CHAPTER 70

690 17 1
                                    

— CHAPTER 70 —

» THALIA'S POV «

Habang nag lalakad ako papunta sa likudan ng school ay may napansin akong parang may sumusunod sa akin.

“Hindi ka pa din ba tapos sa kasusunod sa akin nang ilang araw? Tsk! You look like a dog hahaha.” sambit ko dito at lumabas ito mula sa likudan ng puno.

“Sino ka ba talaga at ano ang binabalak mong gawin?” aniya.

“Hahaha wala, tatambay lang ako dito ‘no.” natatawang saad ko kay Renzo.

Yes! I know na sinusundan niya ako, kahit nung mga nakaraan araw pa.

“Sabihin mo na lang ang binabalak mo.” tiim bagang na sambit niya.

“Ano bang sinasabi mo dyan?” nakaka lokong tanong ko dito.

Masyado siyang matalino para mahulaan agad ang binabalak kong gawin.

“Malakas ang pakiramdam kong may gagawin kang hindi maganda lalo na at balita na sa buong campus na bumalik na ang alaala ni Colton.” wika niya pa.

“So what? Tingin mo ba iiyak ako dahil lang sa iniwan ako ni Colton? Hahaha that's impossible.” mapang asar na sabi ko.

» RENZO'S POV «

Malakas ang pakiramdam kong may kinalaman ang babaeng ito kay Nepthalie. Halos parehas sila ng mga mata pati na din sa boses na halos magka tunog.

Nung una pa lang ay iba na talaga ang pakiramdam ko sa babaeng ito. Lalo na kung paano niya titigan ng masama si Amber mula sa malayo. Kung titingnan ay para lamang siyang normal na tumitingin sa tao, pero maya maya lamang ay mag iiba na ang ekspresyon ng mukha nito at bigla na lamang ngingiti.

Ngiting kahit kailan ay hindi mo gugustuhin makita.

“Isang tanong lang ang gusto kong malaman. Sino ka ba talaga?” ani ko, ngunit ngumiti lamang ito ng nakakaloko.

“Gusto mo talaga malaman kung sino ako? Hahaha.” naka ngising tanong niya sa akin.

“Oo, kaya sabihin mo na.” saad ko pa.

“Tutal makulit ka din naman, edi sasabihin ko na sa’yo. I’m Nepthalie’s older sister. Ano happy kana sa nalaman mo?” aniya pa.

“Anong pakay mo at bakit nandito ka?” seryosong tanong ko pa.

“Opss! One question only sabi mo, pero sige dahil mabait naman ako ay sasabihin ko na sa’yo.”

Maya maya lang ay lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa mga balikat habang nilalaro ang isang kamay sa mukha ko.

Muli itong nag salita!

“Bumalik ako dito para sa kapatid ko, dahil ipaghihiganti ko siya sa inyong lahat lalo na sa babaeng umagaw sa lalaking minahal ng kapatid ko. Namatay si Nepthalie dahil sa stress na idinulot ninyo sa kanya. Masyado siyang na depress at nagpakamatay, kaya gagawin ko ang lahat para sa kapatid ko at para na din sa hustisyang gusto niya mangyari.” galit na sambit nito.

“Kung ano man yan binabalak mo, itigil mo na dahil ikaw lang din ang magiging kawawa sa huli.” seryosong saad ko.

“Hmmm tingnan na lang natin hahaha. Goodluck sa inyo lahat.” maka hulugang sambit niya at iniwan ako.

Naiwan naman akong madaming katanungan na bumabagabag sa dibdib.

Kailangan namin mag ingat lahat lalo na si Amber, dahil siya ang pinaka puntirya nitong gantihan.

» AMBER'S POV «

Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay biglang dumating si Renzo na seryoso ang mga mukha.

Bigla naman akong napangiti ng makita ito.

Ilang araw din ang lumipas na hindi kami nagkausap dalawa dahil na din sa busy ako minsan.

“Oh Renzo, kumusta kana?” naka ngiting sambit ko dito pagka lapit niya sa akin.

“Kailangan natin mag usap.” seryoso pa din ang mukha niya kaya naman kahit nagtataka ay pumayag na lamang ako.

“Oh sige.”

Nang hawakan ni Renzo ang kamay ko ay may isa pang kamay ang humawak sa akin.

Napatingin naman ako dito at laking gulat ko ng makita si Colton na seryoso din ang mukha.

“Saan mo dadalhin si Engot?” tiim bagang na sambit ni Colton.

“Wala kana pakialam doon, dahil unang una pinag tabuyan mo na siya at ngayon ay nag fe-feeling concern ka sa kanya na akala mo ay asawa ka pa din niya.” galit na sambit ni Renzo dito.

‘Tama ang sinabi ni Renzo, pinag tabuyan na niya ako noon tapos heto na naman siya na para bang asawa pa din niya ako.’ galit na saad ko sa aking isipan.

Malakas na hinawi ko naman ang kamay ni Colton para mabitawan ako.

“Pwede ba huwag mo na akong pakialam pa dahil wala na din naman akong pakialam sa’yo. Hindi mo na ako asawa at hindi na din kita itinuturing na asawa. Sa papel na lang tayo mag asawa pero wala na akong pakialam pa doon kaya tigilan mo na ako at layuan mo na din ako.” malamig na sabi ko dito at ako na mismo ang humila kay Renzo palabas ng classroom.

Naiwan naman tulala si Colton at hindi na kami sinundan pa.

Napag pasiyahan namin sa labas na lang kumain ng tanghalian ni Renzo dahil lunch break naman namin ngayon.

Dinala naman niya ako sa isang maliit na kainan pero sobrang linis. Napansin kong walang masyado kumakain kaya naman tahimik ang nasabing lugar.

“O-order lang ako ng makakain natin.” ani Renzo sa akin.

“Sige.” sagot ko naman.

Mga ilang minuto lang ay bumalik din si Renzo at na upo sa tapat ko.

“Ano nga pala yung pag uusapan natin?” Pagbubukas ko ng usapan ng maalala ko ang sinabi niya kanina sa akin.

Hindi pa sine-serve ang pagkain namin kaya naman makikipag kwentuhan muna ako sa kanya.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Amber. Kailangan mong mag-ingat.” Walang mababakas na pagbibiro sa mukha niya at tanging seryoso lamang ito.

“Bakit naman? Hahaha.” kahit nagtataka ay nagawa ko pa din tumawa.

“Basta kailangan mong mag ingat at kung maaari ay palagi kitang kasama dahil ayokong mapahamak ka.” aniya pa.

Napangiti naman ako ng pilit at muling humarap sa kanya.

“Alam kong concern ka sa akin Renzo at nagpapa salamat ako na meron akong kaibigan na katulad mo na handang maging sandigan ko sa lahat oras, pero huwag mo na akong alalahanin pa dahil kaya ko na ang sarili ko at mas magiging matapang na ako simula ngayon.” naka ngiti ngunit seryoso din na sabi ko.

Napangiti na lamang siya sa sinabi ko, pero bakas sa mga mata niya ang lungkot.

“Basta pag kailangan mo ng tulong nandito lang ako palagi sa’yo.” aniya pa.

“Oo. Maraming salamat, Renzo.” naka ngiting sambit ko.

Maya maya lang ay dumating na din ang pagkain namin dalawa, kaya naman kumain na kami at pagkatapos ay bumalik na sa school dahil may pasok pa kaming dalawa.

— END OF CHAPTER 70 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon