CHAPTER 2

1.7K 45 0
                                    

— CHAPTER 2 —

» AMBER'S POV «

Pagkatapos kong maghugas ng plato ay agad na dumiretso ako sa kwarto ko upang tawagan si Bea.

Hayss! Miss na miss ko na ang bruhang yun.

Agad na kinuha ko naman sa ibabaw ng lamesa ang keypad kong cellphone at tinawagan siya.

Agad din naman niya itong sinagot.

"Oh bakit napatawag ka, Babaknita? May problema ba?" Agad na bungad nito sa akin.

"Uhmmm wala naman, namiss lang kita." ani ko.

"Miss na din kita Babaknita ka. Kamusta kana dyan?" Tanong niya sakin.

"Eto nagalit na naman sa akin si Colton." Dismayadong sagot ko.

Sinabi ko na lahat kay Bea ang tungkol sa naging kasunduan nila Lolo at ng Lolo ni Colton kaya naman sobrang saya niya ng malaman niyang ikakasal na ako at sa isang apo pa ng isa sa pinaka mayamang business man.

"Bakit? Ano na naman bang ginawa mong Babaknita ka?" Tanong niya ulit.

"Eh kasi naman hindi ko alam na asin pala yung nailagay ko sa kape niya, kaya ayun nagalit sa akin." Pag k-kwento ko sa kanya.

"Eh kung hindi kaba naman kasi gaga. Bakit asin ang ilalagay mo sa kape edi namatay na yung tao." Panenermon din nito sa kabilang linya.

Grabe napaka bait ng kaibigan ko ‘no? *insert sarcastic tone*

"Hindi ko naman kasi alam na asin pala yung nailagay ko." pakikipagtalo ko pa.

"BOBA KA TALAGANG BABAKNITA KA. Malamang magagalit talaga sa’yo yung tao, kung hindi ka ba naman siraulo." ani Bea pa.

Wag na kayo magtaka ganyan talaga kabait sa’kin ang kaibigan ko.

"Bea, kunin muna ako dito huhuhu. Baka sa susunod malaman mo na lang na patay na ako huhuhu. Para kasi siya mangangain ng buhay eh." Pagmamaktol ko pa sa kanya.

"Ewan ko sa’yo. Tigilan mo ako sa kadramahan mong babae ka. Sige, mamaya na lang tayo mag-usap may Teacher na kami. Babushyyyy! Mwuaps! Ingat palagi dyan Babaknita. Labyahhh!" Paalam nito.

"Sige, ingat ka din. Lablots Babaknita!" Paalam ko din sa kanya.

Saka ko lang naalala na Monday pala ngayon at may pasok pa sila Bea.

Hayss! Nakaka boring naman dito sa bahay wala akong magawa. Sabi kasi ni Lolo Connor next week pa daw kami papasok ni Colton. Aisssh!

» COLTON'S POV «

Lumipas ang isang linggo at kinaumagahan ay sabay na kaming pumasok ni Engot.

Pagkadating sa school ay agad na iniwan ko si Engot sa labas ng gate.

Siguro naman kaya na niyang pumasok mag isa sa loob, dahil ayokong makita siya ng mga kaibigan ko dahil alam kong aasarin lamang nila ako kapag nalaman nilang isang engot na babae ang pinakasalan ko.

"HOY TEKA LANG COLTON, HINTAYIN MO ‘KO." Dinig ko pang sigaw niya.

Agad na mabilis naman akong tumakbo at nagtungo sa cafeteria kung saan nandoon sina Gavin.

Nasa first floor pa lamang ako ng cafeteria ay agad na pinagkakaguluhan ako ng mga studyante.

"OMG GUYS! BUMALIK NA SI COLTON."

"GUYS SI COLTON NANDITO NA."

"GIRLS TARA PA PICTURE TAYO SA KANYA."

"SAAN BA SIYA PUMUNTA? BAKIT NAWALA SIYA NG ISANG BUWAN?"

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon