CHAPTER 44

640 19 1
                                    

— CHAPTER 44 —

» COLTON'S POV «

“Hoy Engot gumising kana dyan may pasok pa tayo.” Sigaw ko dito.

Mag aalas otso na ng umaga at dahil napadami ang inom namin kagabi ay tinanghali kami ng gising.

“Hmmm.. o-oo n-na. Anong oras na ba?” Tanong nito habang kinukusot-kusot ang mga mata.

Hayss! Kahit kailan talaga may pagka isip bata ang Engot na ‘to.

“Alas otso na ng umaga kaya dalian mo na, late na tayo sa first subject natin.” sagot ko naman sa kanya.

“Nako patay.. sige maliligo na ako.”

Dali dali naman itong pumasok ng cr para maligo. Agad naman akong lumabas ng kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko para maligo na din.

» CALVIN'S POV «

Maaga akong gumising dahil susunduin ko pa si Audrey sa bahay nila ngayon.

Pagkatapos kong magbihis ng uniform ay agad na lumabas ako ng bahay at tumungo sa garahe.

“Ingat ka sa pagmamaneho iho.” Dinig ko pang sigaw ni Lola mula sa terrace.

“Yes La.”

Sumakay naman ako sa kotse ko at agad na pinaandar ito.

» AUDREY'S POV «

Inutusan muna ako ni Mommy na diligan ang mga halaman niya ng mapansin ko si Calvin sa labas ng bahay habang naka sandal ito sa kanyang kotse.

“Ohh anong ginagawa mo dito?”  agad na tanong ko dito.

“Susunduin ka.” Naka ngiting sagot niya.

“Woah! Ang cool natin ngayon ah.” Bati ko sa kanya.

“Because, l’m cooler than hell hahaha.” Pagbibiro nito.

Hmmm.. Ano connect?

“Tama na pagjo-joke hahaha. Teka sandali, maliligo muna ako. Halika, pasok ka muna.” Yaya ko naman sa kanya at pinag buksan ito ng gate.

Pagkapasok sa loob ay nadatnan naman namin si Mommy na umiinom ng cha-a.

“Good morning Tita Aubrey.” bati ni Calvin kay Mommy.

“Ohh iho, ang aga mo ata ngayon.” Bati ni Mommy dito.

“Susunduin ko po kasi si Audrey e hehehe.” sagot ni Calvin.

“Ah ganon ba. Oh sige maupo ka muna dito habang hinihintay siya.” Dagdag pa ni Mommy.

Pinakilala ko na si Calvin kay Mommy nung araw na pumunta ito dito. Nung una ay hindi pa niya mamukhaan si Calvin dahil mga bata pa kami noong huli niya itong makita at ngayon ay malaki na ang pinagbago niya.

Habang busy sila sa pag kwe-kwentuhan ay dumiretso na ako ng cr para maligo.

» RENZO'S POV «

“RENZOOOOO!”

Walang emosyon na tumingin naman ako sa likudan ko.

Saktong papasok na ako sa gate ng school nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

“Yes? Do l know you, Miss?” Walang emosyon na tanong ko dito.

“Hmmm not yet but, l’m flo—”

“Tsk! The hell l care.” malamig na sagot ko.

“Ay suplado.” Dinig kong saad ng isang kasamahan niya.

“Classmate mo sina Zaria Amber Taylor and Audrey Park, right?” Tanong nito sa akin.

“Why did you ask?” I asked her too.

“Pwede pakisabi lumabas muna sandali, gusto ko sila makausap e.” Mataray na sabi nito.

Napatingin naman ako sa mga kasamahan niyang nakangisi.

Tss!

“Ikaw ang may kailangan bakit hindi ikaw ang tumawag?” sarkastikong sambit ko naman.

Napansin ko naman ang pagkainis sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.

“Gusto mo bang masaktan, ha?” Maangas na saad pa ng isa niyang kasamahan na nasa gilid.

“Tss! Go ahead.” walang alinlangan na sagot ko.

“Ahh ganon ah.”

Akmang lalapit na ito sa akin ng biglang humarang ang babaeng tumawag sa akin kanina.

“Stop it, Poly.” suway nito.

“Eh gago kasi ang isang ito e, masyadong mayabang.” pa asik na sabi nito.

“Alam mo miss maganda ka sana e...”

“Alam kong maganda na ako. Tsk!” mabilis na sagot niya.

“Kung hindi ka lang naging aso.” dagdag ko pa na ikinainis niya lalo.

“Tarantado kang lalaki ka ah.”

Umuusok sa galit na iniwan ko naman ang mga ito sa gate at pumasok na.

Tsk! Mga kababaeng tao mga barumbado.

» AMBER'S POV «

Pagkadating namin ng classroom ay saktong si Mrs. Chihuahua na ang teacher namin.

“MR. AND MRS HWANG! BAKIT LATE KAYO? LALO KANA MRS. HWANG HINDI BA’T WINARNINGAN NA KITA NUNG NAKARAAN?” Pagalit na sigaw nito.

“Stop shouting to my wife Mrs. Zantua, baka maging bingi yan madamay pa ang magiging anak namin. Mas maiging engot na lang huwag mo ng dagdagan pa, baka pag nagkataon mas lalo lamang ako mahirapan intindihin sila. Tsk!” Sambit naman ni Colton na hindi ko malaman kong panlalait ba yung sinabi niya.

Humagalpak naman ng tawa ang buong klase na siyang ikinainis lalo ni Mrs. Chihuahua.

“Bakit Mr. Hwang.. buntis ba ang asawa mo?” Tanong pa ni Mrs. Chihuahua sa kanya.

Itong teacher na ito napaka chismosa.

“Hindi, bubuntisin ko pa lang.”

Walang gatol na sagot ni Colton na siyang ikinalaki ng mga mata ko.

Malakas na hinampas ko naman siya sa balikat habang pinanlalakihan ito ng mga mata.

“Ouchhh!” Reklamo nito.

“Siraulo ka talagang lalaki ka. Ano ba yang mga pinagsasabi mo, ha?” Singhal ko dito.

“WHATTT? Ano naman masama sa sinabi ko? At tsaka isa pa, asawa mo naman ako ah.” Turan pa nito na hindi man lang nahiya sa sinabi niya.

Kung sabagay wala naman hiya ang lalaking ito e.

“ARGGGHHHH! KAYONG DALAWA! Sumama kayo sa akin sa Principal's office para mabigyan kayo ng detention puro kayo HAROT.” Malakas na sigaw ni Mrs. Chihuahua sa amin dalawa.

Ma’am bitter ka?

Siguro broken ito si Ma’am o di kaya naglilihi, palagi na lang galit e.

Na late lang kami sa klase niya may pa detention na agad sya. Tss!

Wala naman kaming nagawa ni Colton kaya naman sumunod na lang kami sa kanya.

— END OF CHAPTER 44 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon