CHAPTER 34

789 26 0
                                    

— CHAPTER 34 —

» STEVE'S POV «

Papasok na sana ako sa loob ng school nang may makita naman akong isang maganda babae sa labas ng gate habang nakatayo.

Napangisi naman ako sa aking naisipan at lumapit dito.

“Hi Miss! Newbie here?” I asked her.

Imbis na sagutin ako ay nilampasan lamang ako nito na parang hangin lamang ako sa paningin niya.

Suplada!

Hayss! Badtrip naman oh.

Kahit kailan wala pang nag sungit sa akin maliban sa baliw na Nepthalie na yun, pero ang isang ito iba siya. Parang wala talaga siyang balak na kausapin ako.

Agad na hinabol ko ito at saktong nasa hallway pa lamang siya ng harangin ko ang dadaanan nito.

“Hi I’m Stev—”

“Did l ask your name?” Mataray na tanong nito.

“Uhmmm.. no.” mabilis na tugon ko.

“Then leave, you’re blocking my way.” Supladang sambit pa nito.

Umalis na ako sa dadaanan niya at hinayaan na itong makaalis.

Hmm suplada. Wag kang mag-alala maiinlove ka din sa’kin.

Badtrip naman akong pumasok ng classroom.

» AMBER'S POV «

Pagkatapos ng isang subject namin ay humiga muna ako sa desk ko.

Habang nakahiga ako ay bigla naman dumating ang Teacher namin at inanunsyo na may bago kaming ka klase.

Ganon na lang ang pagkagulat ko ng makita ko sa harapan ang pinsan ni Renzo, mababakas na agad sa mukha nito ang pagka iritable.

“Magpa kilala kana sa kanila Ms. Yu.” Saad ng Teacher namin sa kanya.

Humarap naman ito sa amin at ngumiti lamang ng tipid.

Hindi na ako magtataka kung pinsan nga talaga siya ni Renzo hahaha.

“Hi! I’m Jenelyn Yu cousin of Renzo Yu and l’m from states. I hate people when they’ll going to disturbed me every time I study. So please respect me. Then, I will respect you too. That’s all. Thank you!” aniya sa malamig na tono na mukhang badtrip dahil sa mga noo niyang nakakunot.

Sari-saring komento naman ng mga ka klase ko ang namuno sa loob ng classroom.

“Ay englisherist mga ‘te.”

“Kaya pala englishera dahil galing sa states nagpa lamig muna doon ng ilang taon hahaha.”

Malakas na nagtawanan naman ang mga ka klase namin.

“It’s better to shut up your mouth than to speak, Miss. Dahil mas mabaho pa sa bunganga mo yang mga pinagsasabi mo.” Hindi naman nagpapa talong sabi niya sa isang ka klase namin.

“Tama na yan class, and Ms. Yu maupo kana lamang sa tabi ng pinsan mo.” Sabat ng Teacher namin.

Umupo naman siya sa tabi ni Renzo pagkatapos niyang magpa kilala.

» JEN'S POV «

Napansin naman agad ni Renzo ang pagkainis sa mukha ko ng umupo ako sa tabi niya.

“Don’t mind them, masanay kana dapat sa kanila.” he seriously said.

“Arggghhh! Ganito ba talaga dito? They’re irritating. Tss!” Maarteng sagot ko sa kanya.

Napatawa naman ito sa sinabi ko at hindi na muli umimik pa.

» CALVIN'S POV «

“So, how’s your day?” I asked her.

“Okay lang naman, ka uuwi lang namin nila Amber galing sa restobar nila Mr. Han.” Sagot niya sa kabilang linya.

Wala akong magawa kanina kaya naman na isipan ko siyang tawagan.

“Why do you need to work? Hindi mo naman kailangan ng pera hindi ba?” tanong ko sa kanya.

“Yeah. But you know that my passion is music, right?”

“Oh l see. By the way, kumain kana?”

“Uhmmm.. not yet.”

“Sige kumain kana muna. See you tomorrow.”

“Sige.”

» AIMEE'S POV «

Nagmamadali akong pumasok ng school dahil late na ako.

Nakakainis! Bakit kasi hindi ako makatulog kagabi eh, peste ayan tuloy napuyat pa ako.

“Mukhang nagmamadali ka ata Ms. Aimee.” sambit ng isang pamilyar na boses.

Napaharap ako dito at tiningnan ito.

“Ahh oo, late na kas—bruuuhhhh.”

Narinig ko naman ang tunog ng tiyan ko.

Napatingin naman siya sa akin at tumawa ng bahagya.

“Mukhang nag rereklamo na yang nasa loob ng tiyan mo hahaha. Come on, let’s eat.”

Nagulat naman ako ng hilahin niya ang kamay ko ngunit agad na inawat ko ito.

“T-Teka s-sandali may klase pa kasi ako eh, baka malate na ako.” Alanganin saad ko.

“Don’t worry, kilala ko ang Teacher niyo ngayon at ako ng bahala sa’yo. Ang mahalaga makakain ka muna dahil hindi maganda sa katawan na walang laman ang tiyan.” Sambit pa niya.

Nag padala na lamang ako sa kanya dahil gutom na gutom na din ako.

— END OF CHAPTER 34 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon