CHAPTER 41

659 22 0
                                    

— CHAPTER 41 —

» AIMEE'S POV «

Kanina pa nag di-discuss ang professor namin sa unahan at napansin kong wala sa upuan niya sila Amber at Audrey.

Mag iisang buwan na din pala ang lumipas simula ng makalabas ako sa hospital ay hindi ko na sila kinakausap o nilalapitan man lang, pero sa totoo lang sobrang miss na miss ko na silang dalawa dahil sila lang yung mga taong naging totoong kaibigan ko na itinuring din nila ako na parang kapatid na din nila.

Maya maya lang ay dumating din silang dalawa.

Napansin ko agad sa mga mata nila ang pagbabago.

Anong nangyari sa kanila? Bakit ganon ang mga mukha nila? May nangyari ba?

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba.

Umupo naman ang mga ito sa dating inuupuan ko din. Lumipat kasi ako ng upuan para na din makaiwas sa kanilang dalawa.

“Oyy Aimee ayos ka lang ba?” Tanong ng katabi kong si Trina.

“Uhmm Oo.” Pilit na ngiting sabi ko.

Nakinig na lamang ako sa idini-discuss ng professor namin.

» COLTON'S POV «

Lumipas pa ang mga araw hanggang sa dumating ang araw ng intrams namin mga college.

Ang daming pa event ngayon kaya naman sobrang busy ng mga studyante pati na din kaming mga basketball player dahil mamaya ng hapon ang laban namin.

Kanina ko pa hinahanap si Engot pero hindi ko pa siya nakikita simula kaninang umaga.

“Dude nakita mo ba si Audrey?” Tanong naman sa’kin ni Calvin.

“Hindi pre, kanina ko pa nga din hinahanap si Engot e.” sagot ko naman.

“Baka nasa classroom lang, alam niyo naman madaming event ngayon baka busy sila sa kanya-kanyang booth nila.” ani Gavin.

Kung sabagay siguro nga’y busy sila ngayon.

Nandito kaming lahat ngayon na mga basketball player sa court at nag pra-practice, dahil mamaya ng hapon ang laban ng bawat magkaka ibang course.

“Okay isa pang game guys.” Sigaw ni Coach sa amin.

Agad naman kaming bumalik sa gitna ng court para mag practice ulit.

Mamaya kasi ay ibang course naman ang mag pra-practice dahil dalawa lamang ang ring ng court at sakabila ay BS Criminology habang kami naman mga educ. ay sa kabilang ring.

Pagkatapos ng kalahating oras na pag pagpra-practice ay na upo muli kami sa gilid para magpahinga at yung iba naman ay pumasok na sa locker room ng mga basketball player para maligo.

“Hayss kapagod ang practice na ‘to kumpara sa mga practice natin every weekend.” Pagrereklamo ni Steve.

“Eh kung hindi ka ba naman siraulo e, syempre kailangan natin mag practice ng todo dahil mamaya na ang laban natin.” ani Gavin.

“Alam ko pero grabe ah.. sumakit katawan ko dun, sana makalaro pa ako ng maayos mamaya.” reklamo pa niya.

“Kapag si Coach na kaharap mo paniguradong makakapag laro ka ng maayos mamaya pft hahahaha.” saad ko naman.

“Baka mas lalo pa yan ganahan kapag nakita nyan mamaya manood yung pinsan ni Renzo hahahaha.” dagdag pa ni Gavin.

“Sino?” Sabay namin tanong ni Calvin.

“Edi sino pa.. edi si Jenelyn yung new transfery natin.” Sagot pa ni Gavin.

“You mean yung naka sagutan ni Steve nung isang araw?” tanong ni Calvin.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon