CHAPTER 5

1.4K 40 0
                                    

— CHAPTER 5 —

» AMBER'S POV «

Mag iisang linggo na ako dito sa school pero kahit isa ay wala pa din akong nagiging kaibigan.

Hayss! Ayaw ba nila sa’kin? Mabait naman ako ah.

Naglalakad na ako ngayon palabas ng gate dahil uwian na namin.

Nagpalinga-linga naman ako sa labas dahil nagbabaka sakaling makita ko si Colton.

Hayss! Nasaan na ba ang lalaking yun? Huhuhu.

Ayoko maglakad pa uwi huhuhu. Naubos ko  na kasi yung baon na ibinigay sa akin ni Colton kanina.

Mukhang malayo pa naman ang bahay mula dito sa school.

Bigla naman nag ring ang cellphone ko kaya naman agad na sinagot ko ito.

"FVCK! NASAAN KANA BANG LUPALOP NG MUNDO NA ENGOT KA?"

Agad na bungad sa akin ni Colton.

Grabe talaga ang asawa kong ito walang pakundangan ang bibig daig pa ang babae.

"Bakit ngayon ka lang tumawag? Kanina pa ako nandito sa labas ng gate eh huhuhu." Pagmamaktol ko naman.

"Hindi ba sinabi ko naman sa’yo na hintayin mo ako sa parking lot, hindi sa labas ng gate. Engot ka talaga!" pa asik na saad nito sa akin sa kabilang linya.

"Oo na, papunta na po dyan Boss."

Akmang tatakbo na sana ako pa puntang parking lot ng biglang magsalita ulit siya sa kabilang linya.

"Tsk! Wag na, ako na lang ang pupunta dyan." Saad nito.

"Yehey! Ang bait naman ng asawa ko hehehe." Paglalambing ko sa kanya.

"Tsk! Stop flirting me, Engot. Hindi mo ako madadala dyan." Ani pa nito at agad na pinatayan ako ng cellphone.

Ay bastos!

Ewan ko ba kahit palagi siyang nabwi-bwisit sa akin ay natutuwa pa din akong asarin siya.

» COLTON'S POV «

Pagkalabas ko ng school ay napansin ko agad si Engot na naghihintay sa akin sa waiting shed.

Inihinto ko naman ang kotse sa mismong harapan niya.

Agad naman itong ngumiti sa akin habang papasok sa loob ng kotse.

Ngayon ko lamang napansin ang hawak niyang cellphone.

WTF! KEYPAD?

"Bakit ganyan ang brand ng phone mo? Napag iiwanan kana ba ng panahon? Tsk!" Usisa ko habang nakatingin sa cellphone niya.

"Huh? Eh cellphone ko naman ito, pakialam mo ba? Kung naiinggit ka gumaya kana lang." Sagot naman niya.

"Tsk! Let's buy a new phone, hindi yung keypad. Asawa ka pa man din ng isang ‘HWANG’ tapos ganyan ang cellphone mo. Arghhh!" ani ko pa.

"Bakit ayos naman yung cellphone ko ah? Natatawagan pa at wala naman sira, kaya bakit pa tayo bibili ng bago?" Pakikipag talo niya sa akin.

"Hayss! Basta bibili tayo ng bago at ayokong makikitang gamit mo pa ulit yan." saad ko sa kanya.

» AMBER'S POV «

Dinala naman niya ako sa mall at agad na nagtungo kami sa mamahaling mga cellphone.

Wow! Sobrang laki naman ng mall na ito at sobrang ganda pa.

"Uhmmm Miss, pakilabas nga yung pinaka bago ninyong brand ng cellphone." Saad naman ni Colton sa sales lady.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon