CHAPTER 10

1.2K 35 0
                                    

— CHAPTER 10 —

» COLTON'S POV «

Pagkalabas ng kwarto ni Engot ay bigla ko naman sinabunutan ang sarili ko.

Hayss! Bakit mo sinabi yun sa kanya, Colton?

Ano bang nangyayari sa akin ngayon?

Makalipas ang limang minuto ay napag pasiyahan ko ng maligo dahil may pasok pa ako.

Pagkatapos kong mag gayak ay agad na akong bumaba ng kwarto ko.

Hindi na ako nag atubili pang mag almusal dahil sa school na lamang ako kakain.

Nadatnan ko naman sila Engot at Mommy na katatapos lamang kumain.

Mukhang maaga ata umalis si Lolo dahil hindi ko na ito naabutan.

"Oh anak mabuti naman at bumaba ka na, halika at kumain kana dito ipaghahain na kita." saad ni Mommy sa akin.

"No thanks Mom." ani ko.

"U-Uhmm Momma maliligo na po muna ako." Paalam naman ni Engot.

"Oh sige anak." sagot naman ni Mommy kay Engot.

Mabilis na umakyat naman si Engot sa kwarto niya na para bang iniiwasan niya ako. Naiwan naman kaming dalawa sa ibaba ni Mommy.

"Sige, alis na ako Mom." Paalam ko naman.

Akmang hahalik na ako sa pisngi niya ngunit mabilis siyang umiwas.

"Hep hep hep! Hindi ka pwedeng umalis na hindi kasabay ang asawa mo." sambit ni Mommy sa akin.

"Mommm! Pwede mo naman ipahatid na lang si Engot sa driver natin, may kailangan pa akong asikasuhin sa school." Sagot ko naman.

"Hindi pwede, at saka bakit ba ayaw mo isabay ang asawa mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Hayss! May gagawin pa nga kasi kami nila Calvin, Mom." Sagot ko pa.

"Ohh siya, sige. Basta bukas ikaw na maghahatid sa kanya, ha?" Paninigurado niya.

"Okay, fine. Bye Mom!" Paalam ko.

Mabilis na humalik naman ako sa pisngi niya at agad ng lumabas ng bahay.

» AMBER'S POV «

Pagkatapos kong maligo ay humarap muna ako sa salamin.

Nako naman Amber. Bakit mo ba siya iniiwasan? Nag mukha ka na naman Engot sa paningin ng lalaking yun.

Pero yun naman talaga ang gusto niya eh, kaya tama lang yung ginawa mo kanina.

Nagtatalo naman ang mga isip ko at hindi alam ang gagawin, kaya naman nagbihis na ako ng uniform at pagkatapos ay bumaba na ng kwarto.

» CALVIN'S POV «

Nandito ako ngayon sa loob ng classroom at pinag iisipan ko pa kung aalukin ko ba siyang sumali sa banda namin.

Papayag kaya siya?

Hayss! Ang tanga mo talaga Calvin, pagkatapos mo siyang hindi pansinin nung isang araw ay heto ka ngayon at lalapit sa kanya para lamang alukin siyang sumali sa banda ninyo.

Pero kung hindi ko naman susubukan ay mag mumukha lamang akong duwag.

Tumayo naman ako sa pagkaka upo ko at lumapit sa upuan niya.

Agad na iniabot ko naman sa kanya ang form.

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"Alam kong matagal ka ng tumigil sa pag gigitara but, you can join us if you want."

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon