CHAPTER 42

643 20 0
                                    

— CHAPTER 42 —

» AMBER'S POV «

“Ohh eto pa, paki-checkan na din.” utos sa amin ni Mrs. Zantua.

Araw ng intrams pero eto kaming dalawa ni Audrey panay ang check sa mga test paper na inexam namin nung nakaraang buwan pa.

Eto kasi si Ma’am Chihuahua sobrang tamad na teacher, ayan tuloy kami ang pinapahirapan niya. Tss!

Ang totoo nyan ay ako lang naman ang inutusan ng bwisit na teacher na ito na mag check ng mga quiz, exam at kung ano-ano pa. Buti na lamang ay nandyan si Audrey para tulungan ako. Kapag hindi ko alam ang gagawin ay nagpapa turo ako sa kanya. Hayss! Ang hirap talaga maging bobo.

“Teka Audrey.. ano na bang oras?” tanong ko sa kanya.

“Hmm malapit na mag 11:00am. Bakit?” Nagtatakang tanong niya sa’kin.

“Nakooo! Anong oras ang laro nila Colton?”

“Hmmm mamaya pang 1:00pm hanggang 3:00pm, kasi maglalaban-laban pa sila hanggang final.” sagot niya.

“Nako baka magsimula na sila maya maya.” ani ko naman.

“Oo nga, kaya dapat dalian na natin para makahabol pa tayo sa game nila.” aniya pa.

“ANONG DALIAN? HOY KAILANGAN NIYO PA I-RECORD YAN MGA CHINECKAN NINYO.” Sabat naman ni Mrs. Chihuahua sa pag uusap namin dalawa.

Hayss! Nakakabad trip naman ang teacher na ‘to. Trabaho naman niya ito pero sa amin pinapagawa.. hmmpf!

“Ma’am baka naman po pwede balikan na lang namin mamaya.” saad naman ni Audrey.

“Hindi pwede dahil ipapasa ko na yan mamaya sa principal office.” Sagot pa ni Mrs. Chihuahua.

Ewan, basta Mrs. Chihuahua na itatawag ko sa kanya dahil mukha naman siyang aso.  Tss. Nakakainis ang teacher na ‘to. Tsk! Tsk! Tsk!

Dinalian naman namin dalawa ang pag check. Si Audrey ang taga check habang ako naman ang taga record ng mga score para mas mapadali ang trabaho namin.

Ang galing ‘no? Yung iba nag e-enjoy manood ng iba’t ibang event habang kami ni Audrey nandito sa faculty room lang nag c-check. Peste talaga!

» STEVE'S POV «

Hanggang sa makalayo kaming dalawa ay malakas na itinulak niya ako palayo sa kanya.

“Tsk! Don’t touch me, may nalalaman ka pang girlfriend ng mukha mo.” Singhal niya sa’kin.

“Buti nga tinulungan pa kita, edi sana nasapak kana ng gago na yun. Tss!”

Masama na palang tumulong ngayon hahaha. Tsk!

“I don’t need your help, at isa pa kaya ko ang ang sarili ko.” Pagmamatigas niya.

“Talaga? Kaya pala tinitingnan mo lang silang dalawa kanina kahit malapit ka ng saktan ng gago na yun.” sambit ko pa.

“Ano bang pakialam mo, ha?” pa sigaw na tanong niya.

“Bakit kapag tutulong ba ang tao dapat kailangan may dahilan palagi? Tss!” katwiran ko naman.

“Oo. Angal ka?” aniya naman.

“Tss! Of course, l like you that’s why l cared for you.” dagdag ko pa.

“Then, let me tell you that l don’t need your help o kahit ano pa man galing sa’yo.”

Huling sabi niya at iniwan ako mag isa.

Hayss! Mga babae talaga kahit kailan hindi ko maintindihan minsan.

Tiningnan ko naman ang relo ko at 11am pa lang ng umaga kaya naman naglakad na ako pabalik ng court.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon