Chapter 27

633 30 4
                                    

Parang kapipikit ko pa lang ng maramdaman ko ang mahihinang tapik sa aking braso.

Pagdilat ng mata ko ay isang goddess ang aking nasilayan. Kahit dim ang ilaw ay kitang kita ko ang kabuuan ng maliit niyang mukha. Kapag ganito ang makikita ko sa araw araw ay baka atakihin na ako sa puso. Joke lang

" wake up baka malate tayo sa flight" bulong niya sa akin.

Tinignan ko ang paligid at wala na si anne sa kwarto.

" Sino hinahanap mo?" tanong ni kesley sa akin

" ah wala." sagot ko dito

" Bumangon kana" sabi ulit nito sa akin. Mukhang siya ay nakapag bihis na din. Kaya naman mabilis akong kumilos nakakahiya kung kami na lang ang hinihintay sa labas.

" Mag shower kana iaabot ko na lang yung towel mamaya hiningi ko pa kay isabelle eh" utos nito sa akin

Sumunod na lang ako at pumasok ng banyo para maligo. Binilisan ko na ang kilos ko. Tapos na akong maligo at hinihantay na lang yun towel na ibibigay niya. Makalipas ang ilang minuto ay kumatok na ito. Binuksan ko ang pinto at kinuha ang tuwalya sa kanya.

Dahan dahan akong lumabas para magbihis. Mabuti na lang at wala ng tao sa loob ng kwarto ni lock ko ito at mabilis na gumayak na. Matapos kong masiguradong maayos na ako ay lumabas na din ako. Halos lahat ay kumpleto na sa labas maliban na lang kay gigi na gumagayak na rin daw.

" Nakatulog ka ba rie? Bakit ganyan yun mata mo?" natatawang tanong ni raine sa akin

" Hindi ko nga alam eh, nagulat ako nun pumikit ako pagdilat ko umaga na. Namamahay ata ako " nahihiyang kong paliwanag dito.

" Baka naman may ginawa pa kayo milagro ha? " paguusisa ni raine na nakatingin kay kesley ngayon

" I'm not like you raine" sagot na naiinis ni kesley sa kanya.

Nagtawanan lang sila sa sagutan ng dalawang magkaibigan. Lagi kasi silang nagtatalo sa tuwing magkakaharap.

Nang makumpleto kami ay lumabas na kami sa parking at inayos ang mga bags na dala namin patungo sa van na maghahatid sa amin sa airport. After making sure na maayos na lahat ay sumakay na kami dito at  dumiretso ng paliparan.

Antok na antok ako habang naglalakad pababa ng eroplano. Kulang na lang ay mahiga ako sa lap ni kelsey kanina. Nakakahiya talaga ang mga pangyayari kaya ang ending ay sinermunan niya ako dahil hindi daw ako natulog kaagad. Ako pa ang napagalitan samantalamg kasalanan naman niya iyon.

Pagdating namin sa siargao airport ay may sumalubong din kaagad sa amin van na maghahatid daw sa amin sa hotel na aming tutuluyan. Hindi na kami nagabalang hakutin ang gamit dahil may kasama naman itong tour guide siguro.

Umakyat na ako agad sa van para matulog. Lagi na lang akong puyat niton mga nakalipas na araw kaya naman feeling ko ang hina ko na sa antok. Hindi ko alam kung ilan oras ako natulog pero ng gumising ako ay umaga na at nakahinto na ang van. Wala na rin ang ibang sakay nito maliban sa akin at sa katabi ko ngayon na nakatitig sa akin.

(wala tuloy akong maitype ngayon dahil iniimagine ko pa lang na nakatitig sakin si kelsey ay nawawala ako sa sarili hahaha)

" Kanina pa ba tayo dito? Tanong ko sa kanya.

" Nope kakababa lang nila, let's go para makapagrest kana sa totoong kama" nauna na itong bumaba at hinintay na lang ako bago maglakad. Sumunod na lang ako sa kanya papasok ng hotel.

Napagalaman kong magkakahiwalay na kami ng hotel room ngayon. Si raine at si Lisa ang magkasama sa katapat namin na room. Sa left side naman namin ay si Isabelle at Gigi sa tapat naman non ay ang kay anne dahil wala siyang kasama ay solo lang siya sa kwarto.

To Love AgainWhere stories live. Discover now