Chapter 12

666 33 3
                                    

Rie pov.

Maaga akong gumising para mag jogging sa favorite spot ko sa metro, dito ako palagi nagpupunta tuwing umaga dahil bukod sa kaunti lang tao dito ay tahimik at madami pang puno, masarap lumanghap ng sariwang hangin. Naka sweat pants lang akong gray at sports bra pero nagjacket ako ngayon.

Tagaktak ang pawis ko ng tumigil ako at naupo sa isang maliit na bench. I decided na dito muna mag pahinga. Dahil maaga pa naman at wala naman akong masyadong gagawin ngayon araw.

Ang bango ng simoy ng hangin dito presko, sumabay pa ang mga amoy ng bulaklak na nakatanim sa paligid. Nakakawala ng pagod. Iinum na sana ako sa aking tumbler ng may naupo sa katapat ng bench na inuupuan ko.

Si Kelsey na ngayon umiinum din sa kanyang tumbler. Kitang kita ko bawat paglagok nya ng tubig. Damn why she's so sexy? Pati pagpupunas ng pawis mula sa kanyang noo papuntang mukha at dibdib, she's so hot.

Parang sinisilihan ang pwet ko sa upuan. Lalo na ng tumitig siya sa akin  at bigla akong inirapan. Sana naman ay hindi nya ako layasan ngayon.

Pinilit kong icompose ang sarili ko. Pinilit kong tumayo at lumakad papunta sa inuupuan nya. I need to move now dahil baka mamaya ay likod na lang nya ang matanaw ko.

"Hello ah uhhhhmmmm" yun pa lang ang nasasabi ko ng tumingin siya sakin at nagsalita

"What cat got your tongue?" Walang emosyong sabi niya.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. This is the first time na narinig ko siyang maayos na nagsalita. Yun hindi nagsusungit.

" Ah hindi, ako si Rie. " pakilala ko sa kanya. Iniabot ko ang kamay ko sa kanya para makipag shake hands pero tinignan nya lang iyon.

"I know." yun lang ang sinagot nya sakin.

Binawi ko na ang mga kamay ko at inilagay sa bulsa ng aking sweatpants. Hindi ko alam pero masaya ako ngayon dahil eto ang pinaka maayos na pagkikita namen.

"Can you move?" bigla nyang sabi

"Ha aalis ka na? Sagot ko agad.

" Your blocking my way. Im going to walk. " wala akong mabasa sa mga mata niya.

Gumilid lang ako at sumunod sa paglalakad nya. Sa tingin ko ay pupunta sa direskyon ng coffee shop, kung saan dati ko na rin siyang nakita.

" What are doing? " huminto sya sa paglakad ng mapansing nakasunod ako sa kanya.

" Naglalakad" sagot ko habang nakangiti.

Inirapan lang ako nito at nagpatuloy sa paglakad. Nakapasok na siya sa loob ng kapihan.

Papasok na sana ako dito ng biglang makita ko si Janice isa sa co worker ko at binati ako nito. Mukhang nag exercise din siya at pauwe na. Nagbatian lang kami at nauna na rin siya dahil may tumawag sa kanya.

Pagpasok ko ng coffee shop ay umorder na ako. Hinanap ng mga mata ko kung saan nakaupo si kelsey, pagkakuha ng order ko ay dumiretso ako sa table kung nsaan siya.

Tinaasan lang ako nito ng kilay pero walang lumabas sa mga bibig nito, kaya nagdecide na akong umupo sa tapat niya. Nilakasan ko na ang loob ko.

Simpleng bread lang ang inorder ko at mainit na black coffee samantalang ang dyosa sa harapan ko ay cake na hindi ko alam ang tawag at ang favorite nyang caramel hazelnut dahil sa amoy nito.

Para akong kinikilig ngayon ang saya saya ko kaya naman hindi ko mapigil ang ngumiti.

"You're smiling like an idiot" masungit na sambit nya sa akin.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon