PROLOGUE

6.7K 93 5
                                    

Title: My Stupid Childish Wife
Author: Alleia Ryll Writes
Genre: RomCom
(Wattpad username: @alleiaryll02)                                                                                                                                 

 Author’s Note

This story is only for open minded, so keep your mind open. This is just the writer's imagination, if you are still innocent and minor do not read the story I created. Be open minded because some part of my story are not suitable for young age, pero dahil alam kong alagad ka ni Cecelib ay babasahin mo pa din ito kahit bawal HAHAHAHAHAHAHA char.                                                                                                                           

—Inspired by True Beauty                                                                                                                                                                                                                                                                                                                — PROLOGUE —

» HIS POV «

"WHAT? Are you kidding me, Lolo? Ipapakasal mo ako sa babaeng hindi ko kilala." I irritatedly said to him.

"Oo, dahil yun ang napagka sunduan namin ng matandang lalaking nagligtas sa akin noon sa barko, at bilang pasasalamat ko sa kanya ay ipinangako ko sa kanya na ipapakasal kita sa magiging unang babaeng apo niya, at pagdating ninyo ng dise otso ay ipapakasal kita sa kanya kapalit ng pagligtas niya sa akin noon." He seriously said.

"But Lolo, pwede mo naman siyang bigyan na lang ng pera o kahit anong gusto niya, hindi mo na kailangan pang ipakasal ako sa babaeng magiging apo niya, and beside patay na din naman siya at hindi niyo na siya kailangan pang bayaran. Tsk!" I answered.

"Kilala mo ako apo. Hindi ko ugaling pumako ng isang pangako na aking binitawan, at papalitan ko ang kabutihan niyang ginawa sa akin. Kung hindi sana niya ako iniligtas noon sa tumaob na barko, hindi mo na sana ako nakakausap at nakakasama ngayon, wala sana ako mismo ngayon sa harapan mo." Saad pa niya.

"Arggghhhh.. WTF!"

I’m not yet done arguing with him when someone suddenly knocked on his door.

Nandito ako ngayon sa office ni Lolo para kausapin siya ng malaman ko ang tungkol sa pagpapa kasal niya sa akin sa isang babaeng hindi ko naman kilala.

Bumukas naman ang pinto at pumasok ang sekretarya ni Lolo.

"What’s bring you here, Pearl?" ani Lolo dito.

"Ah Sir, nandito po ako para ibigay sa inyo yung mga information niya na ipinapagawa niyo sa akin nung isang araw." ani nito.

Hindi na nag atubiling pang kunin ni Lolo ang white folder na hawak nito at agad niya itong tinanong.

"So, kamusta ang ipinapagawa ko?"

"Sa ngayon po ay nakatira ang anak niya ngayon sa isang province at dalawa na po ang anak nito. Isang babae at isang lalaki, at kamamatay lang din po ng asawa ng anak niya nung isang taon at gusto ko din po sana kayo tanungin kung ngayon niyo na po sila gusto kausapin." Dagdag pa ng Secretary ni Lolo.

"Hmm. What time is it, iho?" Baling na tanong sa akin ni Lolo.

"Tsk! 5:30pm." Sagot ko.

"Sige simulan na natin mag biyahe para makarating tayo ng umaga sa province nila." Walang alinlangan na saad ni Lolo.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon