CHAPTER 40

706 24 0
                                    

— CHAPTER 40 —

“AMBER'S POV «

“I MISS YOU MOMMAAAAAA!”

“Hi Mom. Welcome back!” Ani Colton

Nasa kalagitnaan kami ng pagkakain ni Colton ng umagahan nang dumating si Momma galing sa business trip niya sa ibang bansa.

“Aww! I miss you too, baby.” Sabay yakap sa’kin ni Momma.

“Bakit natagalan po kayo Momma? Akala ko po ba one week lang po kayo doon?” tanong ko agad dito.

“Eh kasi baby madami pa akong inasikaso doon kaya medyo natagalan si Momma. By the way, kumusta pag aaral niyo?” Tanong ni Momma sa amin.

“Ayos naman Mom.” sagot ni Colton.

“Well, that’s good to hear.” ani Momma.

“S’ya nga pala Momma, kumain kana po ba? Halika po sumabay kana sa amin ni Colton.” Yaya ko sa kanya.

“Sure baby.” mabilis na sagot ni Momma at at tumabi sa akin.

» AIMEE'S POV «

Naglalakad na ako sa hallway ng makasalubong ko si Felix na mukhang nagmamadali.

“Good morning!” Bati ko sa kanya.

“Good morning din.”

“Mukhang nagmamadali ka ata.” Usisa ko habang nakatingin sa hawak niya.

“Ahh oo, ipapasa ko pa kasi kay coach yung mga name list na kasali sa basketball.” aniya.

“Ahh ganon ba. Sige, mauna kana.” ani ko.

“Okay. See you later, Aim.” Paalam niya at nauna ng maglakad sa akin.

» COLTON'S POV «

Pagkadating namin ni Engot sa school ay agad na nagpa alam ako sa kanya.

“Uhmmm.. Engot mauna kana pumunta sa classroom susunod na lang ako.”

“Bakit saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong niya sa akin.

“Ah nag chat kasi si Coach sa GC namin na pumunta muna kami sa gym dahil may mahalaga kaming pag-uusapan.” sagot ko.

“Ahh ganon ba, sige.”

Pagkatapos ko magpaalam sa kanya ay dumiretso na agad ako sa gym.

Nadatnan ko naman sila Calvin na nandoon na pati na din si Coach.

“You’re five minutes late.” ani Coach.

“Sorry Coach.”

“It’s okay, but next time maging on time ka kung anong exact time yung sinabi ko ay dapat nandito kana, palagi kana lang late.” aniya pa.

“Opo Coach. Sorry again.” pa umanhin ko.

“Oh sige na, umupo ka muna dyan habang hinihintay pa natin ang iba.”

“Thanks Coach.”

Umupo naman ako sa tabi nila Calvin na ngayon ay mga nag-uusap.

“Oh pre bakit ngayon ka lang?” Tanong ni Gavin.

“Dumating si Mommy e, medyo natagalan kami ni Engot dahil ang dami pa niyang kwenento.” Sagot ko naman.

“Wala bang pasalubong si Tita sa amin?” Naka ngiting singit naman ni Steve.

“Tss! Nandun sa kotse ko, mamaya niyo na lang kunin.”

“YOWNNNNN!”

“Tama na yan, nandito na yung iba magsisimula na ang meeting.” ani Calvin.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon