CHAPTER 6

1.3K 35 0
                                    

— CHAPTER 6 —

» AMBER'S POV «

"ENGOOOOT GISINGGGGG!"

Malakas na sigaw naman ni Colton sa tenga ko.

"Hmmmm! Bakit ba Colton? Inaantok pa ako eh." Tanong ko sa kanya habang kinukusot-kusot ang mga mata ko.

"Gumising kana dyan dahil umaga na." Dagdag pa niya.

"Bakit ba? Eh wala naman tayong pasok, kaya hayaan mo na lang akong matulog dahil sabado naman ngayon." Katwiran ko pa.

"Pupunta si Mommy at Lolo ngayon dito kaya kailangan mo na maligo dahil baka maabutan ka pa nilang amoy laway. Kadiri ka!" Nandidiring sambit niya habang naka takip sa ilong niya.

"ANO PUPUNTA DITO ANG MOMMY MO PATI NA DIN SI LOLO CONNOR?" Gulat na gulat na tanong ko.

Bigla naman akong nabuhayan at nawala ang antok na gustong gusto ko pa sana itulog

"Oo, kaya maligo kana.. ang baho mo." Sabay hampas naman niya sa akin nung unan.

"Oo na. Eto naman napaka arte, porke’t nakaligo ka na e." Nagdadabog na saad ko habang papasok ng cr.

Lumabas naman siya ng kwarto ko at ng mapadaan ako sa salamin ng banyo ay mas lalo pa akong nagulat ng makita ko ang buhok kong sabog sabog na parang alambre sa sobrang tigas.

"UHH NOOO! NAKITA AKO NI COLTON NA GANITO ANG AYOS KO? HUHUHU!"

Agad naman akong naligo at nag ayos dahil hindi pwedeng humarap ako sa kanila na mabaho.

At saka isa pa first time kong makikilala ang Mommy ni Colton at medyo kinakabahan na din ako.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Nakita ko naman si Colton sa sofa na nakaupo at tila ba inip na inip na ito sa paghihintay sa Mommy niya.

Maya maya lamang ay may nakarinig kaming nag doorbell.

*DINGGG DONGGG*

*DINGGG DONGGG*

*DINGGG DONGGG*

Sabay na kaming lumabas ng bahay ni Colton at pinag buksan sila ng gate.

Pagkatapos nilang mai-garahe ang kotse ay bumaba naman ang isang babaeng may edad na at sobrang ganda nito kahit matanda na.

Siguro ay siya na ang Mommy ni Colton.

Ohh God! Help me. Huwag po sana akong kainin ng Mommy ni Colton huhuhu.

Hinawakan ko naman si Colton sa braso at alam kong nararamdaman niya na nanginginig ako sa takot.

» COLTON'S POV «

Naramdaman ko naman ang nanlalamig na kamay ni Engot at halatang kinakabahan ito dahil sa kamay niyang nanginginig.

Napangisi naman ako at pa simpleng binulungan ko siya.

"Ihanda mo na ang sarili mo Engot hahaha." Pananakot ko sa kanya.

Naka ngiting lumapit naman sa amin sina Mommy.

"Hi Mom. Welcome back. " ani ko kay Mommy at humalik sa pisngi niya.

"Thank you iho." naka ngiting sagot ni Mommy.

"G-Good a-afternoon po Madam... uhmmm este g-good m-morning po pala he-he-he." kinakabahang sambit naman ni Engot.

‘Hayss ang tanga mo talaga selp.’

Dinig kong mahinang sambit ni Engot sa sarili niya na ikinatawa ko.

Nakipag eye contact naman ako kay Mommy at nakuha agad nito ang ibig kong sabihin.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon