CHAPTER 30

911 28 0
                                    

— CHAPTER 30 —

» AIMEE'S POV «

Pagkatapos ng klase ay nauna ng umuwi sa akin sila Amber habang ako naman ay nagpa iwan dahil may kailangan pa akong tapusin na assignment.

Hanggang 6:00pm lamang ang ibinigay sa akin na time ng Teacher ko sa isang subject para makagawa ng assignment.

Hayss! Nakakainis bakit pa kasi sa dami ng nakalimutan kong gawin kagabi ay ang assignment ko pa.

Buti pa sila Audrey tapos na huhuhu samantalang ako gagawa pa lang.

Sayang ang points ko dito kung hindi ako gagawa ng assignment at lalong ayokong bumaba ang grades ko.

Pumunta naman ako sa library para maghanap ng sagot.

Sabi kasi nila dito sila kumuha ng mga sagot sa libro kaya naman makikigaya na lang din ako hehehe.

Pagkatapos kong maghanap ng mga libro about science ay humanap ako ng mauupuan.

Medyo kukunti na lang din ang tao sa library at mukhang gumagawa din sila ng assignment.

Nagsimula na akong magbasa ng mga libro.

Maya-maya lang ay may biglang umupo na lalaki sa harapan ko.

Hindi ko man lang sinubukan tingnan ito dahil busy ako sa paghahanap ng sagot sa libro.

“Hayss! Bakit ang hirap maghanap ng sagot huhuhu.” Tila naiiyak ng sabi ko.

“Alam mo magiging madali lang yan kung seseryosohin mo ang pag-aaral.” Sambit naman ng lalaking nasa harapan ko.

Napaharap naman ako dito at tiningnan ito.

Laking gulat ko ng makita ko ang lalaking naka salamin na may mala seryosong mukha.

T-Teka s-siya yung?

Tama! Siya nga yung lalaking nagligtas sa akin nung nakaraan gabi.

“WAAAHHH! IKAW NGA.” malakas na bulalas ko.

“Sshhhhh! Hinaan mo ang boses mo, bawal ang maingay dito. Alalahanin mo nasa library ka, wala ka sa palengke.” ani nito.

Awtss! Napaka suplado naman ng lalaking ito, pero okay lang gwapo pa din naman siya hehehe.

Ano ba yan Aimee humaharot ka na naman tumigil ka nga sa kalandian mo.

“Thank you nga pal—”

“Nagpa salamat kana noon sa akin hindi ba? Bakit nagpapa salamat ka ulit?” Tanong nito.

“Uhmmm w-wala lang hehe.”

“Tss. Sige na, sagutan mo na yang assignment mo at umuwi kana din pagkatapos.” saad niya.

“Wow! Concern ka ba sa’kin? Hehehe.” naka ngiting pang aasar ko.

“Hindi.”

Mabilis na sagot nito.

“Siya nga pala, anong pangalan mo?” Tanong ko naman sa kanya.

“Ako ang President ng school tapos hindi mo ako kilala? Aisssh!” tila dismayadong saad niya.

“Hala! Ikaw ba? Sorry ka tra-transfer ko pa lang kasi dito eh.” turan ko naman.

“It’s okay. I’m Felix.” pa kilala nito.

“Ahh ako nga pala si Aimee hehe.”

“Ge alis na ako, tapusin mo na yang ginagawa mo dahil magsasara na ang library.” sambit pa niya.

“Sige hehehe.”

» AMBER'S POV «

Lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang competition.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon