CHAPTER 52

836 24 0
                                    

— CHAPTER 52 —

» AMBER'S POV «

Pagkauwi ko sa inuupahan kong boarding house ay naupo ako sa maliit na silya.

Anong nangyari kay Colton? Bakit hindi niya ako kilala. Talaga bang hindi niya kami kilala o nagpapanggap lang siya na hindi niya kami kilala?

Pero imposible dahil ibang-ibang Colton ang kaharap ko kanina. Yung mga binitiwan niyang masasakit na salita sa akin na hindi man lang sumagi sa isip ko na sasabihin niya mismo sa mukha ko yun.

Lumipas ang dalawang taon pero ganon na lamang kadali para sa kanya na kalimutan ako.

Hindi na ba niya ako mahal?

Hindi na ba ako yung Engot na laman ng puso niya?

Yung Engot na inaasar niya palagi?

Hindi na ba talaga ako? Huhuhuhuhu.

Marahan hinilot ko naman ang sintido ko.

Hindi.. hindi ko basta basta pwedeng isuko na lamang ang relasyon namin, kailangan maalala niya ako o kami.

Hindi ako pwedeng sumuko na lang. TAMA! Hindi ako pwede sumuko kaya mo ‘to Zaria Amber Taylor Hwang.. kaya mo yan. Fightinggg!

» RENZO'S POV «

“WELCOMEEEEE BACKKKK IHOOO!”

“WELCOME BACK KUYAAAAA!”

Sigaw sa akin ng pamilya ko mula sa malayo.

Kabababa ko lamang ng eroplano galing ng Japan at sila Mommy ang sumundo sa akin. Two months akong nag bakasyon doon at alam kong late na din ako sa pag enroll sa school.

Mahigpit na niyakap naman nila ako pagkalapit ko sa kinaroroonan nila.

“We missed you so much Kuya. Asan pasalubong ko?” Agad na tanong sa akin ni Rico.

Medyo hindi na din siya bulol kung magsalita, hindi tulad noon na ang dami pa niyang hindi alam banggitin sa tamang pag pronounce dahil nabubulol pa siya.

“AY NAKOOO! Nakalimutan ko sa eroplano e. Paano ba yan, Rico? Sorry ibibili kana lang ni Kuya ng laruan na kotse.”

Napansin ko naman ang pagkalukot ng mukha nito dahil sa pagka dismaya.

“Okay lang po Kuya.” malungkot na sabi nito.

“Hahahaha joke lang. Syempre, meron akong pasalubong sa’yo pero mamaya ko na ibibigay sa’yo pagkauwi natin.” ani ko pa.

Bigla naman sumigla muli ang mukha nito.

“TALAGA PO KUYA?”

“Oo hahahahaha.”

“WAAAAAHHHHH! YEHEEEEEEY! Tara na po Mom and Dad... umuwi na po tayo para maibigay na ni Kuya yung pasalubong niya sa akin.” Tuwang tuwa sambit naman ni Rico kala Dad.

“Sure son hahahaha.” Natatawang ani ni Dad habang ginugulo ang buhok nito.

Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay hindi pa din maalis ang pagkaka ngiti ni Rico dahil sa sobrang excitement.

Pagkatapos kong maibigay sa kanya ang mga pasalubong ko ay mabilis na umakyat ito sa kwarto niya para tingnan ang mga binili ko para sa kanya.

Naiwan naman kaming tatlo nila Mom and Dad sa sala.

“So, how’s your vacation son?” Tanong sa’kin ni Daddy.

“Okay lang naman Dad.”

“Oh ano nak, may nakilala ka bang japanese girl doon?” Tila excited na tanong ni Mom sa akin.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon