Chapter 45

683 30 7
                                    

Alex Pov.

Para akong tangang naghihintay dito sa labas ng gate ng Ateneo. Isang linggo ko na kasing sinusundan si kelsey. Tuwing out ko sa trabaho ay dumidiretso ako sa lugar kung san siya nakatira. Minsan nakikita ko siya. Minsan naman ay hindi.

Tulad ngayon inaantay ko siyang lumabas galing sa pagtuturo. Kanina pa ako ditong ala sais. Dahil iyon ang oras ng uwi niya.

Kung bakit ko to ginagawa? Hindi ko din alam. Gusto ko lang siyang makita.

Gusto ko sanang pumasok sa loob pero tiyak naman hindi ako papasukin ng guard kaya bawat sasakyan na lumalabas ay tinatanaw ko.
Sumunod naman ako ng makita ko ang plate number ng kotseng lumabas.

Hindi siya lumiko papunta sa kanila. San kaya siya pupunta? Nakasunod pa rin ako sa kanyang sasakyan. Para akong stalker.

Tumingin ako sa aking relo. Dinner time na kaya pala nagugutom na ako.

Huminto ang sasakyan niya sa Rave Haven Bar. Ano naman ang gagawin niya dito? Ngayon lang ako nakapunta dito pero natatandaan kong ito yun pangalan ng bar kung saan kami unang nagkita. Ayon sa kwento niya.

Hindi muna ako sumunod sa kanya dahil baka makahalata siya. Nung masigurado kong pumasok siya sa loob ay saka palang ako nagpark ng sasakyan.

Pumasok ako sa loob. Medyo may kadiliman pala dito. Mabuti na lamang at hindi pa madami ang tao.

Naglakad lakad lang muna ako habang hinahanap si Kelsey. Saan kaya yun nagpunta?

Kumakalam na ang sikmura ko kaya naisipan kong tumawag ng waiter. Kakain muna ako habang hindi ko pa mahanap si kels.

Naupo ako sa medyo tagong part hindi naman kadiliman dito makikita mo pa rin yun kinakaen mo. Hindi rin nagtagal ay dumating na yun inorder ko. Maguumpisa pa lang sana akong kumain ng may tumawag sa pangalan ko.

" Rie is that you? What are you doing here? Teka kasama mo ba si kels?" sunod sunod na tanong nun si raine ata to. Ano naman ginagawa niya dito?

" Hoy raine san ka ba nagsuot kanina ka pa namin hinihin---". Hindi na naituloy ni Kesley ang pagtatanong kay raine ng mapatingin ito sa akin. Halatang hindi inaasahan makikita niya ako dito.

O-oh.

" A-alex what are you doing here?" bakit ba masama bang magpunta dito?

" Ah kumakain?" sabay turo ko sa pagkain na nasa harapan ko at ang kutsarang may lamang pagkain na kanina ko pa hindi maisubo subo sa kakatanong nila.

Hindi ko na sila pinansin. Nagkatinginan muli ang dalawang babae na parang naguusap sa mata. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Wintik na ako doon. Mabuti na lang talaga at umorder ako kundi ay wala akong maisasagot ka tanong nila.

Mabuti naman at hindi na sila nagtanong. Pagkatapos kong kumaen ay agad kong tinawag yun waiter. Saka nagbayad dito. Pero nakatingin pa din yun dalawa sa akin. Ano bang problema nila?

Pero ano nga bang gagawin ko uuwi na? Nasa ganoon akong pagiisip ng magsalita muli si raine.

" How do you know this place? Bakit dito ka nagdinner?" bakit ang galing magtanong nito. Bwisit

Hindi ko alam ang isasagot ko. Alam ko naman parang tanga ako na dito kumain ng hapunan sa isang bar talaga rie? Agad naman akong nakaisip ng palusot.

" May hinihintay kasi ako sabi niya magkita kami dito e siguro natrapik kaya wala pa." nakayuko kong sagot. Hindi ko kayang makipagtitigan kay kelsey ngayon. Feeling ko kasi malalaman niyang nagsisinungaling ako.

" ah i see, sino naman yun hinihintay mo babae ba? " tanong niya sa akin sabay tingin ng makahulugan kay kelsey.

Mabuti na lang biglang nag ring ang phone ko. Save by the bell. Grabe pinagpawisan ako doon.

To Love AgainDove le storie prendono vita. Scoprilo ora