CHAPTER 7

1.2K 37 0
                                    

— CHAPTER 7 —

» COLTON'S POV «

"WHAT? You mean bumalik na ulit si Tita?" Gulat na tanong ni Gavin sa akin.

"Oo, at pinabalik niya ako sa mansyon kasama si Engot. Tsk!" Dagdag ko pa.

"Paano ba yan Dude, wala ka ng takas dahil nandyan na ulit si Tita Calli hahahaha." Tumatawang pang aasar ni Steve sa akin.

"Ang nakakainis lang kasi.. naging close agad ni Mommy si Engot at mukhang gustong-gusto talaga niya si Engot para sa’kin. Hayss!" pag rereklamo ko pa.

"Edi ayos pala kung ganon." sambit naman ni Calvin.

"Anong ayos dun? Eh nakahanap ng kakampi ang Engot na yun. Tss!" Katwiran ko naman.

"Okay na din yun, kaysa naman sigaw-sigawan mo palagi yung asawa mo." Dagdag pa ni Calvin.

"Pre sa papel lang kami mag asawa hindi sa totoong buhay, dahil hindi ko naman mahal ang babaeng Engot na yun." Sagot ko pa.

"Edi mahalin mo din siya para fair pft hahaha. Hindi ba mga Bro?" naka ngising ani Gavin.

"Tama ka dyan Gav hahaha." gatong pa ni Steve.

"Tsk! Hell No." Inis na sambit ko.

» AMBER'S POV «

Araw ng lunes ngayon at hindi ako pumasok. Tanging si Colton lamang ang pumasok sa aming dalawa.

Nag-usap kasi kami ni Momma na tuturuan niya akong magluto at kanina pa kami nagsimula, pero puro kapalpakan lamang ang nagagawa ko.

Hindi talaga yata para sa akin ang pagluluto huhuhu.

"Baby hindi ba sinabi ko sa’yo na twenty minutes mo lang papakuluin ang karne dahil bata pa naman yung baboy kaya madali lamang siya pakuluan, hindi tatlong oras ang pagpapa kulo.. ayan tuloy na sunog na naman ang karne, pang tatlong beses na natin ito. Okay, ulitin natin ulit hangga’t hindi ka natututo hindi tayo titigil." saad sa akin ni Momma.

"Opo Momma, sorry po ulit." Pangatlong beses kong hinging paumanhin sa kanya.

"Okay, mag s-start ulit tayo." Aniya.

Hanggang sa abutin kami ng gabi ni Momma ay sa wakas na perfect ko din ang nilutong sinigang na baboy na itinuro niya.

"WOW MOMMA NA PERFECT KO NA PO." Masayang sambit ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin.

"Buti naman nakuha mo din hahaha. Jusko! Isang araw pala bago ka matuto magluto ng sinigang na baboy." Tumatawang sambit ni Momma.

"Oo nga po Momma, kahit isa palang po ang natutunan ko ay mabuti na din po ito at may natutunan ako mula sa inyo. Thank you po Momma." Masayang sabi ko.

"You’re welcome Baby. Next time pagba-bake naman ng cake ang ituturo ko sa’yo." aniya pa.

"Wow! Talaga po Momma?"

"Oo hahaha."

"Yeheeey! Excited na po ako Momma."

"Ako din baby."

» STEVE'S POV «

"Hi Darlin’.. wanna hangout with me?" Malanding tanong sa akin ng isang studyante.

Napansin ko ang suot niyang uniform at sa tingin ko ay nasa High school pa lamang siya.

Kagagaling ko lang ng cafeteria ng makasalubong ko siya sa hallway.

"No thanks! Wala ako sa mood ngayon." Sagot ko sa kanya.

Imbis na umalis ay humawak pa ito sa braso ko at ngumiti.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon