At napag alaman kong sa iisang building lang pala nakatira si Kelsey at Karla.

Si kelsey, pangalan lang ang alam ko sa kanya. Apat na beses ko na siyang nakikita ngunit hindi ko man lang siya makausap. May kung ano sa kanya na gumugulo sa sistema ko.

Madami dami na rin naman akong nakilalang babae pati lalaki pero tulad nga ng sabi ko wala ni isa kanila ang pumukaw ng damdamin ko.

At mukhang kailangan ko ng gumawa ng paraan para ma meet ko siya at magkausap kame. Kailangan masagot ang mga umuusbong na kakaibang damdamin sa akin.

Alam ko naman na kung san ko siya matatagpuan siguro ay ang aalamin ko na lang ay ang room number nya.

At magagawa ko lang iyon sa pamamagitan ni karla.

Mabilis din lumipas ang mga araw. Ginugol ko ang buong linggo sa pagttrabaho at pag-iisip kay Kelsey.

It's saturday noon, nag decide na akong lumabas ng apartment siguro ay titignan ko muli yung bahay na gusto ko. At isa pa ay kinulit din ako ni jeff na sasamahan daw nya ako para tumingin ng magiging service ko daw.

Eto ngat nag ring na ang cp ko. Sinagot ko na agad ang tawag nya.

"Oh tol dito na ako sa kanto labas ka na ha. Saka wag kna magpa ganda masyado kana maganda bilisan mo" biro nya sa akin

Sasagot pa sana ako ng inoff niya na agad ang tawag. Siraulo talaga yun.

Bakit ko nga ba siya naging kaibigan??

Si Jeff ay 28 yrs old na. Matangkad siya sakin ng ilang pulgada. Maganda ang kanyang katawan dahil alaga sa gym. Bukod don ay gwapo siya at malakas ang karisma. Pero tropa lang talaga kame dahil una pa lang ay alam na nyang bisexual ako at hindi namin type ang isat isa.

Pagkasakay ko ng kotse nya na ngayon ay isang top of the line na Toyota camry ang kulay nito ay puting puti at halatang bagong carwash lang. Mahilig din kasi sa sasakyan si jeff kaya naman madami din syang ibat ibang klase ng kotse.

"oh ano tol san tayo unahin ba natin yung kotse mo o bahay? Yayamanin na ang frenny ko ah" tuwang sabi nito sa akin.

"Sa valle muna tayo check mo yung bahay kung maganda." sagot ko naman sa kanya.

"Okay lets go then" sabi nya at nagdrive na.

Dahil trapik sa byahe ay nakikinig lang kame ng musika ng biglang umubo siya at parang may naalala.

"Nga pala rie kumusta na kayo ni Karla?" taas baba ng kilay nyang tanong.

"Anong kumusta ba yan?" irita kong sagot sa kanya.

"Hindi mo ba type si karla tol?  Sa tingin ko kase eh parang mabait na sya sayo. Kilala ko yun pinsan ko at alam kong gusto nya yun katulad mo" seryoso naman na sya ngayon.

Hindi ko na siya sinagot at napa isip na lang ako sa sinabi nyang iyon.

"Hindi naman mahirap magustuhan si Karla sa totoo lang." paliwanag ko sa kanya.

Sinipat nya ako ng tingin.

"May iba ka na bang nagugustuhan ha rie?"

Tinignan ko lang din siya at saka umiling. Wala pa naman talaga dahil bukod sa hindi pa ako handa ay till now ay hindi ko pa ma explain yun feelings ko for Kelsey. Baka naman curious lang ako kung bakit ganon yun inaasta nya sa akin tuwing aksidenteng magkikita kame.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon