Chapter 5

20.6K 800 171
                                    

Hope you enjoy! Please don't forget to vote! 😁

Chelsie Madrigal

Harana. Isang bagay na siguro ay lahat ng babae ay pinapangarap sa ganitong panahon, kung saan hindi na lang noodles ang instant. Instant jowa, instant anak, instant friends at kung ano-ano pa. Nakakaloka.

Hindi ko mapigilang mamula habang iniisip na si Joseph Carlos, isa sa mga pinakacrush kong singer ay nasa harapan ng bahay namin. May hawak na gitara at nagpagod pang magbitbit ng amplifier para gisingin ako sa napakaganda niyang boses.

"Anak, sagutin mo na manliligaw mo, bibihira ang ganiyan," ani ni Miwan na katulad ko ay nakatanaw din mula sa bintana. Marami na rin ang tao sa labas dahil sa eksenang nangyayari. Kinilig naman ako sa sinabi ni Miwan.

"Sana nga, Miwan," tanging sagot ko at muling itinuon ang atensyon kay Joseph.

Nagpatuloy pa ang pagkanta niya at nagpatuloy din ang sayang nararamdaman ko. Ano ba ito? Bakit kilala niya ako at hinaharana niya pa ako sa tapat ng bahay namin? Masyado na bang nakaakit ng mga artista yung ganda ko? First time ko sa TV tapos ganito agad? Enebe.

Pilit mang abutin ang mga tala
Basta't sa akin wag kang mawawala...

Nakisabay na ang ilang mga taong nasa paligid. Kumakanta na rin ako dahil sa sobrang sikat ng cover niya sa kantang ito. Faney.

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik...

Bitin naman nang tapusin agad nito ang kanta. Nagsalita pa siya sa Mic.

"Ms. Chelsea, I am here dahil nakisuyo sa'kin ang kaibigan ko na haranahin ka dahil paborito mo raw ang mga cover songs ko..."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kanino naman niya nalaman iyon?
Tumingin ako kila Mami at umiling naman sila. Defensive? Tumingin lang ako, tumatanggi na?

"Hindi ako ha," sambit ni Miwan.

"Aba'y mas lalong hindi ako," ani naman ni Mitu.

Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa labas nang muling magsalita si Joseph.

"Sa katunayan, nandito siya...ang boyfriend mo para samahan akong haranahin ka."

Nagsigawan na ang mga kapitbahay. Sila Mami naman sa gilid ko ay parang mga teen-ager na pinaghahampas ako dahil sa kilig.
Boyfriend? So I guess it's him.

Lumabas si Super mula sa likod ng kumpulang mga tao. May dala siyang bouquet ng white roses. May bitbit rin siyang wireless mic at nagsimula muling tumugtog si John na sinabayan ng pagkanta ni Super.

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lamang
Ang siyang aking...

"Ikaw lang ang iibigin ko Chelsea Madrigal! Sorry. Sorry for not being proud of you. Sorry kung binigla rin kita sa ginawa ko kahapon. I love you, wifey," Aniya.

Napangiti na lamang ako sa ginawa niya. Eksena ka sis? Shuta!

-

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon