CHAPTER 13

1.1K 38 0
                                    

— CHAPTER 13 —

» RENZO'S POV «

"Mom, ayoko na po mag aral ulit." saad ko kay Mommy.

"Anak, sayang ang opportunity mo na maging CEO ng company natin balang araw." sagot naman niya.

Pagkapasok namin ng bahay ni Rico ay agad na dumiretso ako sa kwarto ko, pero maya-maya lang ay pumasok si Mommy para makipag usap sa akin, at heto kaming dalawa ngayon nagtatalo.

"Mom, kung gusto talaga ni Dad na ipa-mana sa akin ang company ay pwede naman niyang gawin yun kahit hindi na ako mag aral pa." sagot ko pa.

"Pero anak mas maganda na yung nakapag tapos ka ng pag-aaral para alam mo na kung paano mag handle ng isang business pagdating ng araw." Dagdag pa niya.

"Okay fine, Mom. Pag-iisipan ko." saad ko na lamang.

"Sige anak maiwan na muna kita." Sambit niya at lumabas ng kwarto ko.

» AMBER'S POV «

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil gusto kong maglakad pa puntang school. Sakto naman dahil maganda ang panahon ngayon.

Pagkatapos kong mag almusal ay agad na naligo ako at hindi ko na inabala pa si Colton para magpahatid sa school dahil paniguradong sermon lamang aabutin ko sa kanya.

Pagkatapos kong mag paalam kay Momma ay agad na akong lumabas ng gate.

Habang naglalakad ako ay napadaan naman ako sa may court ng village at nakita ko ang Kuya ni Rico habang naglalaro ito ng basketball at mukhang kagagaling lang din niya sa pag jogging kaya naman nilapitan ko ito.

"Good morning." Naka ngiting bati ko sa kanya.

"Ahh ikaw pala hahaha. Good morning din." Naka ngiting ganting bati niya.

"Uhhmm itatanong ko lang sana si Rico. Gising na ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh hindi pa, tulog pa siya." sagot naman nito.

"Ahh ganon ba, sige papasok na ako."

Paalam ko naman sa kanya at tumalikod na ako para maglakad ulit.

"Uhmm Amber teka sandali." Tawag niya sa akin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Papasok ka na ba?" tanong niya.

"Oo, kasasabi ko lang di ba?" Pambabara ko naman sa sinabi niya.

"Ahh oo nga pala hahaha sorry. I-I m-mean is.. gusto mo ba ihatid na kita?" Presinta niya.

"Huh? Sa school ang punta ko eh, ihahatid mo pa din ako?"

Ewan ko ba pero parang ang b*bo ng tanong ko sa kanya.

"Uhmm yeah."

"Huh? Pero okay, sige hehehe."

"So, let’s go? Sandali lang uuwi muna ako ng bahay para magpalit at kukunin ko na din yung kotse ko. Hintayin mo na lang ako dito para hindi kana mapagod pa sa paglalakad." aniya pa.

"Sige. Hintayin na lang kita dito." saad ko naman.

Pagkatapos niyang itabi ang bola sa gilid ay agad din siyang umalis para magpalit ng damit.

» GAVIN'S POV «

Nandito kaming lahat ngayon sa studio room para ayusin ang mga gagamitin namin sa banda dahil magsisimula na kaming mag practice mamaya kahit kulang pa kami ng isa.

"Colton, ayos na ba lahat?" Tanong ni Nepthalie sa kanya.

"Ahh Oo, pwede na tayo mag practice mamaya." Sagot naman ni Colton.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon