CHAPTER 14

1.1K 38 0
                                    

— CHAPTER 14 —

» COLTON'S POV «

Pagkatapos ng klase ay agad na dumiretso kaming lahat sa studio room para mag practice.

"Paano yan, wala pa tayong girl guitarist?" Tanong naman sa akin ni Gavin.

"Sa ngayon si Calvin muna ang magiging guitarist natin kahit wala pa siyang ka partner at kami naman dalawa sa vocalist ni Nepthalie." Sagot ko naman.

"Sige, mag start na tayo para wala tayong masayang na oras." ani Calvin.

"Teka sandali, papalitan pa ba natin ang dating name ng banda ninyo?" Tanong naman ni Nepthalie.

"Hmmm.. saka na natin pag-isipan yan, mag practice na muna tayo." ani ko naman.

"Sige."

» CALVIN'S POV «

Agad na ini-strum ko naman ang gitara ko at ganon din sila.

Si Steve ang drummer ng banda at piano naman kay Gavin. Sina Nepthalie at Colton naman ang vocalist habang ako ang guitarist ng banda.

Nag simula na kaming mag practice at sa kalagitnaan ng pag pra-practice ay bigla naman pumiyok si Nepthalie at hindi nito na abot ang mataas na nota.

"U-Uhmm.. s-sorry medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon e." Saad naman nito.

"Sige, mabuti pa magpahinga ka muna." ani Colton dito.

"Sige, salamat." –Nepthalie

Kanina ko pa napapansin na masyadong malagong ang boses ni Nepthalie at sa tingin ko din ay mukhang hindi talaga niya kakayanin ang high notes ng kanta. Hindi nga ako nagka mali dahil sumablay siya.

» AUDREY'S POV «

Kinabukasan ay pansin ko ang pagka masayahin ni Amber.

Grabe ang bilis talaga magbago ng mood nito, kahapon lamang ay bad mood siya sa nangyari tapos ngayon naman ay masaya ulit siya.

Sana all na lang pabago-bago ang mood, may pagka loka loka din talaga ang babaeng ito eh.

"Mukhang masaya ka ata ngayon." usisa ko dito.

"Oo, kasi naman ipinasundo ni Momma sila Mama sa probinsya kaya naman nagkaroon kaming ng oras para makapag bonding kagabi hehehe." Masayang tugon nito sa akin.

"Ahh ganon ba. S’ya nga pala may sasabihin ako sa’yo." pagbabago ko ng usapan.

"Ano yun?"

"Absent tayo mamayang hapon. Ano game ka?" tanong ko sa kanya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Basta, promise excited ang gagawin natin mamaya, akong bahala sa’yo." Saad ko pa.

"Oh sige mukhang excited nga yan hahaha." naka ngiting sagot naman ni Amber.

» AMBER'S POV «

Pagkatapos ng klase namin sa umaga ay agad na lumabas kami ng classroom ni Audrey.

Pagkalabas namin ng gate ay napansin agad namin dalawa ni Audrey ang grupo ng mga kababaihan sa may gilid ng kalsada, habang may pinagtutulungan ang mga ito na isang studyante na wala man lang kalaban laban.

Iba ang school uniform ng mga ito habang yung babaeng binubully nila ay ka uniform din namin.

Lumapit naman kami ni Audrey sa kanila at napansin ko doon sa babaeng studyante na kinukutya nila ito, at kita ang takot sa mga mata nito habang mahigpit ang pagkaka-hawak sa bag niya.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon