SPECIAL CHAPTER (PART 2)

14.1K 545 672
                                    

A/N: So nagloloko ang dedication at hindi ako makatag. Anyway, I dedicate this chapter to these pips! ammmyours, Yelyel71, bichwii, misspickyprincess, and mxnpls ! Super Salamat kasi namotivate ako sa assurance na may naghihintay, hindi nilangaw yung post ko! hahhahaha. Enjoy! 



Super Enriquez

"Huy ano bang pakuno ito, Baklita! Nakakaloka ha! Kapag ako talaga hindi natuwa dito, shuta ginagalingan mo na naman ah." Ang daldal niya matapos ko isuot ang piring sa mga mata nito. Pinasok ko na siya sa events hall kung saan naghihintay doon si Kuya Bernard.

Ipinuwesto ko siyaa gitna. Pinagmasdan ko muna ang set-up. It looks the same as before, napangiti ako. Nang kami na lamang ang tao ay saka ako nagsalita, "Pwede mo nang buksan."

Kinakabahan ko siyang pinanood. Dahan-dahan ang pagbaba niya ng tela hanggang sa tuluyan niyang inilibot ang paningin sa madilim na kwarto. Maganda ang kinalabasan ng matagal kong preparasyon. Parang dinala ko rito yung kwartong dinaungan ng unang monthsary namin noon.

"Naalala mo 'tong lugar na 'to?" Lumapit ako sa kaniya. Bitbit ko ang UV lights at itinapat ito sa dingding.

Lumabas ang mga letrang kanina ay hindi makita, hanggang sa nabuo ang mga salita.

"I miss you," basa ko. Matapos iyon ay mapait akong ngumiti. Hindi ko gusto tingnan ang reaksyon niya, pero kailangan kong makita. This might be the last and this might be awkward considering our situation, pero marami akong gustong gawin---Maraming gustong sabihin bago matapos ang lahat---Matapos nang tuluyan---Bago marinig ang tunay na paalam.

"Su---Super, Na—Namiss din naman kita," nauutal na ani nito. Hinampas niya pa ang braso ko, halata ko ang pagka-ilang niya. Gayunpaman, she still has this jolly reaction na akala mo'y walang nagbago.

Tumugtog ang isang madramang instrumental hanggang sa tuluyang nagbukasan ang mga ilaw sa sahig na nakakorte pa ng puso. Sa kahel na liwanag ng paligid ay bumabagsak din mula sa ceiling ang ilang mga talutot ng pulang rosas.

"Can I have this dance?" aya ko.

Napatingin siya sa sahig; sa mata ko, and there I can see how she feel sorry for me. She didn't expect this at alam kong sa ngayon, pinag iisipan niya kung tatanggapin niya ba mga kamay ko, kahit pa simpleng sayaw lang naman 'to. Hindi katulad ng dati na walang alinlangan at isang abot-taingang ngiti ang sagot. Ngayon, iba na.

"I'm sorry," anas niya. Wala akong nagawa kundi lunukin ang aking laway. To push away the pain. Those words, it's simple, but that simplest word makes me bleed inside.

"For what?" Tanong ko.

"I didn't know na may inihanda kang ganito. I should have told you earlier about me and Sam."

"If you really feel sorry, just give me this dance, Babaita," I asked for her hand again, muli ay naramdaman ko ang malambot niyang kamay. Dinala ko siya sa gitna ng mga ilaw at doon ay inilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang beywang. Her hands fitted my shoulders habang tinitingnan ko ang mga mata nito.

"Pasensya na, I didn't know na may boyfriend ka na pala." Tumingin siya sa 'kin pero mabilis din na umiwas.

"Ano ka ba! Okay lang, naiintindihan ko 'no! Kasalanan ko talaga, tingnan mo naghanda ka pala ng ganito, pangmalakasan," she jested.

Chasing Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon