CHAPTER 37

730 22 0
                                    

— CHAPTER 37 —

» AUDREY'S POV «

“Dumating na ba si Aimee?” Tanong ko kay Amber na busy sa pagso-solve ng math kahit wala naman siyang naintindihan sa lesson kahapon.

Hayaan niyo na pagbigyan niyo na ang Lola niyo, mukhang ganado siya mag solve e.

“Hmm hindi pa e.” Sagot naman niya.

“Ano kaya kung tawagan ko na? Malapit na mag time e.” suhestiyon ko pa.

“Sige, mabuti pa nga.”

Kinuha ko naman ang phone ko sa bag ko at denial ang phone number ni Aimee.

Maya maya lang ay agad din niyang sinagot.

“Aimee! Where are you? It’s almost time for our first subj—”

Bigla naman naputol ang sasabihin ko ng may isang katandaan na babae ang nagsalita mula sa kabilang linya.

“H-Hello i-iha... k-ka k-klase kaba ng anak ko?” Garalgal na sambit nito na para bang galing sa pag iyak.

“O-Opo, bakit po? May nangyari po ba kay Aimee?” Kinakabahan tanong ko.

“O-Oo iha! Pero hindi ko alam ang eksaktong nangyari at bigla na lamang may tumawag sa akin kagabi at pagpunta ko sa gilid ng convenient store ay nadatnan ko si Aimee na puro pasa at sugat ang buong katawan niya na para bang pinag diskitahan ang anak ko.” Pag k-kwento nito.

“Nasaan po si Aimee ngayon? Nasa hospital po ba siya? Saan hospital niyo po siya dinala?” Nagmamadaling tanong ko.

“Dito sa ****** hospital iha.”

“Sige po, pupuntahan na lang po namin siya mamaya after class.” ani ko.

“Oh sige iha. Maraming salamat.”

“Sige po, walang anuman para po kay Aimee.”

Pagkatapos namin mag-usap ay agad na i-kwenento ko kina Amber ang nangyari kay Aimee. Maski sila ay nagulat din sa ibinalita ko at talagang nag-alala sila ng sobra para kay Aimee.

» AMBER'S POV «

Pagkatapos ng klase ay pinuntahan namin si Aimee sa hospital.

“Ayos kana ba Aimee?” Tanong ni Audrey sa kanya ngunit hindi man lang ito umimik na para bang wala kami sa harapan niya.

“May gusto kaba kainin? Ibibili kita sa lab—”

“Umalis na kayo.” Walang emosyon saad niya na ikinagulat namin lahat.

“What is happening to you?” Tanong pa ni Gavin.

“Oo nga at saka sino ang gumawa sa’yo nyan? Sabihin mo sa amin.” sambit naman ni Audrey.

“SINABI KO NG UMALIS NA KAYO EH! HAYAAN NIYO NA LANG AKO DITO MAG-ISA, AT KUNG PWEDE SANA LUMAYO NA KAYO SA AKIN SIMULA NGAYON.” Bigla tumaas naman ang boses niya.

Natigilan naman kami lahat at hindi makapag salita dahil sa inasal at mga binitawan salita ni Aimee.

“Maybe she just wants to rest now, so let us respect her decision.” ani Calvin.

Agad naman kaming lumabas ng kwarto niya at hinayaan siyang magpahinga.

» AIMEE'S POV «

Nagising na lamang ako sa sikat ng araw at napatingin ako sa gilid ng kama ko at nakita ko sila Amber na nakatingin sa akin.

“Ayos kana ba Aimee?” Tanong ni Audrey sa akin ngunit hindi ko man lang ito pinansin na para bang wala sila sa harapan ko.

“May gusto kaba kainin? Ibibili kita sa lab—”

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon