CHAPTER 55

927 20 0
                                    

— CHAPTER 55 —

» CALVIN'S POV «

“Okay class, pumunta na kayo ngayon sa field para makapag simula na tayo. Make it sure na lahat kayo ay naka P.E ng uniform dahil magkaka minus five ang sino man ang may miyembro sa inyo na hindi naka uniform.”

Bigla naman nag ingay ang buong klase ng marinig nito ang minus five na sinabi ng prof. namin.

Katatapos lang namin bumuo ng grupo para sa activity na gagawin namin mamaya sa field.

“Aimee may extra P.E pants kapa ba?”

I heard Audrey ask Aimee.

“Wala na e. Bakit nasaan ba ang P.E pants mo?” Aimee asked her.

“Eh nalimutan ko dalhin e.” kakamot kamot na sagot nito.

Naglakad naman ako sa kinaroroonan nila at ibinigay sa kanya ang P.E pants na hindi ko pa nagagamit.

“Here.. use this.” sambit ko.

“T-Teka p-paano ka?”

“Hindi na ako papasok may kailangan pa kami gawin. Sige, aalis na kami.”

Saad ko at hinila ang kwelyo ng uniform ng dalawang ugok na kuntento lamang sa pagkakaupo habang nag c-cellphone.

“H-Hoy t-teka C-Calvin, saan tayo pupunta?” Tanong ni Gavin sa akin.

“K—K*NGINAAAAA... N-Natitiik a-ako a-ackkkk..”

Reklamo ng dalawang ugok ngunit hindi ko na lamang pinansin ang mga ito hanggang sa makalabas kami ng classroom ay saka ko lamang inalis ang kamay ko sa mga kwelyo ng uniform nila.

» AMBER'S POV «

“Okay, pagkatapos ninyong tumakbo ay kailangan ninyong ipasa sa kasamahan ninyo ang hawak niyo flag... blahhhh.... blahhhh.... blahhhh....”

Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng prof. namin sa unahan habang nagsasalita ito, dahil natuon ang pansin ko sa dalawang taong nasa may unahan ng pila.

Ewan ko ba sa tuwing makikita ko silang dalawa na magkasama ay hindi ko pa din maiwasan ang hindi magselos. Gusto ko na siyang kalimutan pero ayaw pa din ng puso ko dahil siya pa din ang ipinipintig nito.

Hanggang sa magsimula ang pagtakbo ng bawat grupo ay hindi pa din maalis sa isip ko silang dalawa. Hindi ako makapag focus masyado dahil hindi sila mawala sa isipan ko.

“AMBY MALAPIT NA SA’YO IPASA ANG FLAG.”

Dinig kong sigaw ni Audrey sa akin na katabi ko lamang na may agwat lamang ng isang dipang haba ng kamay ang layo niya sa akin.

Magkaiba kasi kami ng grupo at siya ang makakalaban ko.

Nang maipasa na sa akin ang flag ay mabilis na tumakbo ako at saktong ipapasa ko ang flag sa girlfriend ni Colton.

Malayo pa lang ay kita ko na sa mga mata nito ang pagkainip ngunit nakangiti pa din ito sa akin habang papalapit ako.

Ilang hakbang na lamang ng paa ko mula sa kanya ng biglang matisod ako sa isang matigas na bagay na nasa damuhan.

*BLAAAAAAGGGGGGGGGGG*

“AMBYYYYYYYYY”

“AMBERRRRRRR!!!”

Hayss! Bakit ngayon pa ako nadap? Nakakainis naman huhuhuhu. Ang sakit tuloy ng paa ko dahil sa matigas na bagay na tumama.

Naramdaman ko naman ang paglapit sa akin ng isang manikang babae habang nakangiti ito sa akin.

Grabe sobrang ganda niya talaga, walang wala akong panama sa kanya huhuhuhuhu.

Marahan nitong inilahad sa akin ang kamay niya upang tulungan ako makatayo.

Agad na inabot ko naman ang kamay niya dahil hindi ko din talaga kaya makatayo mag-isa kung walang tulong niya.

“Ayos ka lang ba?” Naka ngiting tanong niya sa akin.

“U-Uhmmm oo. Salamat pala.” Ani ko.

“Wala yun Amber..”

“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

Hindi ko pa siya kilala at hindi pa din ako sa kanya nakakapag pa kilala.

Bigla naman siyang nag iwas ng tingin at sabay ngumiti.

“U-Uhmmm narinig ko kasi kanina na tinawag ka nilang Amber hehehehe. By the way, l’m Thalia.” pakilala niya.

“Ahhh ganon ba hehehe... t-teka p-paano yung flag baka matalo tayo. Hayss! Kasalanan ko ‘to e. Sorry talaga huhuhuhu.”  pa umanhin ko.

“Huwag ka mag sorry ang mahalaga hindi napatama sa bato ang ulo mo. Ano masakit pa ba ang paa mo? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic para mapagamot natin yan?” ani pa niya.

“Ahh hindi na ayos lang ako. Salamat ul—”

“YOUUUUU!”

Nagulat naman kaming dalawa sa pagsigaw ni Colton ng malakas habang papalapit sa kinaroroonan namin dalawa.

Galit na galit ito habang nakatingin sa akin.

“YOU’RE SO STUPID. Kasalanan mo ito kung bakit tayo natalo.” Singhal niya habang tiim bagang na nakatingin sa akin ng matalim.

“BABYYYYY! Calm down.” Pagpapakalma ni Thalia sa kanya.

“NO BABYYYYY! KUNG HINDI DAHIL SA TANGA BABAENG YAN HINDI TAYO MATATALO. EDI MABABA ANG GRADES NATIN SA FIRST ACTIVITY NATIN NGAYON. TSK!”  Singhal ni Colton sa akin.

Napaluha naman ako sa sinabi niya. Sa dami ng pwedeng matandaan ni Colton, yun pa talagang makakasakit sa damdamin ko.. yung sabihan niya ako ng tanga.

Noon pa lang palagi na niya akong sinasabihan ng tanga at hindi ko aakalain na pati hanggang ngayon ay ganon pa din ang tingin niya sa akin.

Lumapit naman ako sa kanya habang umiiyak.

“S-SORRY! SORRY HUH! Sorry sa pagiging tanga ko na kahit anong gawin ko tanga pa din ako sa paningin mo. Pasensya kana ha, ito lang kase ako at hindi ko kayang pantayan ang ibang babae na ubod ng talino at kasing ganda nila. KAYA SORRY KUNG NAPAKA TANGA AT BOBO KONG TAO. Oh ano, okay kana? Masaya kana ba? Ayos na ba yun sa’yo?” sunod sunod na tanong ko habang umiiyak.

Bigla naman nagbago ang expression ng mukha niya at naging blanko ito.

“ANONG NANGYAYARI DITO HA?”

Bigla naman lumapit sa amin ang prof. namin ngunit ni isa ay walang nagsalita kaya naman mabilis na tumalikod ako para tumakbo.

Eto naman yung palagi kong ginagawa e, kung hindi ang tumakbo sa lahat ng sakit na ipinaparamdam niya sa akin. Wala akong ibang maisip na solusyon na gawin kung hindi ang takasan ang lahat ng ito.

» GAVIN'S POV «

“Ohh ano nakita niyo ba phone ni Colton?” Tanong ko sa kanila.

“Hindi e.” ani Steve.

“Psh! May pa sabi sabi ka pang nalalaman na ‘Trust me like a condom’ amp wala ka din naman palang utak.” ani ko dito.

“Gago ka ba? Eh sa wala nga dito sa locker niya yung phone niya.” Turan pa niya.

Nandito kaming tatlo ngayon sa loob ng classroom habang hinahalungkat ang mga gamit ni Colton sa loob ng locker niya.

Kung minamalas ka nga naman dahil wala dito ang phone niya at mukhang dala-dala din niya hanggang sa field.

“Hayss! Tara na nga lang sa field para magka grades pa tayo sa activity. Wala naman tayong napala e.” ani Calvin.

Agad na lumabas naman kaming tatlo ng classroom upang magtungo sa field.

— END OF CHAPTER 55 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon