Chapter 48

740 34 2
                                    

Alex Pov.

I know nagtataka si Kelsey sa mga kinikilos ko. Maging ako man ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko sa totoo lang.

My thoughts are filled with her. Walang oras ang lumipas na hindi ko siya naiisip pati sa panaginip ko ay siya ang nakikita ko.

Kaya naman naglakas ako ng loob na puntahan siya sa kanyang unit kanina at inaya nga siyang lumabas. I don't know if i can call it a date. Labis akong natuwa ng pumayag siya.

Until now ay kinakabahan pa din talaga ako. Kakauwi ko lang ng bahay. Nagmamadali kong nilisan ang condo ni kelsey kanina dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Kahit gustong gusto ko nang humingi ng permiso niya para ligawan ko siyang MULI. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanya lalo pa ng sabihin niya sakin harap harapan na madami at hindi siya nawawalan ng suitors. Okay edi sya na maganda. Tsk

Naiinis ako twing naaalala ko yun. And i don't think na makakaya ko kung makikita siyang may kasamang iba.

Hindi ko alam sa puso ko. Parang sasabog ito twing naaalala ko ang mga ngiti ni kelsey. Yung pinong pagkilos niya. How her lips move when she talks, kung paano niya ako irapan kapag nagsusungit siya. The way she talks. When she stares at me na parang pinapasok niya buong pagkatao ko. Kung paano niya pigilan ang pagtawa niya. Kung paano niya hawiin yun mga buhok niya sa kanyang tenga. How she dress. And Her intoxicating smell.

All of her lingers on my mind. Nakakabaliw. Kapag iniiisip ko na malapit siya sa akin para akong malalagutan ng hininga. Just a thought of her body and beautiful face makes my body hot. Para akong pinapakuluan.

Kaagad akong pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit. Parang may bulate ako sa pwet. Hindi ako mapakali. Should i call her now? Pero baka galit siya dahil basta ko na lang siya iniwan kanina. At isa pa ano na naman ang sasabihin ko e kakauwi ko lang.

Nagcheck ako ng phone. Nagpunta ako sa social media accounts ni kelsey. Oo na stalker ako. Tinignan ko yun fb niya pero wala naman bago don. Puro shared post lang. Nabasa ko sa profile niya na in a relationship siya. Kanino naman kaya? I'm just silently hoping na sakin pa din yun. Nagpunta naman ako sa ig niya. Nabasa kong pinost niya yun lugar na kinainan namin kanina.

May caption na "my new favorite place with my favorite person" napangiti ako sa nabasa. Hindi ko alam na ganito pala kiligin. Tinignan ko pa yun ibang picture don na puro mukha niya. I'm daydreaming again.

Naudlot ang pagtitig ko sa mga pictures ni kelsey ng makareceive ako ng tawag.

*raine calling..... kaagad ko naman itong sinagot.

"hey rie busy ka ba, nasan ka?" she ask.

" Nasa bahay ako bakit?"

"come here sa condo ko nandito ang barkada miss kana nila wag ka magalala kahit hindi mo sila maalala madali mo lang sila makaka get along ulit".

" ah san nga ba ulit yun bahay mo?"

"I'll just text you the address take care sa pagdrive ha." pinutol na niya ang tawag sabay pagtunog ng phone ko na nagsend siya ng text.

Ano naman kayang gagawin ko don? At sino bang barkada ang tinutukoy niya? Posible kayang nandon din si kelsey? Parang naexcite nman ako sa naisip kaya inopen ko yun text message ni raine at binasa.

Nagpahinga muna ako bago ako gumayak. Pumili lang ako ng gray na tshirt at black pants na tinernuhan ko ng sneaker. Simpleng hapunan lang sinabi ni raine kaya okay na siguro ito.

Mabilis naman akong nakarating sa lugar na sinabi ni raine dahil sunday ngayon ay hindi gaanong trapik. Pumasok na ako sa loob ng building at tahimik na sumakay sa elevator. Napapatingin na lang ako tuwing bubukas ito at may bagong sasakay.

To Love AgainWhere stories live. Discover now