CHAPTER 60

2.2K 63 57
                                    


— CHAPTER 60 —

» COLTON'S POV «

It’s already in the middle of the night, at hanggang ngayon ay hindi pa din maalis sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ng lalaking sumuntok sa akin kanina sa parking lot.

Ano nga ba talaga ang nangyari sa nakaraan ko?

Sino ang mga taong yun?

Bakit nila ipinagpipilitan sa akin ang babaeng yun?

Sino ka nga ba talaga?

Sino sila?

Sino si Amber sa nakaraan ko at ano ang relasyon namin dalawa?

» RENZO'S POV «

Pagkagising ni Amber ay agad na inihatid ko ito sa inuupahan niyang maliit na boarding house at pagkatapos ay umuwi na din ako ng bahay dahil papasok pa ako ng school.

Palabas na ako ng gate nang bahay at katatapos ko lang maligo at nakasuot na din ako ng uniform ng may napansin akong isang babae na nakatayo sa harap ng dating bahay nila Colton.

Sandali pinagmasdan ko pa ito habang nakatayo.

She’s really familiar.

Napansin ko naman na mukhang paalis na ito pero agad na pinigilan ko ito.

“Uhmmm excuse me, Ma’am.”

“Bakit yun iho?”

“You’re familiar. Did we met before?” l asked her directly.

“Hmm siguro.. kami kasi yung dating nakatira dito.” she said.

“Uhmm wait... ikaw po ba yung Mommy ni Colton?”

“Oo, ako nga. How did you know, iho?”

“Eh kayo lang po ang alam kong dating tumira dyan. Pwede pa po ba ako magtanong kung hindi niyo po mamasamain?”

“Sure iho, you can ask me anything.” aniya.

“Salamat po. Pwede ko po ba malaman ang nangyari kay Colton two years ago?” diretsahan tanong ko pa.

“Uhmmm yun ba, iho. Naaksidente ang anak ko two years ago at sabi sa akin ng Doctor noon ay nagkaroon siya ng amnesia dahil nagkaroon ng gatak ang utak niya na dahilan para mawalan siya ng memorya. Hindi ko na inalam kung sino ba ang nakabangga sa anak ko noon dahil masyado akong naging busy sa States dahil kasabay noon ang pagkamatay ng Lolo ni Colton na siyang dahilan para mag stay kami ng ilang taon doon. Hindi ko na maka musta o makausap si Amber dahil sa sobrang busy ko noon at naisipan kong doon ko muna pag aralin si Colton habang hinihintay ko na bumalik ang alala niya, pero nabigla na lang ako ng isang araw may ipinakilala siya sa aking isang babae na Thalia ang pangalan. Hindi ko muna sa kanya isinabi ang tungkol kay Amber dahil inisip ko noon na masaya naman siyang kasama si Thalia at bilang ina niya gusto ko ay ang ikakasaya ng anak ko.”

“Pero hindi po ba’t mas maganda kong si Amber ang kasama niya ng mga panahon nasa ibang bansa kayo dahil mas malaki ang maitutulong ni Amber na bumalik ang alaala ni Colton kung siya ang nasa tabi nito?” suhestiyon ko naman.

“Yun ang pinaka malaking nagawa kong mali, dahil mas inisip ko noon ang kalagayan ng anak ko at hindi siya pwedeng ma stress at sa tingin ko naman noon ay masaya naman siyang kasama si Thalia kaya naman hinayaan ko muna siyang makasama si Thalia at hindi ko aakalain na tatagal silang dalawa. Napakalaki ng kasalanan ko sa baby Amber ko at sana mapatawad niya ako.” Malungkot na pag kwe-kwento nito.

“Kung ganon bakit niyo po ipinagbili ang bahay niyo?” Tanong ko pa.

“Nabaon kami sa utang noon dahil sa pagpapagamot sa Lolo ni Colton pati na din sa kanya at hindi ko na maasikaso ang kompanya namin na dahilan para unti-unti itong malugi kaya naman naisipan kong ipabenta muna ang bahay namin pero ngayon ay inaasikaso ko na ang lahat at unti-unti ko ng nababawi ang mga nalugi sa amin dahil ipinangako ko sa Lolo ni Colton na iaahon ko muli ang kompanya namin bago ito mamatay.” sagot pa niya na mababakas ang kalungkutan.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon