Chapter 6

931 42 9
                                    

Sabado ngayon pero kahit walang pasok ay maaga akong bumangon para mag jogging. Hobby ko na toh eh

6am palang ay pa tapos nako sa pag takbo kaya naisipan kong pumasok muna sa isang coffee shop dahil naamoy ko na ito mula sa labas. At talaga namang hindi maikakaila ang pagkahilig ko sa kape.

"One caramel macchiato miss" ang sabi ko sa babae.

"Dine in po ba maam or take out?" sabi naman kaagad nito. Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha dahil sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Namula naman ang pisngi ko sa hiya dahil dito.

Nabawi ang attention ko dahil sa lalaking sumigaw ng pangalan....

"1 grande caramel hazelnut for ms. Kelsey"sigaw nito

Kasabay ng paglingon ko sa tumawag ay bigla na naman akong natuod sa aking kinatatayuan ng dumaan sa gilid ko ang isang dyosang babae na napaka ganda at kinuha ang kape nya sa lalaking barista.

Naiwan pa sa aking ilong ang mabango nyang pabango, para itong nagpatibok muli sa nasawi kong puso. Pinaghalong vanilla at parang citrus ang kanyang pabango.

"Mam rie is your order complete na po ba?" tanong ng cashier kaya lamang ako muling natauhan.

Paglingon ko ay wala na yun magandang babae. Kinuha ko ang inorder kong kape at nagpasyang maglakad na lang ulit sa labas. Maaga pa naman kaya malamig pa sa labas.

Dahil sa pagmumuni muni ko habang naglalakad sa park ay di ko namalayang may bato pala sa kalsada kaya naman na out of balance ako at kamuntikan ng matumba. Laking pasalamat ko na hindi  tuluyang tumapon ang ka bibili ko lang na kape pero gayon na lamang ang gulat ko ng marinig ang sigaw ng babaeng kagabi pa gumugulo sa aking puso at isipan. Yung babaeng demi god.

Hindi ko na halos alam ang nangyayari dahil tila nabingi na naman ako at nawala sa ulirat ng masilayan ko muli ang kanyang muka.

Ang kanyang makinis na mukha na wala man lang bakas ng tigyawat, ang kanyang perfect line na kilay, ang kanyang magagandang mata, matangos na ilong at labing mapang akit.

Nakita kong gumagalaw ang labi nya na parang may sinasabi ngunit wala akong naririnig. Nakatulala lamang ako sa kanya. Matangkad lamang ako sa kanya ng ilang pulgada. Dahil may katangkaran din ako sa height na 5'9 sa tingin ko ay nsa 5"7 siya.
Maganda ang katawan nya na parang pang modelo at malaki ang kanyang hinaha--- napatigil ako sa pagtitig ng bigla nya akong sigawan

"ikaw na naman?!!! You look like a stupid... pervert.... stalker!!!!"

"A-ako???? Pervert??!" I stutter

I need to calm myself dahil may ilang mga mata na rin akong natatanaw na napapatingin sa amin.

"Hey miss hindi ako stalker at hindi ako....."

Hindi pako natatapos sa sinasabi ko ng layasan na ulit nya ako.

Hay dalawang beses na ako nagmumukang tanga sa harap nya. At dalawang beses na nya ako nilalayasan.

Tapos na akong maglaba at magligpit ng apartment ngayon. Balak kong mag mall at mamili ng bagong damit ng mag ring ang cp ko.

"Hello? Oh april npa tawag ka? Oh sige magkita na lang tayo don" at binaba ko na ito.

Tumawag sya dahil may iaalok daw sya sakin na bahay. Nasabi ko na rin kase sa kanya nuon na balak kong bumili ng sarili kong bahay kahit hindi malaki basta sarili ko. Kaya ayon at titignan daw namen mamaya.

Dalawang bahay ang pinakita nya sa akin. Yun isa ay quezon city lang. Yun isa naman ay sa pasig. Sa valle verde yun isa na nagustuhan ko at isa pa ay mura at sa tingin ko ay good deal na iyon. Dati akong nagtrabaho sa real estate kaya alam ko kung alin ang magandang bilin na bahay kung san ako makakamura bukod sa quality ng bahay na una kong tinitignan.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon