CHAPTER 8

1.1K 39 1
                                    

— CHAPTER 8 —

» AUDREY'S POV «

Pagka dating namin sa classroom ay naabutan namin na nagsisimula na mag lesson si Ma’am.

"Why are you two late? Hindi ba at kanina pa ang time?" Tanong nito sa amin habang nakataasan ang mga kilay.

"I-I’m sorry po Ma’am, hindi na po mauulit." sagot ko naman.

"Mabuti kung ganon dahil parehas pa naman kayong transfery tapos late agad kayo. First warning niyo na ito, at susunod na malate ulit kayo ay may punishment na kayo." ani Ma’am

"Opo Ma’am." Sabay namin sagot ni Amber.

Agad naman kaming pumasok dalawa sa classroom at napansin ko agad ang isang lalaki sa may likudan na nakatingin sa akin.

Hindi ko na lamang ito pinansin at agad na umupo ako sa upuan ko at ganon din si Amber.

» COLTON'S POV «

"Balita ko magkakaroon daw ulit ng contest ang bawat school para sa magaganap na The Battle of the bands?" Sambit naman ni Steve.

"Yeah.. and tayo na naman ang gusto nilang ilaban ulit." Sagot naman ni Calvin.

"Teka nga, hindi ba at tayo ang nanalong banda last year? So, bakit pa nila tayo kukunin ulit at saka wala na ang vocalist natin na si Nikko." Sagot naman ni Gavin.

"Dahil tayo ulit ang binoto ng buong campus para ilaban ulit at saka kailangan din natin maghanap ng pwedeng maging female vocalist dahil yun ang napag desisyonan ng President at Vice President ng school natin." Sagot ko naman.

"At hindi lang yan, dahil kailangan din natin ng isa pang babae na marunong mag gitara dahil magiging dalawa ang vocalist natin. Female and male at ganon din sa guitarist." Dagdag pa ni Calvin.

"Ahh so kung ganon, dalawang ang magiging vocalist at dalawa din sa guitarist. Female and Male?" Tanong ni Gavin.

"Ganun na nga, Dre." sagot ni Calvin.

Kanina pa kami ininform ni Calvin ng President ng school namin para sa banda na bubuuin ulit namin at kailangan namin humanap ng dalawang babaeng marunong kumanta at mag gitara para sa laban na magaganap bawat school at kami ulit ang napiling ipanlalaban kaya naman kailangan namin pagtuunan ito ng atensyon.

Last year kasi ay kami ang nanalo sa contest at lahat kami ay puro lalaki kaya naman naninibago kami ngayon dahil kailangan pa namin maghanap ng dalawa pang babae na pwede namin makasama sa banda.

"Kailan ba ang pa contest?" Tanong ni Steve.

"Next month pa." Sagot ko naman.

"So, may isang buwan pa tayo para makapag practice at makahanap ng dalawang babae na pwede natin isali sa banda." ani Calvin.

"Kung ganon, pwede na tayo mag start mamaya maghanap ng magiging vocalist at guitarist natin." saad ni Gavin.

"Yeah! Kaya ikaw Gavin and Steve gumawa na agad kayo ng form ngayon at ipamigay ninyo sa buong campus para sa mga gustong mag audition. At Calvin, ikaw na ang bahalang mag bukas ng studio mamaya para sa mga mag pe-perform." Utos ko sa tatlo.

"Sure." sambit ni Calvin.

"Okay, noted." sagot naman ni Gavin.

"Okay, copy." ani Steve.

"Hindi na muna tayo papasok ng hapon para maasikaso natin ang lahat ng dapat natin gawin, kakausapin ko muna si Mr. President para alam natin ang iba pang gagawin natin about sa banda at pagkatapos ay pupunta na agad ako sa studio ng school para ayusin ang mga gamit doon at ikaw Calvin paki-tingnan kung maayos pa ba yung mga microphone at speaker para makabili agad tayo ng bago kung sakaling sira na ang mga yun." sambit ko pa.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon