CHAPTER 31

791 27 0
                                    

— CHAPTER 31 —

» AUDREY'S POV «

Arggghhhh! Amby asan kana ba?

Kanina pa kami nandito ni Aimee sa backstage pero hanggang ngayon ay hindi pa din dumadating sila Colton.

“Hindi pa din sinasagot ni Amber ang mga tawag ko.” ani Aimee.

“Hayss! Anong gagawin natin? Malapit na magsimula, pero wala pa din sila.” kinakabahan saad ko.

“Pang ilan ba kayong mag p-perform?” Tanong ni Aimee sa akin.

“Pang lima kami.” Sagot ko naman.

Maya-maya lang ay umakyat na sa stage ang isang lalaki at inannouce na malapit na magsimula.

“Audrey, nandito na sila.” Sigaw naman ni Aimee.

Tiningnan ko naman sila Calvin na mukhang pagod na pagod.

“Ano, kamusta? Nahanap niyo na ba si Amber?” Tanong ko sa mga ito.

“H-Hindi e.” humihingal na sambit ni Gavin.

“Nako anong gagawin natin?” Hindi mapakaling tanong ko.

“Edi kung ganon si Colton lang ang magiging vocalist natin?” tanong naman ni Steve.

“Hmm.. mukhang ganon na nga.” sagot naman ni Calvin.

“Ayoko, hindi ako mag p-perform kung wala si Engot. Bahala na matalo, basta ako hahanapin ko siya.” sagot naman ni Colton.

At akmang tatalikod na sana si Colton para hanapin ulit si Amber ng biglang pumasok sa backstage si Renzo habang dala dala walang malay na si Amber.

Galit na galit na lumapit naman si Colton kay Renzo at kwenelyuhan ito.

“GAGO KA! ANONG GINAWA MO SA ASAWA KO?” Sambit ni Colton habang naka tingin kay Amber na walang malay.

“Tsk! Pwede ba bago mo ako suntukin alamin mo muna ang nangyari.” saad naman ni Renzo at wala man lang mababakas na kaba sa mukha nito.

“Tama siya Colton, hayaan muna natin siya makapag paliwanag, kumalma ka muna.” Sabat ko naman.

Inalis naman nito ang pagkakahawak kay Renzo at kinuha si Amber.

» AMBER'S POV «

Nagising naman ako sa ingay na nasa paligid ko.

Nakita ko sila Colton at Renzo na mukhang nagtatalo.

“A-Anong n-nangyari?” Tanong ko sa kanila.

Agad naman mga nag silapitan ang mga ito sa akin.

“Amber okay ka lang ba?” nag aalalang tanong ni Aimee sa akin.

“GUYS MALAPIT NA TAYO MAG PERFORM.”

Sigaw naman ni Gavin habang nakatingin sa ibang contestant na katatapos lang mag perform.

“Amby, kaya mo pa ba mag perform?” Tanong naman sa akin ni Audrey.

“Uhmm oo, kaya ko naman.” ani ko.

“Tsk! Wag na baka mapaano ka pa.” Tila inis na sabat ni Colton.

“Aalis na din ako, kayo ng bahala kay Amber.” Biglang saad naman ni Renzo at tumalikod na.

“Renzo sandali lang...”

Pigil ko dito.

Tumigil naman ito sa paglalakad at humarap sa akin.

“Bakit?” tanong niya.

“S-Salamat ulit.” sambit ko.

“Wala yun. Sige, alis na ako.” Naka ngiting sambit niya at tuluyan na itong naglakad palabas ng backstage.

Narinig naman namin nagsalita muli ang host na nasa stage.

“OKAY! FOR OUR NEXT GROUP NA MAG P-PERFORM ARE FROM SAEBOM UNIVERSITY. EXCITED NA BA KAYO? OKAY, HUWAG NA NATIN PATAGALIN PA DAHIL ETO NA ANG DREAM HIGH.” Malakas na sigaw ng lalaking nasa stage at bigla naman nag hiyawan ang mga manunuod.

Isa-isa naman kaming lumabas ng backstage at pumunta sa gitna ng stage.

Kahit medyo nahihilo ako dahil sa ipinaamoy sa akin kanina ng kurdapyang Nepthalie na yun ay buti na lamang ay keri ko pa din mag perform.

» COLTON'S POV «

Pagkatapos namin mag perform ay nakarinig naman kami ng malalakas na hiyawan ng mga tao.

“Kalma guys, kami lang ‘to.”

Dinig kong sambit ni Steve sa mga manunuod.

Gago na ‘to kahit kailan gwapong-gwapo sa pagmumukha niya. Tss!

Agad naman kaming bumaba ng stage at na gulat naman siya ng hilahin ko ang kamay niya palabas ng backstage.

Ipinaliwanag na sa amin ng gago na yun ang totoong nangyari at humanda sa akin ang babaeng yun dahil hindi ko na palalampasin ang ginawa niya sa asawa ko.

“Bakit mo ako dinala dito baka hinahanap na nila tayo?” tanong agad niya sa akin.

“Mamaya na tayo bumalik doon, may gusto lang ako itanong sa’yo.” saad ko naman.

“Ano ba yun? Dalian mo ah, baka hinahanap na nila tayo.” aniya pa.

“Bakit palagi na lang si Renzo ang kasama mo sa tuwing nawawala ka, may relasyon ba kayo?” Tiim bagang na tanong ko dito.

Imbis na sumagot ay humagalpak naman ito ng tawa.

“D*MN IT! WHAT’S FUNNY? Can’t you see, I’m fvcking jealous?” Galit na sigaw ko.

Maya-maya lang tumigil ito sa pagtawa at tumingin sa akin.

“SIRAULO KA BA? Kahit nga ako hindi ko din malaman na sa tuwing nasa panganib ako ay si Renzo yung nandyan palagi para iligtas ako.” Sagot naman niya.

Nakaramdam naman ako ng pagkainis sa sinabi niya.

“TSK! EDI DUN KANA SA GAGO NA YUN.” Inis na sambit ko at tinalikuran siya.

Narinig ko pa ang pagtawa niya ng malakas at pagkatapos ay hinabol ako.

“ANAK NG PESTE! KAMAG ANAK MO BA TALAGA SI ANGRY BIRD? PALAGING KANA LANG GALIT.” Sigaw nito.

“Tsk! Dun kana sa gagong yun.” kunwaring galit na saad ko.

“Alam mo ang cute mo pala mag selos HAHAHAHAHAHA.” Tumatawang sambit niya.

Tiningnan ko naman ito ng masama pero wala pa din epekto.

Napangisi naman ako at lumapit sa kanya at itinapat ang labi ko sa tenga niya.

“Isa pang tawa, gagahasain kita mismo dito sa labas ng araneta at wala akong pakialam kahit madami pang manuod sa atin.” Naka ngising bulong ko sa kanya na ikinapula ng mukha niya.

“Tse! Baliw, bahala ka nga dyan.”

Saad niya na hindi maka tingin sa akin at pumasok na ng loob.

— END OF CHAPTER 31 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon