CHAPTER 4

1.4K 37 0
                                    

— CHAPTER 4 —

» CALVIN'S POV «

"Eyy Vin! Natapos mo na ba yung assignment natin sa calculus?" Tanong sa akin ni Gavin pagkapasok ng classroom.

"Oo." Tipid na sagot ko.

"Pa kopya naman, hindi ko kasi nagawa kahapon e, paniguradong magagalit na naman sa akin yung matandang menopause na yun. Hmpf!" Inis na saad niya.

"Ang sabihin mo nambabae ka na naman kagabi kaya hindi mo nagawa ang assignment mo." Saad ko pa.

"Hayss oo na, basta pa kopya ako." Aniya pa.

Hindi pa man lamang ako pumapayag ay agad na niyang kinuha ang bag ko at hinanap ang notebook ko sa calculus, kaya naman hinayaan ko na lamang siya.

"HEY... HEY... HEY... watzup mga Dude." Masiglang sigaw naman ni Steve habang palapit sa upuan namin dalawa.

"Mukhang ang saya mo ata ngayon ah." Sambit naman ni Gavin dito habang nakatutok pa din ang atensyon niya sa pangongopya.

"SYEMPRE NAMAN MGA DRE! Dahil isang magandang dilag lang naman ang dinala ko sa langit kagabi. Roarrr!" saad niya habang ngiting ngiti ang gago.

"Wala ka na talagang pagbabago, parehong-pareho kayong dalawa." sambit ko sa mga gago.

"Woahhh! For your information lang Dude ah. Hanggang date lang muna ako sa mga chicks ko dahil ayoko pa maging batang ama, hindi katulad ng gago na yan mas matinik pa sa tinik ng isda, kada araw iba’t ibang babae ang ikinakama." Sabay tingin naman nito kay Steve na ngayon ay nag i-imagine pa din ang gago sa nangyari sa kanila ng babae niya kagabi.

Hayss! Buhay nga naman ng mga babaero, buti na lang hindi nila ako katulad dahil goodboy ako hahaha.

» COLTON'S POV «

Alas otso na ng umaga nang makarating ako ng school at katulad kahapon ay iniwan ko ulit sa gate si Engot.

Sa tingin ko ay hindi na siya maliligaw dito dahil ipina-tour guide ko na siya kahapon sa isang nerd na studyante na sobrang nahuhumaling sa kagwapohan ko, kaya naman pumayag siya sa request kong i-tour si Engot sa buong campus pero syempre sinabi kong maid ko si Engot kaya naman agad na naniwala siya.

Pagkadating ko ng classroom ay nadatnan ko naman ang tatlong gago na nagtatawanan.

"Yow wattzup, Dre." Kantiyaw sa’kin ni Gavin habang naka focus ang atensyon niya sa isinusulat niya.

"Anong meron? Bakit ang saya niyo ata." Usisa ko sa tatlo.

"Eh kasi naman Colton sa ating apat ako talaga ang pinaka mabagsik pagdating sa mga babae kaya tanggapin niyo ng mas gwapo talaga ako sa inyong tatlo." Pagmamayabang naman ni Steve at inakbayan pa ako ng gago.

"Tsk! Pwede ba alisin mo nga yang kamay mo, nakakadiri e." Inis na saad ko sa kanya.

Malakas na iwinaksi ko naman ang kamay niyang naka akbay sa akin.

"Anong ikaw, ako kaya ang pinaka gwapo sa ating apat." Pakikipag talo naman ni Gavin.

"Pwede ba tigilan niyo na nga mga kahambugan niyo dahil kitang-kita naman sa mukha ko ang ebidensya." Sambit ko naman sa kanila at umupo sa upuan ko.

"Putch* puro kayo kalokohan e, hindi hamak na mas gwapo ako sa inyo." saad naman ni Calvin.

"Ul*l! Asan ang kagwapohan dyan?" tanong ni Gavin dito.

"Bulag ka ba pre? Nasa harapan mo na lang, hindi mo pa makita. Tss!" sagot naman ni Calvin.

"Saka na ako maniniwala Dude kapag nakita ko na yung totoong ebidensya, puro ka kalokohan e. Naka drugs ka ba?" ani Gavin.

"Hindi pre, sadyang alagang katol lang talaga ako, kaya ganito ako. Ngayon alam mo na?" sarkastikong sagot ni Calvin.

"Oo Dude. Salamat dahil sinabi mo sa akin ang totoo, sobrang na touch ako." sarkastikong sambit din ni Gavin.

"Walang anuman pre." nakangisi sambit pa ni Calvin.

"T*ngina! Laughtrip kayo mga gago WHAHAHAHAHAHAHAHAA" Sabat naman ni Steve at pati ako ay natawa na din sa kanila.

Dahil kung kanina ay nagtatalo sila, ngayon naman ay nagpapa salamatan pa ang dalawang gago.

Hayss! Mga siraulo talaga mga ito.

» AMBER'S POV «

Mabuti na lamang ay may kinausap si Colton na studyante kahapon para i-guide ako kaya naman hindi na ako maliligaw pa sa loob ng campus.

Salamat kay Colton dahil hindi na ako maliligaw dito, buti na lamang ay may natitira pa palang kabutihan ang asawa kong angry bird hahaha joke lang yun.

Pagkadating ko sa classroom ay nadatnan ko sina Colton pati na din ang mga kaibigan niya na mukhang masayang nag-uusap ang mga ito.

Akmang lalapit na sana ako sa kanila ng biglang maalala ko ang sinabi kanina sa akin ni Colton bago kami umalis ng bahay.





— FLASHBACK —






Rule no. 1

– Hindi pwedeng malaman ng buong campus na mag asawa tayo.

Rule no. 2

– Ayokong lumalapit ka sa akin kapag nasa school tayo.

And last...

Rule no. 3

Huwag mo akong kakausapin kapag nasa classroom o kahit saan kapag nasa school tayo. Understand?

"Huh? Eh bakit naman ayaw mong malaman nila na may asawa kana? Eh kasal naman tayo." Nagmamaktol na tanong ko sa kanya.

"TSK! TANGA KA BA TALAGA, HA? Hindi mo ba na ge-gets? Mag asawa lang tayo sa papel kaya huwag ka ng madaming tanong." Galit na saad niya sa akin.

Hindi ko alam pero bigla akong naka ramdam ng kirot sa may bandang puso ko.

"B-Bakit ba galit na galit ka sa’kin?" Tanong ko sa kanya.

"Fvck! Kahit kailan talaga napaka hina ng kukuti mo, DAHIL NAPAKA ENGOT MO AT AYOKO SA TAONG PATANGA-TANGA. TSS!" Galit na saad niya at sabay tinalikuran ako para sumakay sa kotse niya.

Agad din naman akong sumunod sa kanya para sumabay pa puntang school.

Hindi ko na lamang inintindi ang sinabi niya dahil baka stress lang siya ngayon sa school o sa ibang bagay kaya siya na galit ngayon.

Hayss! Bakit kasi napaka suplado ng asawa kong ito eh.

‘Basta laban lang Amber kaya mo yan magiging mabait din sa’yo ang asawa mo.’ Pagpapalakas loob ko sa aking sarili.

Nakita ko naman na may bakanteng upuan sa gilid kaya naman doon na lamang ako umupo.

» STEVE'S POV «

Katatapos lamang ng klase namin sa pang umaga at dahil tinatamad akong pumasok ng hapon ay napag pasiyahan ko ng umuwi.

Agad na nagtungo naman ako sa parking lot ng school para hanapin ang kotse ko ng biglang may humila naman sa akin sa likod ng isang kotse na naka park din.

"Hi baby. Mukhang masaya ka ata ngayon hahaha. Gusto mo bang ulitin natin yung nangyari sa atin kagabi?" Saad naman nito gamit ang malalanding tono.

Naramdaman ko naman ang unti-unting bumababa ang palad niya sa pants ko kaya naman agad na tinulak ko siya palayo sa akin.

"Ouch! What's wrong with you, baby?" Maarteng tanong nito kahit nasaktan siya sa ginawa ko.

"I’m done with you Diana, kaya umalis ka sa dadaanan ko dahil gusto ko ng umuwi." Saad ko sa kanya habang tinitingnan ko siya gamit ang malalamig kong titig.

"Pero hindi ba sabi mo kagabi sa akin na mahal mo ako." saad pa niya.

"Oo.. pero kagabi yun, hindi na ngayon."

Huling saad ko sa kanya at nilampasan na lamang ito at sumakay na ako sa kotse ko.

— END OF CHAPTER 4 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon