CHAPTER 49

605 20 0
                                    

— CHAPTER 49 —

» AMBER'S POV «

Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa din umuuwi sina Colton at Momma.

Sinubukan ko na din tawagan sila ngunit palaging nakapatay ang cellphone nila, kaya naman nag-alala na akong masyado kung okay lang ba sila.

“Uhmm Yaya.. hindi pa po ba tumatawag sina Colton at Momma?”

Kanina pa ako paulit-ulit ng tanong at alam kong nakukulitan na din sila sa katatanong ko.

“Wala pa po Ma’am Amber e, hanggang ngayon po ay hindi pa din tumatawag si Madam sa telepono.” sagot naman nito.

“Ahh sige po, pakisabihan na lang ako kapag tumawag na sila ah.” saad ko pa.

“Opo Ma’am, ako pong bahala.”

“Sige po salamat, Yaya.”

“Wala po yun Ma’am Amber basta kayo.”

“Sige po aakyat na din ako sa kwarto ko.”

“Sige po Ma’am.”

Ilang araw na din hindi pumapasok sa school si Colton at palagi siyang hinahanap sa akin ng mga professor namin, kahit ako ay hindi alam ang isasagot dahil hindi ko alam kung nasaan na ba ngayon si Colton.

Hayss Colton asan kana ba?

Hanggang sa makatulog ako sa pag-iisip sa kanya.

» JEN'S POV «

Hindi ko aakalain na mangyayari sa akin ito.

Kahapon pa ako sige ang iyak at hindi ko inaasahan na ang lalaking impakto na yun pa ang makakita sa akin.

Nakakainis! Bakit kasi doon pa ako nag emote sa gymnastic e, ayun tuloy nakita ako ng impakto na yun at talagang napagkamalan pa akong multo ng hinayupak na yun. Hmmpf!

Sabado ngayon kaya naman wala kaming pasok at tamang nakakulong lamang ako sa loob ng kwarto ko.

*TOK*

*TOK*

*TOK*

“C-COME IN...” Sigaw ko.

Maya maya lang ay bumukas din ito at pumasok si Renzo.

“Are you okay, Jen?” Tanong nito sa akin.

“Yeah! I’m fine.” Walang ka gana-ganang sagot ko.

“Tss! Hindi ako manhid para hindi maramdaman na hindi ka okay. So, what happened?” Diretsong tanong niya sakin.

“N-Nothing couz. I want to be alone at kung pwede sana, huwag mo na muna ako kausapin.” malamig na sagot ko naman.

“Okay, I understand... but, never forget that I’m always here.. just call me kapag kailangan mo ng kausap.” aniya pa.

“Thanks couz.”

“You’re welcome, ikaw pa ba. Sige lalabas na ako.” naka ngiti sabi niya.

Pagkalabas ni Renzo ay unti-unti na naman kusang pumatak ang mga luha ko.

Hindi ko aakalain na magagawa sa akin ni Luke yun. We’ve been 3 years in a relationship but, he cheated on me.

He’s my boyfriend since high school, akala ko siya na talaga hanggang dulo pero hindi pa pala. Tumawag yung friend ko sa State at sinabi niya ang ginagawang panloloko sa akin ni Luke, at kahapon nga lang nag break na kami. Okay na din ito kesa magpaka tanga pa ako sa kanya.

» GAVIN'S POV «

“Hindi pa din ba pumapasok si Colton?” Tanong ni Steve sa akin.

“Hindi pa e.” sagot ko naman dito.

“Hindi ko din macontact phone niya palaging nakapatay.” sabat naman ni Calvin.

“Nasaan na kaya ang gago na yun?” pabulong na sabi ko.

Maya maya lang ay pumasok ng classroom si Amber na malungkot ang mukha.

“Amby hindi pa ba umuuwi sa bahay niyo si Colton?” Tanong naman ni Steve dito.

“Hindi pa nga e.. kasalan ko ‘to e huhuhu. Baka nagalit siya sakin dahil hindi ko siya pinansin nung huling kita namin huhuhu.” sagot naman niya.

At ayun nga umiyak siya na parang bata kaya naman agad na lumapit dito sila Aimee.

“Hayss! Paano natin mahahanap ang loko na yun, e ni hindi nga sinasagot ang mga tawag natin sa kanya.” saad ko pa.

“Hmmm Amby! Yung huling kita mo sa kanya, kailan yun?” Tanong ni Calvin sa kanya.

“N-Nung h-huli siyang pumasok tapos nakita ko siya sa parking lot may kausap tapos nagmamadali din siyang sumakay sa kotse niya tapos ayun... yun na ang huli ko siyang nakita.” sagot naman ni Amber.

“Wala ka man lang bang idea kung saan siya pwede pumunta?” Tanong ko naman.

“Wala. Alam niyo naman na ilang buwan pa lang kaming mag asawa kaya bago pa lang kami. Baka kayo alam niyo kung nasaan siya, hindi ba kaibigan niya kayo? Kaya alam niyo kung saan siya palagi pumupunta.” turan naman ni Amber.

“Hindi din namin alam e, at kung sakaling aalis man siya, palagi niya kaming kasama.” sagot naman ni Calvin.

“Hayss! Nasaan na kaya yung lalaking angry bird na yun? Huhuhuhu.” umiiyak na sabi pa ni Amber.

» AIMEE'S POV «

Habang nag-uusap kami ay biglang dumating ang prof. namin at nag attendance.

Mr. Francisco?

Present Sir!

Mr. Guadez

Sir... Present!

Mr...

H-Hwang?

“Sir wala pa din po hanggang ngayon si Colton e.”

Sigaw ng isang ka klase namin.

“Why? What happened to Mr. Hwang?” Tanong ng professor namin.

“Hindi din po namin alam e.” Sagot pa ng isang ka klase namin.

Bigla naman napabaling ang tingin ni Sir sa katabi ko na ngayon ay mukhang walang pakialam sa paligid.

“MRS. HWANG...”

Malakas na tawag ni Sir kay Amber na ngayon ay tulala pa din.

Pasimpleng kinalabit ko naman siya sa balikat upang makabalik ito sa reyalidad.

“Amber.. tawag ka ni Sir.” pabulong kong sabi.

“H-Huh? U-Uhmmm... y-yes po Sir?”

Bigla naman siyang napatayo at tumingin kay Sir.

“Where’s your husband? ” Tanong ni Sir sa kanya.

“H-Hindi ko din po alam Sir e. Ilang araw na po siyang hindi umuuwi sa bahay.” malungkot na sagot naman ni Amber.

“Ikaw ang asawa kaya dapat alam mo kung nasaan siya.” Asik ni Sir sa kanya.

“EH SA HINDI KO NGA PO ALAM SIR EH. BAKIT HINDI KAYA KAYO ANG MAGHANAP SA KANYA TUTAL IKAW NAMAN ANG NAGHAHANAP SA ASAWA KO.” Sarkastikong pataas na boses na sagot niya kay Sir na siyang ikinagulat naming lahat.

Ngayon lang namin narinig tumaas ang boses niya na para bang galit. Siguro dahil nasanay kami sa Amber na palaging nakangiti at makulit na parang bata.

Bigla naman napahiya si Sir sa sinabi ni Amber at tumingin sa librong nasa lamesa niya.

“Okay class, open your book on page 38.” ani na lamang nito at hindi na muling tumingin pa sa direksyon ni Amber.

Wala na kaming nagawa kung hindi ang sumunod sa ipinapagawa ni Sir at maya maya lang ay nagpa quiz ito.

— END OF CHAPTER 49 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon