Chapter 7

16K 697 173
                                    

SHORTNOTE: PLEASE DONT FORGET TO VOTE OR COMMENT YOUR REACTIONS! 😁😍

Chelsie Madrigal

"What the hell are these? Nakakadiri!Hindi ka na ba nag-iisip? Bakit ikakalat-kalat mo iyan? Damputin mo na! Bilisan mo!" natatarantang bungad niya sa akin nang makapasok ako sa unit.

Ano bang ikinatataranta ng baklang pamintang ito? Agad kong nilingon ang mga gamit ko sa kama at nandoon nga't nakakalat ang mga panty ko.

Halos manlaki ang mata ko nang makitang iba ang mga ito. Mga seducing colors na halos net na ang itsura, T-backs at kung ano-ano pang kapag sinuot ko ay sadyang magmumukhang pornstar ang datingan.

Nagmadali kong isinuksok ito muli sa mga bag habang nakatalikod naman si Super. Ako nga dapat ang O.A ngayon kasi privacy ko iyon at baka isipin niyang ganiyan ako magsuot ng underwears! Eksehereda ng reaksyon niya ha!

Pero...shuta talaga! Nakakahiya. Sigurado akong kagagawan nila mami ang mga iyan. Bakit ba hindi ko napansin kanina? Bakit ba iniwan kong nakakalat ang gamit ko? Bakit kasi hindi na lang sa kwarto ko?
Shunga lang, girl? Huhuhu.

"Okay na, sorry...baklita, hindi akin iyan ha! Maayos ang mga panty ko! Hindi ganiyan kalalaswa," usal ko habang pinagpapawisan pa nang malamig. Bakit ba nag-eexplain ako? Pakialam niya ba kung ganiyan panty ko?

"O-oo n-na! Labas na dito, dalhin mo iyang mga gamit mo," pagtataboy niya sa'kin.

Ano bang problema niya? Parang panty lang e! Ako nga dapat mahiya e!
Siguro...

"Super?" sambit ko habang kinakatok muli ang kwarto niya.

"Hindi ko naman gagamitin ito, kung gusto mo hiramin, ok lang naman," suhestyon ko.

Idinikit ko pa ang aking tainga sa pintuan para madinig kung ano mang sagot niya. Biglang bumukas ang pinto at napahiga ako sa sahig kasabay ng mga gamit ko.

"Pwede ba, Babaita? Hindi ba nasa kontrata na bawal mo akong pakialaman off cams?"

Nakatayo siya malapit sa ulo ko kung saan tanaw ko ang ilalim ng shorts niya. Shuta! Napapikit na lamang ako sa sarap—este sa pandidiri.

"Oo nga, sabi ko nga hindi na kita guguluhin...layo ka muna," pakiusap ko habang nakapikit pa rin.

-

Aminin ko na. Gwapo naman talaga si Super. Kaya nga siya sikat e'.

"Ahm, matangos ilong niya, singkit ang mga mata niya, mapula yung labi niya...ahm...pouty? Parang nakalipstick, ano pa ba? Ah! Ahm... matangkad siya," paglalarawan ko kay Super sa harap ni Direk Reyes.

Activity niya ito. Ewan ko kung anong pakuno ang gusto niyang ipagawa pero sabi niya pagmasdan daw namin ang isa't isa bilang part ng workshop namin na Operation: Alisin ang awkwardness. Wala, ako lang ang nagpangalan no'n. Pinapalarawan sa'min ang magagandang bagay na nakita namin sa isa't isa at ako nga ang pinauna niya.

"And what? What can you say about his personality?" tanong naman ni Direk Reyes habang ikinukumpas ang mga kamay na sinasabing "SPEAK"

Paano ko naman idedescribe personality nito? Wala naman akong maayos na usapan sa baklitang iyan.
Lagi kaya siyang mataray. Ay tama.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon