CHAPTER 72

641 28 4
                                    

— CHAPTER 72 —

[WARNING: This chapter is not suitable for children under 17 years old. So, if you’re still innocent, please skip the part that isn’t suitable for you.]

»  COLTON'S POV «

Kanina ko pa cino-contact si Audrey pati na din si Calvin pero mukhang busy ang dalawa, at nasisigurado kong magkasama ang mga ito.

Napag pasiyahan ko naman tawagan si Aimee, mabuti na lamang ay mabilis din nito sinagot ang tawag ko.

“Ohh Colton, napatawag ka?” bungad na tanong nito sa akin.

“Alam mo ba kung saan nag tra-trabaho si Engot?” diretsahan tanong ko.

Hindi naman ito nag dalawang isip at agad na sinabi sa akin kung saan nag tra-trabaho si Engot.

Sinabi na sa akin nila Calvin na nag tra-trabaho si Engot sa isang milktea shop, pero hindi nila alam kung saan dahil na i-kwento lamang sa kanila nila Audrey.

Mabilis na nagpalit naman ako ng damit at agad na lumabas ng bahay.

Palabas na sana ako ng gate nang makita ko sa labas ng bahay si Thalia na naka sandal sa kotse nito habang naka ngiting naka tingin sa akin.

“How are you, baby?” she greeted me with a sweet smile.

“Don’t ever call me that again.” Seryosong saad ko dito.

“Why? You’re still my baby. At wala akong pakialam kahit magalit ka pa, dahil sinabi ko na sa’yo hindi pa tayo tapos at gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin.” seryosong sabi nito at nawala ang mga ngiti sa kaniyang labi.

“We’re already done Thalia, at hanggang doon na lang yun.” Pakikipag talo ko pa.

Bigla naman itong ngumiti at humarap sa akin.

“Let’s just see hahaha.” maka hulugang sambit nito bago sumakay sa kotse niya.

» AUDREY'S POV «

Maghapon kaming tumambay sa labas ng rest house nila Calvin para manood ng hampas ng mga alon.

Isinulat ko sa buhangin ang mga pangalan namin dalawa at pagkatapos ay nakipag habulan ako sa kanya hanggang sa mapagod kaming dalawa.

“Gusto mo bang magpahinga na muna?” sambit niya sa akin.

Dahil sa pagod ay pumayag na din ako at napag pasiyahan na namin bumalik sa rest house nila.

Pinag timpla naman niya ako ng kape at nagluto na din siya ng soup. Tamang tama dahil malamig ang panahon.

Mabuti na lamang ay hindi kami inabutan ng ulan kanina sa pag tambay namin sa labas at talagang naki-ayon sa amin ang panahon.

“You want some bread?” alok pa niya sa akin ng makitang naubos ko na ang isang bowl ng soup.

“Hindi na, okay na ako doon sa kape at soup. Grabe ngayon ko lang nalaman na masarap din pala kapares ang kape sa soup kahit parehas silang pang pa init sa katawan, I mean sa tiyan.” nasamid na saad ko.

Bahagya naman siyang napatawa sa sinabi ko at lumapit sa akin.

“May alam akong pang pa init lalo ng katawan.” naka ngising sambit niya.

“Sira ka talaga.” marahan ko naman siyang hinampas sa balikat.

“No, it's not what you think, pero kung yun ang gusto why not hahaha. But, what I mean is...”

Bigla naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Feel better?” he asked.

Nakaramdam naman ako ng init sa katawan dahil sa mga yakap niya.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon