CHAPTER 75

631 18 7
                                    

— CHAPTER 75 —

» AUDREY'S POV «

Habang masaya kaming mga nag uusap sa classroom ay biglang dumating si Thalia na may mga ngiti sa labi.

Mukhang nakarating na agad sa kanya ang balitang nag balikan na sina Colton at Amber pero tila ba parang wala lamang dito ang nangyari.

Naka ngiting lumapit naman ito sa amin, lalo na kay Colton na naka hawak kamay pa kay Amber.

Ngumiti ito ng matamis at walang pa sabing niyakap si Colton sa harap mismo namin lalo na kay Amber.

“Gosh! Napaka desperada talaga ng babaeng ito, para makuha muli si Colton mula sa kaibigan namin.”

Gulat na gulat naman kaming lahat lalo na ng magsalita ito.

“Namiss kita ng sobra, Baby.” naka ngiting aniya.

Iba ang nakikita ko sa mga ngiti niya at hindi iyon normal.

Akmang itutulak na sana ito ni Colton palayo nang mabilis na hawakan ni Jen ang buhok nito at hinila ng malakas palayo kay Colton.

“Ang kapal talaga ng mukha mo stupid trash doll, okay na nga yung dalawa.. sisirain mo pa.” galit na pa asik na sigaw ni Jen dito at wala man lang isa sa amin ang umawat dahil tila ba iisa lamang ang mga nasa isip namin at bagay lamang iyan sa babaeng desperada katulad ni Thalia.

DESERVE NA DESERVE!

“Ouchhh! How dare you stupid witch.” galit na sigaw naman nito kay Jen at pilit inaalis ang kamay ni Jennelyn na naka hawak sa buhok niya.

Tiningnan ko naman si Amber at bakas ng inis ang makikita sa mukha nito lalo na kanina nang yakapin ni Thalia si Colton sa harapan niya.

Nang makabawi si Thalia sa pagkaka sabunot ay humarap ito sa aming lahat lalo na kina Amber at Colton.

“Babawiin kita katulad ng sinabi ko sa’yo noon, hindi ako papayag na bumalik ka ulit sa bobitang babaeng yan.” At tuluyan na nga lumabas ang tunay na kulay ni Thalia.

Bigla naman bumitaw sa pagkaka hawak ng kamay si Amber kay Colton upang harapin si Thalia.

“Tingnan na lang natin kung mabawi mo pa siya sa akin.” at mabilis na humarap si Amber kay Colton upang halikan ito.

Tuwang tuwa naman kaming nanunuod dahil tila ba ay nanunuod kami ng live ngayon.

Bakas naman ang mga ngiti ng apat na loko lalo na si Colton na tuwang tuwa sa nangyayari dahil nakikita niya ang pagbabago ni Amber at mas naging palaban na ito.

Okay din naman pala minsan masaktan ang tao dahil mas nakakatulong pa ito upang maging palaban siya.

Pagkatapos halikan ni Amber si Colton ay muli itong humarap kay Thalia na ngayon ay bakas ng galit ang makikita sa mukha nito.

“At yung sinasabi mong babawi ka, pwede ako muna? Kutang-kuta kana eh.” Matapang na sambit ni Amber at walang pa kundangan na malakas na sinampal si Thalia sa harap naming lahat.

“WOAHHHHH!” Sigaw naming lahat.

“That’s my wife.” naka ngiting proud na sambit ni Colton.

“Iba kana talaga Amby.” Ani Aimee na humahanga.

Napa hawak na lamang sa kanyang pisngi si Thalia at lumabas na wala kahit anong iniwan na salita, basta na lamang lumabas  ito na namumula ang mga pisngi.

» JEN'S POV «

“Grabe kakaiba ka dun kanina Sweety ah.” sambit naman sa akin ni Steve.

“Mas kakaiba ata ang Amber na nakita ko kanina.” sagot ko naman at nginitian si Amber at ngumiti din ito sa akin.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon