Chapter 35

645 33 6
                                    

6 months later....





Two weeks na simula ng may pinagawayan kami ni kelsey.

It was started noong inaya niya akong magpunta sa birthday celebration ni Gigi.

" How do i look? Tanong nito sa akin.

Well para naman may damit na hindi babagay sa kanya. Hinagod ko ito ng tingin mula ulo hangang paa. I stared at her sexy body. She dress too well. Walang kupas ang ganda nito sa aking mga mata. Napaka sopistikada.

" okay i think i already know the answer let's go?" She held my hands palabas ng condo.

Ginanap ito sa isang hotel sa makati. Kung titignan ay isa itong engrandeng pagtitipon. Karamihan sa makikita mo ay mga matatalik nitong kaibigan at kakilala sa negosyo. Lahat kami ay nandito.

Pumunta kami sa table kasama ang aming mga kaibigan. Si lisa with raine. Sila anne at marco. At iba pa. Pagkatapos ng kainan at kaunting kwentuhan ay tinawag na ng host ang  birthday girl.

Si Gigi. Suot ang isang kumikinang na  dress. Labas ang mahahaba at makinis na legs. Nakalugay ang blonde nitong buhok. Para lang akong nanunuod ng fashion show sa dami ng nag gagandahang babae at lalaki na nandito.

Kasalukuyan nitong pinapasalamatan ang mga bisita sa kanilang pagdalo sa kanyang kaarawan. At higpit pa don ay ang kanyang girlfriend na si isabelle. Inaya niya ito sa stage at saka nagpasalamat. Pagkatapos niya itong halikan sa labi ay labis kaming  nagulat ng ito ay biglang lumuhod at inilabas ang isang maliit na kahon.

Akala ko ay magbibigay lang ito ng simpleng pagbati sa mga bisita ngunit ito pala ay mag pppropose na sa girlfriend nitong si Isabelle Navarro. Sinabi nitong gusto na niyang makasiguro sa kanyang nobya at stable naman na silang dalawa kaya naman oras na daw para sila ay magkapamilya.

" Will you marry me?" ito ang nagpagulat sa lahat ng bisita na naririto. Karamihan ay napasinghap at nagpapalakpakan. Wala kaming kaalam alam sa kanyang plano.

Ngunit sa halip na matuwa at tanggapin ito ni Isabelle ay bigla siyang nag sorry sa kanya at umalis ng walang paalam. Karamihan sa kanila ay nagulat sa ginawa nito. Maliban na lang sa aming dalawa ni raine.

Hahabulin pa sana namin ito ngunit pinigilan ako ni kelsey.

Dito na kami nagsimulang magtalo. She insisted na kasalanan ito ni isabelle which is her close friend. At nagagalit siya sa inasal nito. Ako naman ay naiintindihan ko si isabelle she has her own reasons. Baka hindi pa talaga ito handa sa ganoong bagay.

" Babe bakit ba sa akin ka nagagalit ako ba si isabelle?" tanong ko dito habang ako ay nakahinto sa traffic light dahil natapos na ang party at nagpasya na kaming umuwe matapos niyang icomfort si gigi.

"You will never understand dahil parehas lang kayo ni isabelle at raine wala kayong plano sa future!" galit na   sabi nito.

" Talagang nadamay pa kami ha? Wala akong kinalaman diyan saka bakit natin pinagtatalunan yan saka isa pa baka naman kasi hindi pa siya handa. At baka napahiya siya dahil dapat siya ang magpropose at hindi si gigi"

Dahil sa sinabi kong iyon ay napasinghap si Kesley at parang lalong nagalit sa akin.

" Tell me if i were gigi would you do the same? Will you decline my proposal? "

Sa tanong niya ay wala akong naisagot. Hindi dahil sa wala akong plano para sa kanya mahal ko si kesley pero hindi pa ako handa para sa ganon level. Hindi ko pa kaya lumagay sa married life.

" see wala akong aasahan sayo ayt?! "

" kung magaantay pa si gigi kay isabelle malamang tatanda na siyang dalaga!!" habol at disappointed na sabi nito.

To Love AgainWhere stories live. Discover now