CHAPTER 19

1.1K 41 2
                                    

— CHAPTER 19 —

» COLTON'S POV «

"Dude, hindi mo man lang ba pupuntahan si Amber sa principal office?" Tanong naman sa akin ni Gavin pagkalabas nila Engot.

"Hindi." Tipid na sagot ko.

"Dude, asawa mo pa rin siya at kailangan ka niya ngayon sa tabi niya." Gatol naman ni Steve.

"Tsk! She’s your wife pre, kaya dapat ikaw yung taong tagapag tanggol niya hindi ang iba." ani Calvin.

"Sa tingin ko naman okay na si Engot, tutal nandyan naman yung shining armor niya. Tsk!" Inis na sagot ko naman.

"WOAHHH! HAHAHAHAHAHAHA. Colton niyo nagseselos." Pang-aasar naman ni Steve sa akin.

"Gago! Bakit naman ako magseselos?"

"Huwag mo na itanggi Dude, kilala ka na namin hahaha." saad pa ni Gavin.

"Mga siraulo. Tsk!"

» AMBER'S POV «

Ipinatawag muna nila si Momma bago nila ako kausapin.

Wala kasi si Mama dahil nasa probinsya siya, kaya naman si Momma ang pinapunta ko.

"Uhmmm.. I’m sorry pero mukhang hindi ako naniniwala sa ipinaparatang ninyo sa baby ko." Depensa naman ni Momma sa akin.

Pagkadating kasi niya ay sinabi agad nila kay Momma ang lahat ng nangyari kanina.

"I’m really sorry Madam, pero lahat po ng studyante pati na din po ako ay saksi sa lahat ng nangyari at sa mismong bag po ni Amber nakita namin ang wallet ni Ms. Park." ani Ma’am.

"Base sa nakikita ko sa bata wala naman siyang dahilan para gawin yun, right baby?" Humarap naman sa akin si Momma.

"Opo Momma. Hindi ko po talaga magagawa ang bagay na yun dahil tinuruan po ako ng mga magulang ko na masama ang kumuha ng hindi sa iyo." Sagot ko naman.

"P-Pero Mad—"

"Magkano ba ang pera na ibinibintang ninyo sa baby ko? Dodoblehin ko ang bayad." Biglang saad naman ni Momma na ikinabigla ko.

"M-Momma..."

"Don’t worry Baby, akong bahala. Hindi ako makakapayag na ginaganito ka nila." pag tatanggol naman sa akin ni Momma

"Uhmmm.. Mrs. Hwang, hindi niyo po kailangan magbayad ng malaking pera dah—"

Bigla naman pinutol ni Momma ang sasabihin ni Mrs. Principal.

"Pinapalabas ninyong magnanakaw ang Baby ko e. Anong akala ninyo sa amin mahirap lang? Baka gusto niyo bilihin ko pa itong school na ito at tanggalin mismo kayong dalawa sa trabaho niyo." saad naman Momma.

Wow! Grabe ang astig talaga ng Momma ko hehehe.

Bakas naman sa mukha ni Ma’am at ni Mrs. Principal ang pagkatakot.

"Okay! I’m really sorry Mrs. Hwang, pero sa uulitin po na may mangyari ulit ay pwede na siyang masuspended ng two weeks." Sagot naman ni Mrs. Principal.

"Mabuti naman kung ganon, dahil alam mo kung ano ang kaya kong gawin Mrs. Principal." May bahid ng pagbabantang sambit ni Momma dito.

"Yes Ma’am. I'm sorry again." Hinging pa umanhin nito.

Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik naman ulit ako sa classroom at lahat sila ay masasama ang tingin sa akin.

Ano problema nila?

Hmmm! Bahala nga sila.

Agad na inusisa naman ako nina Aimee at Audrey tungkol sa pinag usapan sa Principal office at agad ko din naman sinabi sa kanila ang buong nangyari.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon