CHAPTER 46

612 17 0
                                    

— CHAPTER 46 —

» COLTON’S POV «

Pagkadating namin ni Engot sa restobar ay agad na nagtungo siya sa loob para magpalit ng damit.

Naupo naman ako sa gilid at maya maya lang ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

“Hello anak! Asan ka?”

Agad na tanong sa’kin ni Mommy na para bang hindi mapakali.

“Nasa restobar Mom. Why?” tanong ko sa kanya.

“Colton kailangan kita ngayon din mismo.” mabilis na sambit niya.

“Bakit Mom? May nangyari ba?” Nagtatakang tanong ko pa.

“Basta ipapaliwanag ko na lang sa’yo mamaya.” nagmamadaling sabi niya.

“Okay! I’m on the way, Mom.”

Pagkatapos namin mag-usap ay agad na lumabas ako ng restobar at hindi na nakapag paalam kay Engot.

» AUDREY'S POV «

Pagkatapos namin kumanta sa stage ay napansin kung parang may hinahanap si Amber.

“Mukhang hindi ka ata mapakali dyan.” Usisa ko dito.

“Si Colton kasi sabi niya hihintayin niya ako hanggang matapos tayo kumanta.” Dismayadong sagot niya.

“Baka naman umalis na siya.” sabat naman ni Aimee na kababalik lang sa trabaho.

Pagkatapos kasi ng nangyari ay bumalik ulit siya sa pag tra-trabaho dito sa restobar.

“Siguro nga.” malungkot na sabi pa ni Amber.

“Edi kung ganon, sumabay kana lang sa amin ni Calvin tutal susunduin naman niya ako e.” Suhestiyon ko naman.

“Hindi na, ayos lang ako.” matamlay na sagot niya.

“Kung gusto mo naman sa akin kana lang sumabay para may kasabay ako.” ani Aimee naman.

“Oo nga, mabuti pa sumabay kana lang kay Aimee kung ayaw mo sumabay sa amin.” Dagdag ko pa.

“Eh magkaiba naman kami ng dadaanan e.” Turan pa niya.

“Oh edi sige, kung ayaw mo mag taxi kana lang.” suhestiyon ko pa.

“Sige.”

“Oh siya sige, mauuna na ako ah. Nandito na yung sundo ko e.”

Paalam ko naman sa kanilang dalawa ng makita ko si Calvin habang papasok ng restobar.

“Sige, ingat kayo. Goodluck sa date hehehe.” saad naman ni Aimee na may halong pang-aasar.

“Anong date ka dyan, ihahatid lang ako pauwi nung tao ‘no.” pag de-deny ko pa.

“Sus.”

“Oh sige na, aalis na ako. Byeee!”

“Byeee...” Sabay na sabi ng dalawa.

Ngumiti muna ako bago iwan sila.

» AIMEE'S POV «

Naiwan naman kaming dalawa ni Amber pagkaalis ni Audrey.

“Oh hindi pa ba kayo uuwi?”

Tanong ni Ate Jade sa amin ng makita kami nito ni Amber.

“Pauwi na din po, Ate Jade.” Sagot ko naman.

“Oh sige maiwan ko muna kayo ang dami pang customers e. Congrats nga pala ang daming nag-abang sa comeback ninyong tatlo e, kaya ang daming customers ngayon hahaha. Sige maiwan ko na kayo.” ani Ate Jade at umalis na.

Humarap naman ako ngayon kay Amber na mukhang dismayado pa din ang mukha.

“Oh paano, tara na?”

“Sige.”

Sabay na kaming lumabas ng restobar at nauna na akong sumakay sa kotse ko. Dinala ko kasi yung kotse ko ngayon para sa safety ko na din.

Kahit anong pilit ko sa kanya ay ayaw pa din niyang sumabay na kesyo baka daw mapaano pa ulit ako kapag nagpahatid pa siya.

Iniwan ko naman siya sa labas ng restobar habang naghihintay ng taxi ito.

» AMBER'S POV «

Pagkaalis ni Aimee ay maya maya lang ay may  dumaan na din na taxi. Agad na pinara ko naman ito at sinabi ang address.

Pag uwi ko ng bahay ay hindi ko nadatnan sina Colton at Momma.

“Yaya asan po sila Colton?” Tanong ko sa isang maid na naglilinis ng sofa.

“Ay naku Ma’am Amber, nagmamadali pong umalis kanina sina Sir Colton at Madam e.”

“Ahh ganon po ba, sige salamat po.”

Pagkatapos kong makipag usap ay umakyat na ako ng kwarto ko para magpalit ng damit.

» COLTON'S POV «

“Mom, okay lang ba si Lolo?” Tanong ko sa kanya.

Kanina pa kami nandito sa hospital habang hinihintay ang Doctor na lumabas sa kwarto ni Lolo.

“I-Ipagdasal na lang muna natin siya, anak. Magiging maayos din ang Lolo mo.” Umiiyak na sagot naman niya.

Nahimatay kasi si Lolo kanina sa office ni Mommy at saktong ka uuwi lamang nito galing ibang bansa.

Nalaman namin na matagal na pala siyang may sakit na diabetes at pati mata niya ay na apektuhan na.

Maya maya lang ay lumabas ang Doctor at kinausap si Mommy, napansin ko naman ang suot nitong uniform na hindi sa pang Doctor.

“Doc, kamusta na po s’ya?” Agad na tanong ni Mommy.

“Sa ngayon ay masasabi ko pong stable na siya pero dahil nga sa sakit niya ay madami ang naapektuhan lalo na ang mata niya na unti-unti ng nanlalabo.” Sagot naman ng Doctor kay Mommy.

“Ano po ang mga bawal sa kanya?” Tanong ko naman.

“Kailangan niyang iwasan ang pagkain o pag inom ng matatamis, dahil isa yun sa mga nakaka apekto sa mata niya kapag hindi nagtagal ay maaari siyang mabulag.” Ani pa nito.

Napaiyak naman si Mommy at hindi malaman ang dahilan.

“It is better Ma’am kung sa ibang bansa ninyo siya ipapagamot dahil mahirap na makahanap ng Doctor na magaling dito sa Pilipinas, kapag doon niyo siya ipinagamot ay baka magawaan pa nila ng paraan yan dahil masyado ng kumplikado ang sakit niya, at didiretsuhin ko na din po kayo Ma’am. Sa kaso po ng Papa niyo ay may iba pa siyang sakit tulad ng sa balat na na apektuhan din ng sakit niyang diabetes na mas lalong lumala.”

“ANONG KLASE BA KAYONG MGA DOCTOR MGA WALA KAYONG KWENTA.” Sigaw ko naman dito.

“I’m sorry Sir, pero mga intern pa lang po kami na nandito dahil wala pa po si Doc.”

“WHAT THE HELL! Kaya naman pala puro kapalpakan yang mga sinasabi mo sa amin.”

“Stop it, Colton.” suway ni Mommy sa akin.

“Pasensya na po Sir.” Paumanhin nito.

“Seriously? Ano ba sa tingin mo ang buhay ng tao? Laro-laro lang ha?” Galit na sambit ko pa at kwenelyuhan ito.

Wala na akong pakialam kahit pagtinginan pa kami ng ibang mga tao.

“COLTON! Calm down.” Suway muli sa’kin ni Mommy.

Agad na binitawan ko naman ang kwelyo ng uniform nito at masamang tinitigan ito.

“He’s right, Mom. Mas mabuting sa ibang bansa natin dalahin si Lolo dahil mga WALANG KWENTA ang Doctor dito.” Galit na saad ko pa at lumabas ng Hospital para umuwi ng bahay.

Tss! Mga walang kwentang Doctor, kaya ayoko magtitiwala sa mga Doctor dito e, dahil kahit mismo si Dad ay hindi nila nagawang buhayin noon. Tsk!

— END OF CHAPTER 46 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon