SPECIAL CHAPTER (PART 1)

12.6K 416 135
                                    

A/N: To celebrate our 200K reads, kasabay ng aking birthday, gumawa ako ng Special Chapter! I hope magustuhan niyo ito! Sobrang salamat sa lahat ng sumuporta. Nawa'y suportahan niyo rin ang mga future stories ko. Anyway, please don't forget to VOTE and COMMENT Your thoughts abouts this Chapter! More importantly, ENJOY!


Super Enriquez

Bakit sa tingin mo masakit magmahal?

Sa una pa lang, nakatadhana ka naman na talagang masaktan. Cupid himself hurt you---Hindi mo lang alam. Mamamana siya, tapos tatama sa puso mo at kala mo masaya, kasi may mala-drograng epekto ang bala niya---Increase of Dopamine. Sa oras na matamaan ka, you will not feel the pain eventually, para iyang sugat na hindi mo mararamdaman agad dahil sa Adrenaline---Masyado itong biglaan, at masasabi mo lang na may sugat ka kapag hinatak na paalis sa 'yo ang saksak. Doon mapapasabi ka na, "Masakit pala." 

You'll experience the craziness effect. Ngingiti ka sa mga oras na dapat e pagod ka. Sa mga oras na ubos ka, makikita mo pa rin ang sarili mong bumubungisngis; Nagsasayaw ang puso mo sa paligid at hindi alintana ang lungkot ng mundo. 

Nakababaliw. 

That love will provide you all the reasons to be happy---To wake up. Paulit-ulit na rason na parang tunay na drugs---Nakakaadik. Animo'y iaangat ka sa langit hanggang sa isang araw, saka mo lang maiisip na nakalimutan mo pa lang Cupid really hurt you a lot, because he sent that  love through a sharpened arrow. 

Hindi ka man mamatay dito, something within you was already killed. Iyon iyong mga bagay na nai-sacrifice mo for that love, at mga binago mo for that love. We often think that it's the special person that made a girl or guy changed; kahit na ang katotohanan, it's Cupid's arrow.

Gayunpaman, mayroong kung sa punto nito. Maganda naman kasi kung mapana ka ni Kupido, 'di ba? Hindi mo naman mararamdaman agad, kasi nga you're under the drugs of Love. Pero paano kung mag wear-off na ito? Paano kung alisin niya ang pana?

Nakalulungkot kasi laging nangyayari. Aminin na natin, hindi siya ganoon ka-asintado. Tipong ibabaon niya ang pana, tapos hahatakin niya paalis dahil lang nagkamali siya. It's not the arrow that makes the major pain at all; Ang paghatak niya ang nagbibigay ng sakit, kasi doon umuuwang ang sugat.

Doon ka nagiging duguan.

Doon nawawala ang epekto ng droga ng pag-ibig na magpakakalimot sa 'yo sa kung gaano katalas ang pana niya.

Ngunit anong magagawa mo? Maghihintay ng apology mula sa kaniya?

Wala. Wala kang choice kung hindi hayaang tumulo ang dugo.

To use the blood as an ink--- Sa pagsulat ng panibagong kwento---Kwento kung paano ka maghilom --- Maghilom nang mag-isa.

Hindi ka pa naman daw talo kahit pakiramdam mo gumuho na ang mundo mo. A Blessing in Disguise daw ang dugong iyon. Kasi habang may tumutulo mula sa 'yo---Gaya ng luha o kung ano pa man, ibig sabihin lang no'n na buhay ka pa. Hindi tuluyang nagtagumpay ang pagkakamali ni Kupido. Hindi ka pa naubos, at mauubos ka lang kung hindi mo hahayaang mag-heal ang sarili mo. Masasayang ang dugong tumulo kung iiwanan mo lang nang hindi napapakinabangan.

"Bakit kayo nandito para magsulat?" Nilibot niya ang mata niya sa aming mga estudyante. Nagtaas naman ako ng kamay.

"Okay, Mr. Enriquez." Nagtinginan silang lahat sa akin. Im so much sure na maraming mga bagay ang maglalaro sa isip nila kapag nadinig nila ang sagot ko. Of all people here, ako lang ang celebrity na bukas na libro ang buhay sa madla.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon