Chapter 38

617 31 4
                                    

Present time.....

It's just another normal day for me. Simula lumabas ako ng hospital at umuwi dito sa unfamiliar na bahay ay wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto. Wala akong maisip na pwedeng gawin dahil bukod sa hindi ko alam kung paano kikilos dito ay palagi din nakabantay yun babaeng nagpakilalang "girlfriend" ko.

Girlfriend daw tssss. Gustong gusto ko na umalis sa lugar na ito at umuwi sa aming probinsya. At puntahan si Cath. Ang tunay kong girlfriend. Miss na miss ko na siya at gusto ko na siya makita. Hinahanap din kaya niya ako?

Naputol ang aking malalim na pagiisip ng kumatok sa pintuan si Louise.

" Mam may mga bisita po kayo sa ibaba"

Nagtatanong ang mga matang tinignan ko siya. Sino naman kaya ang hindi ko kilalang nilalang ang pupunta dito. Hays

" Ah louise nandiyan pa ba yun si kelsey?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

Simula kasi ng umuwi ako dito ay kumuha lang siya ng iba pang gamit at dito na rin siya tumuloy. Pero hindi ako pumayag na magkasama kami sa isang kwarto. Andoon siya sa guest room sa ibaba. At kaya hindi ako lumalabas ay para maiwasan na rin siya.

" Wala po mam umalis po siya kanina"

Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Teka ano nga bang pakielam ko sa kanya.

" San daw siya pupunta?"

Tinignan muna ako ng nakakalokong ngiti ni Louise bago ito sumagot. Ano kaya ang gusto niya ipahiwatig.

" Sa gym daw po tapos mag grocery."

" Ah ganun ba akala ko pa naman umuwi na siya at hindi na bbalik. Sige susunod ako sa baba"

Pero hindi pa naisasara ni Louise ang pinto ay tinawag ko itong muli.

" Louise sino yun bisita? Kilala ko ba sila? Ah dati?"

" Opo mam kaibigan mo at ka opisina sige po mauna na ako sa baba."

Nagpalit muna ako ng damit at tinignan ang sarili ko sa salamin at pilit pinapakalma ang sarili.

Bumaba ako sa hagdan at naabutan ang apat na tao sa sala. Dalawang babae at dalawang lalaki.

Agad naman nagliwanag ang mga mukha nila ng ako ay makita. Parang gusto nila akong yakapin pero nagaalangan sila dahil nakakunot ang noo ko ngayon. Sino kaya sila?

"Rie! " sabay tayo ng dalawang gwapong lalaki.

" ah eh" hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Umupo ako ng may distansya sa kanila.

" Sino kayo? I-imean sorry pero kahit anong pilit ko wala pa akong matandaan sa ngayon" nakangiwi kong sabi.

"We understand rie, nandito lang kami for you. Tulungan ka namin maalala mo kami ulit. Ako si jeff, Ka work mo kami sa customs. Bestfriend mo ako" pakilala ng isang lalaki.

" Ako naman si jayson ako yun department head nyo. Kaibigan mo din."

" Ako naman si erika, kasama mo din sa trabaho" pakilala naman nun isang cute na babae.

" I'm karla, jeff cousin." tipid na pakilala naman ng isang mukhang manika na babae. Sobrang ganda niya.

Lahat sila ay yumakap sa akin. Maliban na lang don kay Karla na hinalikan pa ako sa pisngi. Nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya.

Magaan naman ang pakiramdam ko sa iba siguro nga ay talagang close ko sila.

Madami silang kinuwento sa akin at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko lubos maisip na ganoon pala ako. At nagawa ko pala yun mga kinuwento nila sa akin.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon