CHAPTER 33

775 25 0
                                    

— CHAPTER 33 —

» COLTON'S POV «

“GUYS... GUYS... GUYS... NABALITAAN NIYO NA BA KUNG SINO ANG NANALO SA CONTEST?”

Humahangos na sambit ni Gavin papasok ng studio room.

“Hindi pa. Bakit?” tanong naman ni Audrey dito.

“Inannounce na ba kung sino ang nanalo sa banda?” Tanong naman ni Steve.

“Oo at alam niyo ba kung pang ilan tayo?” ani Gavin pa.

“Sabihin mo na ang dami mo pang sinasabi dyan. Tsk!” sambit naman ni Calvin.

“Tsk! Spill it.” ani ko.

“Tinatanong ba yan? Syempre tayo ulit. WOOOOAAAHHH WHAHAHAHAHAHAHA!” tuwang tuwa pagbabalita ni Gavin.

“YOOOWWWNNN! LET’S CELEBRATE!” gatong naman ni Steve na masayang masaya din.

“Oo nga. Mas maganda kung doon na lang tayo sa restobar nila Mr. Han hehe.” Suhestiyon naman ni Aimee.

“Game! After class.” ani Audrey.

» FELIX'S POV «

I was walking down the hallway when I saw Colton.

“Eyy Congrats pre.” Bati ko dito.

“Salamat Dre. By the way, I would like to invite you later after class sa restobar nila Mr. Han, we plan to celebrate our victory there.” ani nito.

“Sure, no problem. What time ba?” I asked.

“5:00pm or 6:00pm. Text ko na lang sa’yo mamaya yung address.”

“Sige dre.” ani ko.

» AMBER'S POV «

Pagkatapos ng klase ay umuwi muna kaming lahat sa bahay para magpalit ng damit.

Pagkatapos namin makapag palit ay agad na nagtungo kami sa Restobar.

Kumakanta pa din kami dito kahit medyo busy kami nung mga nakaraan.

Pagkarating namin sa restobar nila Mr. Han ay agad na pumasok kami sa loob.

Nadatnan naman namin sila Audrey, Calvin, Gavin, Steve at Aimee.

“Ohh Guys! Buti naman nandito na din kayo.” ani Aimee.

“Kanina pa kayo?” Tanong ko sa kanila.

“Hindi, kadadating lang din namin.” Sagot ni Audrey.

“Ahh ganon ba.”

“Maupo na kayo.”

Umupo naman kami sa gilid na katabi lang din nila Audrey at Calvin.

Maya-maya lang ay lumapit sa amin si Ate Jade.

“Congratulations guys!”

Bati nito sa amin.

“Thank you Ateee.”

Sabay-sabay namin sabi tatlo.

“Proud na proud kami sa inyo ni Mr. Han.” natutuwang sabi pa ni Ate Jade.

“Ano ba Ate Jade masyado mo naman kaming pinapakilig eh hehehe.” Ani Aimee dito.

“Oh by the way, ipapa-serve ko na ba yung mga food na inorder niyo?” Tanong ni Ate Jade sa amin.

“Opo Ate.” Sagot namin.

“Sige, sandali lang.”

Agad na pumasok naman si Ate Jade sa loob upang ipahanda yung mga inorder namin pagkain.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon