CHAPTER 28

895 28 1
                                    

— CHAPTER 28 —

» COLTON'S POV «

Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi ko pa din nakita si Engot.

“Ohh anak nandyan kana pala. Asan ang baby ko?” Agad na tanong sa akin ni Mommy pagka uwi ko ng bahay.

“M-Mommm... n-nawawala po si Engot.” Hindi maka tingin sambit ko.

“A-ANO? NAWAWALA ANG BABY KO? PAANONG NAWALA?” gulat na tanong niya.

Napatayo naman si Mommy sa sofa at tumingin sa akin.

Hindi naman ito makapaniwala sa mga narinig mula sa bibig ko.

“Y-Yes Mom. Nawawala si Engot, hindi ko alam kung saan siya pumunta.” Sagot ko pa.

“OHH NOOO! Kailangan natin agad i-report ito sa mga pulis baka napaano na ang baby ko.” Naiiyak na sambit ni Mommy.

Agad naman ipinatawag ni Mommy ang driver niya upang magtungo sa police station.

Hindi na ako nag atubili pang sumama dahil hahanapin kong mag isa si Engot.

Sumakay naman ako sa kotse at agad na pinaandar ito.

» AIMEE'S POV «

“Ohh ano, sinagot na ba niya yung tawag mo?”

Tanong ko naman kay Audrey habang kino-contact nito si Amber.

“Hindi pa eh. Nakapatay ang cellphone niya.” ani Audrey.

“Hayss! Anong gagawin natin?” nag aalang tanong ko.

“Bahala na, ang mahalaga mahanap natin siya.” sagot naman niya.

Malapit na mag alas-otso ng gabi at nandito pa din si Audrey sa bahay namin.

Ayaw pa kasi niyang umuwi dahil sabi niya ay hindi din siya mapapakali sa bahay nila kung hindi pa niya nasisiguradong ayos lang ang kalagayan ni Amber ngayon.

Jusko po, sana naman okay lang ang babaeng yun.

» CALVIN'S POV «

“Ano Vin nakita mo ba?”

Tanong sa akin ni Colton sa kabilang linya.

Tinawagan niya ako kanina para magpa tulong na hanapin si Amber.

“Hindi pa. Pumunta na din ako sa mga parke pero hindi ko siya nakita doon.” Sagot ko naman.

“Sige, salamat.” saad niya at agad na pinatayan ako ng tawag.

Naglakad na ako upang ipagpatuloy ang paghahanap kay Amber.

» COLTON'S POV «

Hayss! Engot asan kana ba?

Kanina ko pa siya kino-contact at tine-text pero nakapatay ang cellphone niya.

Sinbukukan ko naman tawagan ulit ito at sa wakas ay nag ring na din.

Maya-maya lamang ay sinagot din niya ang tawag ko sa kalagitnaan ng pagmamaheho ko.

“OHH THANKS TO GOD! Sinagot mo din ang tawag ko Engot. WHERE THE HELL ARE YOU? Kanina pa kita hinahanap?” Agad na sambit ko sa kanya.

“Hello. Sino ‘to?”

Sambit ng isang babae sa kabilang linya.

Tiningnan ko naman ang number na tinawagan ko dahil baka namali lang ako ng natawagan pero hindi, dahil pangalan ni Engot ang naka rehistro sa cellphone ko.

“I’m the husband of the owner of that phone. Kasama mo ba ang asawa ko?” Mahinahon na tanong ko dito.

“Ahh ganon ba, pasensya na kung nangialam na ako sa cellphone ni Amber. Nag-alala kasi ako na baka hinahanap na siya ng magulang niya kaya inopen ko ang phone niya. At oo nga pala, nandito siya sa condo unit ko pero tulog na siya. Huwag ka mag-alala maayos naman siya.” Sagot naman nito.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon